Liza Diño, ibinahagi kung paano nalampasan ni Ice Seguerra ang depression ngayong pandemya

by PEP Troika
Dec 1, 2021
ice seguerra liza dino
Liza Diño on husband Ice Seguerra: “I hope magtuluy-tuloy nga na he’s in better spirit. I’m always here, katulad ng the way he’s here for me all the time nung ako yung may pinagdadaanan, talagang siya naman ang nandiyan.”
PHOTO/S: @iceseguerra on Instagram

GORGY RULA

Halos lahat ng performers ay hinihintay ang araw na magkakaroon na ng live performance sa ating bansa.

Sabi nga ni Ogie Alcasid, baka maiyak siya pagsampa niya sa stage sa harap ng mga manonood ng live concert.

Iho-host ng Kilabotitos na sina Ogie at Ian Veneracion ang fund-raising concert na Christmas with the Stars, na mag-i-streaming sa December 11 sa KTX.

Guests dito sina Regine Velasquez-Alcasid, Dingdong Avanzado, Christian Bautista, Poppert Bernadas, Noel Cabangon, Ryan Cayabyab Singers, The Company, at Jose Mari Chan.

Kabahagi rin dito sina RJ de la Fuente, Krystle, Moira Lacambra, Kuh Ledesma, Gian Magdangal, Lara Maigue, Lani Misalucha, Martin Nievera, Randy Santiago, Aicelle Santos, Gary Valenciano, at Maestro Ryan Cayabyab.

Sa nakaraang virtual presscon ng Christmas with the Stars ay in-announce na ang nakatakdang concert series ni Ogie sa Amerika sa March at April next year, kasama sina Janine Gutierrez at Paulo Avelino.

Ipinapanalangin ng lahat na performers na sana, tuluy-tuloy na ito at mangyayari na rin dito sa atin. Inaayos na rin ang tour ng Kilabotitos nina Ogie at Ian sa abroad.

Continue reading below ↓

Itong concert tour ang nakatulong nang malaki para malagpasan ni Ice Seguerra ang depression na pinagdaanan niya nitong mga nakaraang buwan.

Pag-amin ng asawa niyang si FDCP Chairperson Liza Diño-Seguerra, “It was really a rough year for us. Kasi siyempre, mas malaki yung nadadala niyang kita sa bahay namin, between the two of us, di ba?

“Siyempre, siya yung mas malaki yung kita. Imagine that na nag-shutdown siya for more than a year,” pakli ni Liza nang nakapanayam namin sa DZRH nung Martes, November 30.

“Sa totoo lang, hindi naman si Ice ang nakakaranas ng ganito, lalo na’t hindi sanay na walang ginagawa.

“More than the kita, it’s really Ice, you know… stopping work. Since three years old 'yan hanggang mag-pandemic, hindi 'yan tumigil magtrabaho.

“Imadyinin mo, talagang natigil lahat. Doon siya nahirapan kasi he’s always been creative. He’s always had something to do,” dagdag niyang pahayag.

Mabuti at puwede na ang live performance sa Amerika, kaya nakakuha si Ice ng concert series sa iba’t ibang bahagi ng USA.

Continue reading below ↓

“Now, he’s okay, kasi nag-U.S. tour siya. I actually joined him for awhile. He was able to tour, go around the U.S. to sing for our Filipino communities there.

“Pinalad naman, nagkaroon siya ng 30 shows. So, I’m happy for him,” masayang pahayag ni Liza.

Mga maliliit na venue lang daw ito, pero sold-out lahat at nadagdagan nang nadagdagan.

Continue reading below ↓

“Ngayon he’s back on his creative mode. Inspired ulit siya. Gumawa nga siya ng bagong kanta, yung 'Huwag Kang Aalis,' to talk about his journey during that time nung na-depress siya.

“I would say na okay siya. Nandun siya sa ‘highs’ na. Okay kami. He’s very creative.

“Ngayon, he’s directing a reality show, and I’m very, very excited about that for him, kasi he’s venturing into a new role.

“Nandito lang ako naka-support sa kanya. Ako naman yung wifey na ano niya, faney,” napapangiting pahayag ni Liza.

JERRY OLEA

Ayon kay FDCP Chair Liza, hindi mawawala ang depression. Ang mahalaga ay naha-handle na ito ngayon nang maayos kapag dumating ang panahong atakehin ka uli ng depression.

Saad niya, “You know depression, it’s always there. Once you have it, it’s always there. It’s just a matter of how you manage it.

“I think it’s important for people who are suffering with mental health problems to know this, na parang you manage it. But there’s always a way to anticipate na pag nandiyan siya, you know how you cope with it.”

Continue reading below ↓

Inaasahan ni Liza na tuluy-tuloy na ang sigla at hindi bumalik ang depression kay Ice. Nandiyan lang siya at handang alalayan ito.

“I hope magtuluy-tuloy nga na he’s in better spirit. I’m always here, katulad ng the way he’s here for me all the time nung ako yung may pinagdadaanan, talagang siya naman ang nandiyan,” sabi pa ni Chair Liza.

NOEL FERRER

Talagang nakakaiyak lalo na sa live events workers na nabinbin ang trabaho nang napakatagal na panahon, at itong Christmas with the Stars concert ay tulong para sa kanila.

Aminin natin, kulang talaga sa ayuda at sa huli’t huli, hindi sa sangay ng pamahalaan tayo umaasa kundi mas sa kabutihan ng isa’t isa.

Kaya ang mga ganitong effort sa pangunguna ni Ogie at ng private companies is a very welcome idea, lalo na ngayong Kapaskuhan.

Isa pa, sana talaga, hindi tayo lubos na madale at tamaan ng Omicron variant ng coronavirus!

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Liza Diño on husband Ice Seguerra: “I hope magtuluy-tuloy nga na he’s in better spirit. I’m always here, katulad ng the way he’s here for me all the time nung ako yung may pinagdadaanan, talagang siya naman ang nandiyan.”
PHOTO/S: @iceseguerra on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results