69th FAMAS Awards: Coco Martin nominadong Best Actor para sa pelikulang ngayong 2021 lang ipinalabas

by PEP Troika
Dec 2, 2021
69th famas nominees
Best Actress nominees (Top, L-R): Alessandra de Ross for Watch List, Lovi Poe for Latay, Bela Padilla for On Vodka Beers And Regrets, Charlie Dizon for Fan Girl, Iza Calzado for Tagpuan, and Cristine Reyes for Untrue; Best Actor nominees ((bottom, L-R): Xian Lim for Untrue, Coco Martin for Love Or Money, Allen Dizon for Latay, JC Santos for On Vodka Beers And Regrets, Alfred Vargas for Tagpuan, Paulo Avelino for Fan Girl, and Elijah Canlas for He Who Is Without A Sin.

JERRY OLEA

Inihayag ni Lance Raymundo ang mga nominado sa 69th FAMAS (Filipino Academy of Movie Arts and Sciences) nitong Disyembre 1, Miyerkules, sa YouTube channel na FAMAS CHANNEL.

Twelve minutes and three seconds ang video ng nominee reveal, sa direksiyon ni Alejandro “Bong” Ramos.

Naka-post din sa bagong official Facebook page ng FAMAS ang listahan ng mga nominado, kung saan mali ang spelling ng pangalan ng ilan.

Ang first name ni Cristine Reyes, nilagyan ng “h.” Ang first name ni Bela Padilla, dinoble ang “l.” Ang first name ni Paulo Avelino, ginawang “Paolo.” At ang apelyido ni Matteo Guidicelli, ginawang “Guidecelli.”

Ang titles ng ibang movies, “wrong spelling, wrong” din. Sa kategoryang best screenplay, may “Hahop Ka!”

69th famas best screenplay

Continue reading below ↓

Ang Love or Money nina Coco Martin at Angelica Panganiban ay this year ipinalabas. Marso 12, 2021 ito nag-umpisang mag-streaming sa KTX, iWant TFC, TFC IPTV, at Sky Cable PPV.

Pero ayun at kasama si Coco sa mga nominadong best actor — katunggali ang performances ng mga aktor last year (2020).

Nawa’y ipaliwanag ng FAMAS ang mahiwagang nominasyon ni Coco para sa Love or Money, na dapay ay next year pa ikokonsidera.

Ang Latay nina Allen Dizon at Lovi Poe ay kalahok sa naudlot na Sinag Maynila (Marso 17-24, 2020) filmfest. Nag-streaming ba ito last year sa Pilipinas?

Pahayag ng line producer na si Dennis Evangelista, “Nag-premiere ang Latay sa Kolkata International Film Festival in India, then nag-online screening and virtual events sa Manhattan Festival noong November 18-20 2020, na na-access online kahit nasa Pilipinas ka.

“Pati iyong Romania film festival screening ng Latay, online din noong 2020, at napanood sa Pilipinas. Sa Germany, 2020 rin iyong online worldwide screening, na na-access din sa Pilipinas.

Continue reading below ↓

“Hopefully, maipalabas ang Latay sa local cinemas sa Pebrero 2022.”

Hindi binanggit ni Lance kung kailan gaganapin ang 69th FAMAS, kung saan punong-abala ang president na si Francia Camacho Conrado, at chairman of the board si Angelo Padua Jr.

Anim ang nominadong BEST ACTRESS — Cristine Reyes (Untrue), Iza Calzado (Tagpuan), Bela Padilla (On Vodka, Beers and Regrets), Charlie Dizon (Fan Girl), Lovi Poe (Latay), at Alessandra de Rossi (Watch List).

69th famas best actress

Continue reading below ↓

Pito ang nominadong BEST ACTOR — Xian Lim (Untrue), Allen Dizon (Latay), Coco Martin (Love or Money), Alfred Vargas (Tagpuan), Paulo Avelino (Fan Girl), Elijah Canlas (He Who Is Without Sin), at JC Santos (On Vodka, Beers and Regrets).

69th famas best actor

Pito rin ang nominadong BEST SUPPORTING ACTRESS — Rhen Escaño (Untrue), Dimples Romana (Block Z), Dexter Doria (Memories of Forgetting), Angeli Bayani (Watch List), Sanya Lopez (Isa Pang Bahaghari), Carmina Villarroel (Four Sisters Before The Wedding), at Shaina Magdayao (Tagpuan).

Continue reading below ↓

69th famas best supporting actress

Pito rin ang nominadong BEST SUPPORTING ACTOR — Ian Veneracion (Block Z), Michael de Mesa (Isa Pang Bahaghari), Dominic Ochoa (Four Sisters Before The Wedding), Micko Laurente (Watch List), Jake Macapagal (Watch List), Enzo Pineda (He Who Is Without Sin), at Matteo Guidicelli (On Vodka, Beers and Regrets).

69th famas best supporting actor

Continue reading below ↓

Isang dosena ang nominadong BEST PICTURE — Untrue, Magikland, Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story, Memories of Forgetting, Isa Pang Bahaghari, Four Sisters Before The Wedding, On Vodka, Beers and Regrets, Fan Girl, Watch List, Block Z, He Who Is Without Sin, at Latay.

Pero kalahating dosena lang ang nominadong BEST DIRECTOR — Avid Liongoren (Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story), Christian Acuña (Magikland), Irene Villamor (On Vodka, Beers and Regrets), Antoinette Jadaone (Fan Girl), Ben Rekhi (Watch List), at Joel Lamangan (Isa Pang Bahaghari).

GORGY RULA

Sa pagkakaalam ko, karamihan sa mga bumubuo sa FAMAS ay hindi talaga taga-showbiz.

Okay lang naman yun para iba-ibang sector ang pipili ng mga the best sa mga napapanood nating pelikula. Kaya hindi siguro nila napansin na ngayong taon lang nag-streaming itong Love or Money.

Baka ikawindang pa natin kapag si Coco ang manalong best actor.

Sana ganapin na nila ang 69th FAMAS ngayong buwan bago tayo sumampa sa 2022, para hindi na nakakalito kung aling taon talaga ang covered nitong award-giving body.

Continue reading below ↓

Ang FAMAS pa rin naman ang may pinagkamagandang trophy kumpara sa iba’t ibang award-giving bodies.

NOEL FERRER

Okey naman sa akin ang listahan ng nominees ng FAMAS.

Napansin ko lang na kung gaano sila ka-generous sa mga acting nominations at sa kategoryang best picture ay ganun naman sila katipid sa best director, to think na ito ang may pinakamahirap na trabaho sa produksiyon.

Oh well, let’s wait for the results! I’m sure may mga sorpresang mga choices 'yan lalo na sa mga special awards.

Pero tama ka, Tito Gorgy, sana maibigay nila ang parangal nila bago matapos ang taon.

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Best Actress nominees (Top, L-R): Alessandra de Ross for Watch List, Lovi Poe for Latay, Bela Padilla for On Vodka Beers And Regrets, Charlie Dizon for Fan Girl, Iza Calzado for Tagpuan, and Cristine Reyes for Untrue; Best Actor nominees ((bottom, L-R): Xian Lim for Untrue, Coco Martin for Love Or Money, Allen Dizon for Latay, JC Santos for On Vodka Beers And Regrets, Alfred Vargas for Tagpuan, Paulo Avelino for Fan Girl, and Elijah Canlas for He Who Is Without A Sin.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results