JERRY OLEA
Ang saya-saya ng "Madlang Pi-poll" segment sa Christmas party ng ABS-CBN para sa mga taga-media noong Disyembre 2, Huwebes.
Ang isang poll question ay kaugnay sa FPJ’s Ang Probinsyano: “Alin ang mas mahaba… A. Ang buhay ni Cardo Dalisay, or B. Ang pasensya ni Lola Flora?”
Lotlot ang mga taga-media sa round na iyon pero eventually ay sila ang nag-emerge na winwyn, at lima sa kanila ang naghati-hati ng premyo sa raffle.
Samantala, patuloy na umiinit ang mga kaganapan sa FPJ’s Ang Probinsyano, na napapanood Lunes hanggang Biyernes ng gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.
Ginamit ng mga kaaway ni Cardo (Coco Martin) ang sarili nitong pamilya laban sa kanya.
Napilitan si Lolo Delfin (Jaime Fabregas) na traydurin ang apong si Cardo para isalba ang buhay ni Lola Flora (Susan Roces). Kumagat si Delfin sa bitag ng kaaway matapos siyang ma-corner ng isang colonel na dati niyang kaibigan at may koneksiyon kay Renato (John Arcilla).
Dahil sa pagbabanta sa buhay ni Flora, napilitin si Delfin na bumigay sa inuutos ng mga dumakip sa kanya — ang papuntahin si Cardo sa hideout para mahuli nila ito.
Sandamukal ang humahabol kay Cardo dahil sa malaking pabuyang nakapatong sa ulo niya, kabilang na si Armando (John Estrada). Ang plano ni Armando, paulanan ng kabutihan si Cardo at ibaon ito sa utang na loob nang sa ganoon ay makuha niya ang tiwala nito bago isuko sa mga otoridad.
Samantala, babalik na si Aurora (Sharon Cuneta) sa Pilipinas para makapiling ang nag-aagaw-buhay na amang si Don Ignacio (Tommy Abuel), matapos itong barilin ng anak ni Armando na si Mara (Julia Montes).
Meron bang koneksiyon si Aurora kina Mara, Armando, at President Oscar (Rowell Santiago)?
GORGY RULA
Nag-react ang ibang supporters ng FPJ’s Ang Probinsyano dahil naikukumpara ang ratings nito sa I Left My Heart in Sorsogon ng GMA Network.
Rason nila, hindi raw patas ang labanan dahil wala nang sariling network ang ABS-CBN at nakikihiram na lang airtime sa ibang TV stations. Pero sabi naman ng tagasuporta ng GMA, parehong napapanood sa free TV ang dalawang primetime series kaya nakakakuha pa rin ito ng ratings..
Ito ay base sa datos ng AGB Nielsen Philippines kung saan naka-subscribe ang GMA Network.
Ang combined ratings na nakukuha sa FPJ’s Ang Probinsyano mula sa AGB sa A2Z, TV5, Kapamilya Channel, at Cinemo nung December 1, Miyerkules, ay 9.2%. At ang sa Marry Me, Marry You ay 4.4%.
Ang combined ratings naman ng I Left My Heart in Sorsogon sa GMA-7, GTV, at Heart of Asia ay 13.3%.
Samantala, ang manager ni Paolo Contis na si Manay Lolit Solis ay natutuwa sa alaga niya sa I Left My Heart in Sorsogon dahil gumuwapo raw ito lalo at bumagay kay Heart Evangelista. Lalo rin daw ito gumaling sa pag-arte.
Sabi naman ni Paolo, gusto niyang bumawi sa trabaho kaya ginagalingan niya ang kanyang role sa drama series nila nina Heart at Richard Yap.
“Hindi ko na siya iinisin,” natatawang pakli Manay ni Lolit.
NOEL FERRER
Ako naman, I still maintain na marami nang ibang sukatan ng viewership at hindi na lang free TV ratings.
Advertisers have different barometers and metrics especially for endorsers and brand ambassadors.
Ang maganda lang dito ay ang audience ang panalo. Kasi, pagandahan na talaga ng content — Kapamilya man o Kapuso o Kapatid, pati ka-INC na nagteteleserye na rin ngayon.