Ruru Madrid, Bianca Umali, paanong break na?!

by PEP Troika
Dec 4, 2021
Wala mang inamin sa publiko, marami ang nagpalagay na magkasintahan na sina Bianca Umali at Ruru Madrid, lalo na nang magsimulang mag-post sila ng sweet photos na magkasama sila sa kani-kanilang Instagram accounts nung nakaraang taon. Ngayong 2021, may umuugong na balitang break na raw ang dalawa.
PHOTO/S: @rurumadrid8 Instagram

NOEL FERRER

Happy Birthday, Ruru Madrid!

For me, Ruru remains to be the Kapuso young actor who is my best bet for major stardom.

Nagkaroon man ng maraming setbacks ang kanyang 2021 dahil sa pagkakabinbin ng kanyang action-adventure series na Lolong dahil sa mga nag-positive sa Covid na mga kasamahan ng trabaho, Ruru knew how to channel his energies towards positivity.

Siya ang nagpapatatag ng loob ng kanyang mga kasamahan sa trabaho lalo na ang mga staff at arawan na crew.

While waiting for his next acting project, let us be the one to say here in Troika na may upcoming collab siya with our Olympic Gold Medalist na si Hidilyn Diaz as he shares the honor of being the first celebrity na naka-experience first hand na training with Champ Hidilyn and Coach Julius.

Hidilyn Diaz, Ruru Madrid

Continue reading below ↓

Nagpaunlak din si Ruru ng isang Level Up interview sa Radyo Katipunan and extensively he related how he started as a bibo at feeling-walang talent na artista to someone na nagpursige at matuto.

That makes him the formidable leading man that he is already.

Sa aming "NOELitanya" segment, playtime at buong-tapang at charming ang kanyang pagsagot sa pamimili ng kanyang choices na mas malapit sa kanya at mas aligned sa kanya.

And it went like this...

Judy Ann or Claudine: JUDY ANN.

Martin Nievera or Gary Valenciano or Ogie Alcasid or Janno Gibbs: OGIE & JANNO.

Cherry Pie Picache or Jaclyn Jose: MISS JANE/JACLYN JOSE.

Richard Gomez or Aga Muhlach or Robin Padilla: ROBIN PADILLA.

Piolo Pacual or John Lloyd Cruz or Coco Martin or Gerald Anderson: PIOLO PASCUAL.

Dingdong Dantes or Alden Richards: DINGDONG DANTES.

Marian Rivera or Heart Evangelista: ATE YAN/MARIAN RIVERA.

Bea Alonzo or Maja Salvador or Kim Chiu: BEA ALONZO

Continue reading below ↓

KathNiel, LizQuen or JaDine: KATHNIEL All The Way.

Ben&Ben or 4 Of Spades or SB19: BEN & BEN.

Julie Anne San Jose or Morissette: JULIE ANN.

Miguel Tanfelix or Khalil Ramos: MIGUEL TANFELIX.

Gabbi Garcia or Bianca Umali: BIANCA UMALI.

We wish Ruru all the best! At kahit hindi niya gawi ang magsapubliko ng kanyang love life, alam ko na okey at maayos ang kanyang puso.

Promise!!!

JERRY OLEA

Pina-follow pa nina Ruru Madrid at Bianca Umali ang isa’t isa sa Instagram.

May sweet birthday message kaya si Bianca para kay Ruru?

Makikisaya kaya si Bianca sakaling may birthday celebration ang Kapuso hunk actor?

GORGY RULA

Pero may ilan nang nagsabi sa aking break na raw talaga sina Ruru at Bianca.

Sabi ko naman, wala silang sinabing opisyal na naging sila.

Mahirap ang ganun, kasi hindi naman nila lantarang sinabing sila at kailan pa nagsimula ang relasyon, pagkatapos break na pala?

Continue reading below ↓

Kaya kung totoo mang break na sila, tingin ko, hindi rin sila handang pag-usapan iyan.

Tingnan na lang natin kung babati si Bianca, at kung magkasama ba silang dalawa sa kaarawan ngayon ng Kapuso hunk.

Happy birthday, Ruru! Mabuhay ka!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wala mang inamin sa publiko, marami ang nagpalagay na magkasintahan na sina Bianca Umali at Ruru Madrid, lalo na nang magsimulang mag-post sila ng sweet photos na magkasama sila sa kani-kanilang Instagram accounts nung nakaraang taon. Ngayong 2021, may umuugong na balitang break na raw ang dalawa.
PHOTO/S: @rurumadrid8 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results