Shido Roxas, okey lang matawag na "Lunok King"

by PEP Troika
Dec 4, 2021
Shido Roxas
Nagpapasalamat si Shido Roxas na sa panahon ng pandemya, nakapagbigay siya ng saya sa iba nating kababayan dahil sa kanyang "lunok blooper."
PHOTO/S: Shido Roxas Facebook

JERRY OLEA

Natatandaan ng televiewers si Shido Roxas sa "lunok blooper" niya sa Wish Ko Lang episode with Christopher de Leon na ipinalabas noong Hulyo 10 sa GMA.

“The director and the program manager contacted me na po,” poker-faced na sabi ni Shido nang makausap namin noong Nobyembre 27 sa Supersam restaurant, Sct. Tobias St., Quezon City.

“So, we’re doing, baka po, part 2. Seryoso po ito, ha? Hindi ko po alam kung with Tito Christopher pa…

“Pero parang sa dagat po yata ang eksena ngayon, e… Pero baka January o February po siya gawin.

“Kasi, busy po tayo ngayon… Hindi ko po sure kung sa Wish Ko Lang pa rin, but they contacted me.

“Noong July pa yun ipinalabas, pero nagpipiyesta pa rin ang iba sa eksenang yun.

“Last week nga po, nagpo-post pa sila. Nakita ko, may 40,000 views na.

“'Tapos, may mga fans na nagme-message sa akin. Sabi, ‘Shido, baka pwedeng pa-lunok.’ ‘Andito silang lahat, baka pwedeng pa-lunok.’

Continue reading below ↓

“Ano ba ang lulunukin ko?”

Okey lang kay Shido na tawaging Lunok King. Okey rin sa kanya na patuloy ang pagkalat ng kanyang lunok blooper. Hindi siya nao-offend sa ganun.

Ani Shido, “Ako kasi, for example, may write-up sa akin, I never bother to respond. Kasi, iba po yung focus ko. Iba yung mentality ko.

“So, kapag may bashers or what, tatawanan ko na lang. Thank you po kung nakapagbigay tayo ng kahit panandaliang aliw despite the pandemic, di ba?

“We’re able to provide respite sa nararanasan ngayon ng mga Pilipino. Mabigat kasi yung pandemic, so kahit paano, may comic relief.

“At my expense nga lang. But I’m not complaining naman po.

“Kung may mga ganyang viral, yan ang mga gusto kong mag-viral. Kasi, wala naman tayong mga scandal or what.

“I never plan to do any scandal. At least, kung mag-viral man tayo, in a positive way naman.”

Kasama si Shido sa cast ng Metro Manila Film Festival (MMFF) 2021 official entry na Nelia, na pinagbibidahan ni Winwyn Marquez.

Continue reading below ↓

Nasa cast din ng Nelia sina Raymond Bagatsing, Ali Forbes, Juan Carlos Galano, Mon Confiado, Lloyd Samartino, Dexter Doria, at Dan Alvaro.

NOEL FERRER

Looking forward to watch Shido sa Nelia, at sana, makasama si Winwyn sa parada ng mga bituin sa Disyembre 23.

Teka, nasaan na nga ba si Winwyn? Busy pa ba siya, or indisposed pa rin?

GORGY RULA

Okey lang kay Shido na mabalahura siya minsan sa mga ganung isyu, dahil naintindihan niyang bahagi na talaga ito sa pinili niyang profession.

Pero kapag sa pamilya at sa labas ng showbiz, iba si Shido.

May mga na-invest na siyang negosyo at isa ito sa pinagkakaabalahan niya sa gitna rin ng maraming projects na ginagawa niya.

Tahimik lang ang love life niya sa kanyang non-showbiz girlfriend na nasa Italy. Matagal na raw niyang hindi ito nadadalaw dahil sa pandemic.

Pagdating sa pamilya ay nandiyan ang suporta pero labas sila sa kanyang pagiging actor. Kaya hindi raw niya ito napu-post sa kanyang social media account.

Continue reading below ↓

“Hindi kasi ako talaga ma-post sa social media, because I want to protect my loved ones,” pakli ni Shido.

Kapag medyo maluwag-luwag na raw at pumuwede na sa schedule niya ay gustong ituloy ni Shido ang pagta-travel sa iba’t ibang bansa. Dito raw talaga niya inuubos ang mga kinita niya sa pag-aartista dahil bahagi na raw ng buhay niya ang pagta-travel.

Pahayag ni Shido, “I’m a person who loves to travel. I travel three times a year. I love traveling every year. Japan, I go to Europe, to USA.

“Actually, doon ko winaldas yung mga pera ko. Hindi ako bumibili ng mga mamahaling damit, mamahaling kotse. Gusto ko i-enjoy ang buhay, nagta-travel talaga ako.

“I explore. I indulge myself with other cultures. I see my friends in different parts of the world. That’s how I celebrate happiness.”

Bukod sa MMFF entry nilang Nelia, bahagi rin si Shido sa isa pang pelikulang pinagbibidahan ni Joaquin Domagoso, ang Caught in the Act na isu-showing na sa mga sinehan sa December 15.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagpapasalamat si Shido Roxas na sa panahon ng pandemya, nakapagbigay siya ng saya sa iba nating kababayan dahil sa kanyang "lunok blooper."
PHOTO/S: Shido Roxas Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results