Rita Daniela pinaghahandaan ang MMFF 2021 awards night

by PEP Troika
Dec 5, 2021
Rita Daniela
"Surprise kung ano ang isusuot ko," ang sagot ni Rita Daniela nang tanungin kung ano ang isusuot niya sa Metro Manila Film Festival 2021 awards night.
PHOTO/S: Gorgy Rula

JERRY OLEA

Ang laki ng nabawas sa timbang ni Rita Daniela. Challenge iyon sa kanya?

“Oo, challenge, yes,” pag-ayon ng Kapuso actress sa storycon ng pelikulang Madawag Ang Landas Patungong Pag-asa nitong Disyembre 3, Biyernes ng hapon sa Sikat Studio, Morato Ext., Quezon City.

“Kasi, may hinahabol ako para sa December 27, yung awards night ng MMFF.”

Ang pelikula nina Rita at Ken Chan na Huling Ulan sa Tag-araw ay isa sa walong official entries ng MMFF (Metro Manila Film Festival) 2021.

Dagdag ni Rita, “Parang… competitive po kasi ako. So, this time, gusto ko namang makipag-compete sa sarili ko.

“I know na kaya ko. Kaya ko siya, and lahat naman tayo talaga, nagkaroon ng iba’t ibang pinagdaanan sa pandemic, di ba?

“So, isa na ako dun. Hindi ko naman ikinakahiya yun. Obvious naman yun sa lahat na talagang nag-gain ako ng weight.

“Mahirap siya talaga na baguhin, na magbawas. Pero masaya po ako pag may nagsasabi po sa akin at nakakapansin na nag-lose ako ng weight.

Continue reading below ↓

“Kasi, worth it kung ano man yung ginagawa ko. Worth it yun!” pagbungisngis ni Rita.

May gown na ba siya para sa MMFF 2021 Gabi ng Parangal?

“Nagpapagawa na po ako,” mabilis na tugon ni Rita.

“May peg kami for that specific night. “And yun yung hinahabol ko. So, yun. Surprise kung ano yung isusuot ko.”

Ngayong Disyembre 5, Linggo ang first shooting day sa Pampanga ng pelikulang Madawag Ang Landas Patungong Pag-asa, sa direksyon ni Joel Lamangan.

Leading men dito ni Rita sina Albie Casiño at Jak Roberto.

Nasa cast din sina Paolo Angeles, Sue Prado, Jim Pebanco, Lou Veloso at Tabs Sumulong.

GORGY RULA

“Champion of Body Positivity” ang taguri kay Rita Daniela nang nag-pose siya sa FHM nung 2018, bago sila nagtambal ni Ken Chan sa Kapuso teledramang My Special Tatay.

Kuwento ni Rita, nung inalok daw siyang mag-pose sa naturang men’s magazine, sinabi raw niyang gusto niyang i-promote ang advocacy niyang body positivity.

Continue reading below ↓

Kung ano man ang itsura ng katawan mo ay tanggapin mo at kailangang ipagmalaki mo.

Pumayag naman daw ang FHM na iyon ang ikampanya niya.

“I told them, ‘If you cannot support me with this, it’s okay. I won’t pose for you. But if you can, that would be great.’

“And they said yes, surprisingly. Kasi, sabi ko, and I was very clear to them, sabi ko, ‘This was parang… contradicting with what you promote.’ Kasi, di ba, FHM?

“And tinanong ko rin sila, ‘Sure po ba kayo? Gusto nyo po akong mag-pose? Kasi, ang mga kinukuha nyo po, talagang…’

“Sabi nila, ‘Chunky is the new sexy now.’ Sabi nilang ganyan. So, sabi ko, ‘Thank you po. Thank you for appreciating.’

“Sa akin naman po kasi, simula nung lumabas yung FHM, ang daming mga kababaihan na nag-message sa akin. Hindi lang nag-message, kundi personal na nagti-thank you sila. Nagugulat na lang ako.

Continue reading below ↓

“Sabi nila, ‘Uy! Thank you, ha! Kasi, you helped us to gain confidence,’ and to accept them who they really are… what we have, ganyan.

“Pero siyempre po, naintindihan ko rin na nasa showbiz ako, and isa yun sa parte ng job description namin ko stay fit.

“Naintindihan ko. Hindi naman po ako ano… kasi, para po sa akin, bakit ako malulungkot o mao-offend? E, totoo naman na nag-gain ako. Alam ko naman sa sarili ko,” saad ni Rita.

Pero ngayon ay talagang kailangan daw niyang career-in na ang pagpapapayat dahil hindi na rin daw siya masaya minsan kapag napapanood niya ang sarili sa TV.

“May time na napapanood ko ang sarili ko sa screen, hindi na ako masaya. That’s why I started… 'Ahh, okay, kailangan ko na magbawas.'

“Kasi nung una, parang okey pa naman. Pero habang tumagal, parang hindi na siya okey.

“Kaya nandito na ako sa journey na ito na meron akong hinahabol, at kapag nakuha ko na yun, ah, okey na ako,” pakli ng Kapuso actress.

Continue reading below ↓

Binati ko si Rita sa story conference at natutuwa raw siya dahil nakikita na ang malaking pagbawas ng timbang.

Hindi lang daw siya nagbibilang kung ilan na ang na-lose niya, dahil kailangang itodo na raw niya at tuluy-tuloy na itong pagpapapayat niya.

“I think siguro, hindi na ako babalik sa ganun, kasi ang hirap din, e. Saka 26 na din po ako,” dagdag na pahayag ni Rita na gaganap bilang si Teacher Ara sa pelikulang ginagawa nila ni Direk Joel Lamangan.

NOEL FERRER

Owwww, well and good.

Ngayon, we can welcome the CHUNKY SEXY RITA DANIELA.

How’s that for an introduction?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Surprise kung ano ang isusuot ko," ang sagot ni Rita Daniela nang tanungin kung ano ang isusuot niya sa Metro Manila Film Festival 2021 awards night.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results