Direk Perry Escaño, game sa salpukan ng Caught in The Act nina Joaquin at Andi sa No Time To Die

by PEP Troika
Dec 7, 2021
Caught In The Act starring Joaquin Domagoso and Andi Abaya
Ang Caught In The Act, na pinagbibidahan nina Andi Abaya at Joaquin Domagoso, ay tungkol sa senior high school students na bubuo ang crime-stopping app na magagamit nila sa masasaksihang krimen. Ang No Time To Die ay ang huling James Bond film ni Daniel Craig.

JERRY OLEA

Matapang ang launching film ni Joaquin Domagoso na Caught in the Act. Makikipagsalpukan ito sa spy thriller na No Time To Die sa December 15 playdate.

Ang No Time To Die ang ika-25 James Bond film. Ito ang ikalima at huling pagganap ni Daniel Craig bilang fictional British M16 Agent 007.

Noong Oktubre pa ito nag-umpisang ipalabas sa North America. Ayon sa Box Office Mojo, umabot na sa $765M ang worldwide gross nito. Ito ang pinakamalakas na Hollywood blockbuster ngayong 2021, so far.

Pero kabog ang worldwide gross nito ng Chinese films na The Battle at Lake Changjin ($899M) at Hi, Mom ($822M).

Ang iba pang pelikula na astig ang worldwide grosses this year ay F9: The Fast Saga ($726M), Detective Chinatown 3 ($686M), Venom: Let There Be Carnage ($483M), Godzilla vs Kong ($468M), Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings ($432M), Eternals ($385M), Dune ($383M), Black Widow ($380M), at Free Guy ($331M).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Take note na yung Yorme: The Movie ay umiwas makipagbakbakan sa Eternals noong Disyembre 21. Sa Enero 26, 2022 na ito ipalalabas.

Hindi ganun kalakas sa takilya ang Eternals pero iniwasan ito ng musical biopic ni Manila City Mayor Isko Moreno.

Bukas, Disyembre 8, ay palabas na sa bansa ang Venom: Let There Be Carnage. So far, pang-anim ito sa talaan ng worldwide blockbusters ngayong 2021.

Showing din bukas ang animated film na Encanto: A Magical World, ang ika-60 na pelikula ng Walt Disney Animation Studios. Positive ang reviews dito ng mga kritiko.

Tingnan natin kung ano ang sasapitin ng Caught in the Act sa Disyembre 15, na pag-uumpisa ng Simbang Gabi.

Caught In The Act movie

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

iSyempre pa, nasasabik na rin tayo sa Metro Manila Film Festival umpisa Disyembre 25, Araw ng Pasko.

Dahil sa MMFF, sa Enero 8, 2022 pa ipalalabas sa local cinemas ang Spider-Man: No Way Home.

Kabilang pa sa mga banyagang pelikula na aabangan natin sa mga sinehan next year ang Avatar 2, John Wick: Chapter 4, Wakanda Forever, Doctor Strange in the Multiverse of Madness, at Thor: Love and Thunder.

Aabangan din ang Mission: Impossible 7, Aquaman and the Lost Kingdom, Top Gun: Maverick, Jurassic World: Dominion, Black Adam, The Batman, at Fantastic Beasts: The Secrets of Dumbledor.

Pati na rin ang Lightyear, Ghostbusters Afterlife, Ambulance, The 355, SING 2, at Minions: The Rise of Gru ay kasado na sa 2022.

NOEL FERRER

Naalala ko ang 1981 Regal film nina Lorna Tolentino, Amy Austria, Philip Salvador, Gina Alajar, at ng yumaong December born din na si Joel Alano.

Written by Direk Joey Reyes, and directed by National Artist Lino Brocka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi kaya pressure ito sa gumagawa ng pelikulang pareho rin ng title four decades after?

Ano kaya ang magiging reaction dito ni Brocka kung nabubuhay pa siya? Ang ganda sanang abangan! Hahaha!

GORGY RULA

Sabi ng writer at direktor nitong pelikulang Caught in the Act na si Direk Perry Escaño, mahirap daw kung magpapadala sa takot.

Ito ang nakuha nilang playdate, kaya itodo na lang daw nila sa promo, lalo na’t masipag mag-promote sa social media ang mga bagets cast dito na pinangungunahan nina Joaquin Domagoso at Andi Abaya.

Naniniwala si Direk Perry sa suporta ng fans ng mga bagets, kaya very positive silang susuportahan ito.

"Confident naman kami, kasi marami namang fandoms sina Andi and Joaquin. Nakikita naman namin ang support nila, e.

"Eto yung time ng Christmas na maunang mag-bonding ang family bago yung Christmas.

"So, confident kami na alam naming may audience na manonood, kasi, sabik na sila sa pelikulang Pilipino," pahayag ni Direk Perry sa nakaraang presscon at world premiere ng naturang pelikula.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Lahat sa atin nakatutok, ano? Lahat ng industriya na nakatutok kung ano ang magiging outcome nito.

"Positive ba ang result sa boxoffice o hindi? Pero kailangan nating maging positive para maganda ang magiging turnout ng film na ito," dagdag ni Direk Perry.

Si Direk Perry ay nagdirek ng mga pelikulang Ang Guro Kong Di Marunong Magbasa (Cinemalaya 2017) at Ang Sikreto ng Piso (2019).

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang Caught In The Act, na pinagbibidahan nina Andi Abaya at Joaquin Domagoso, ay tungkol sa senior high school students na bubuo ang crime-stopping app na magagamit nila sa masasaksihang krimen. Ang No Time To Die ay ang huling James Bond film ni Daniel Craig.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results