Rita Daniela, Albie Casiño, Jak Roberto bibida sa "drama hindi hubaran" movie ni Joel Lamangan

by PEP Troika
Dec 8, 2021
Rita Daniela, Albie Casino, Jak Roberto, and Director Joel Lamangan at the story conference for Madawag Ang Landas Patungong Pag-asa
Sa pelikulang Madawag Ang Landas Patungong Pag-asa, bibigyang buhay ni Rita Daniela ang isang titser na tutugon sa hamon na ibalik ang importansya ng edukasyon sa isang war-ravaged town kunsaan hindi na nag-aaral ang mga bata. Nasa larawan sina Jak Roberto, Rita, Direk Joel Lamangan, at Albie Casiño.
PHOTO/S: Gorgy Rula

JERRY OLEA

Pambata ang bagong pelikulang sinusyuting ni Direk Joel Lamangan sa Pampanga, ang Madawag Ang Landas Patungong Pag-asa.

Bida rito si Rita Daniela bilang isang guro na napadpad sa isang liblib na bayan, kung saan ang mga bata ay tatlong taon nang natigil sa pag-aaral.

Nagkaengkuwentro kasi roon ang mga rebelde at militar, at ang mga bata ay nagtatrabaho na sa online gaming.

Maiintindihan kaya ng mga bata ang title na Madawag Ang Landas Patungong Pag-asa?

"Hindi maiintindihan," pag-amin ni Direk Joel sa storycon ng pelikula noong Disyembre 3, Biyernes ng hapon, sa Sikat Studio, Morato Ext., Quezon City.

"Kaya nga kailangan ng magulang, pampadami ng audience. Ang mga magulang ang magpapaliwanag sa bata."

Ang dating kasi ng title, parang campaign ng housing project.

"Puwede rin," mabilis na pag-ayon ng multi-awarded director, "pwede rin, para nga maging kontrobersyal ang title."

Patuloy niya, "Madawag, ano ba yun? Ano ba yung pinag-uusapan na 'yan? Ano daw yun? E, di, pag-uusapan nila."

Continue reading below ↓

Wala kasing dating kay Direk Joel ang original title ng movie na The Teacher. Parang one of those lang na pamagat.

"Kinailangang gawan natin ng paraan para merong konting publicity pa," saad ni Direk Joel.

"Ito ay isang uri ng pelikula na pag-iisipan ng mga manonood kung ano ba ang nais nating sabihin."

Maninibago ba si Direk Joel Lamangan sa paggawa ng pambatang pelikula?

Nagkasunud-sunod ang pagdidirek niya ng mga mapangahas na pelikula gaya ng Lockdown, Anak ng Macho Dancer, Silab, Moonlight Butterfly, at Walker.

"Aba, mapangahas din ito! Kaya lang, hindi naghuhubad ang mapangahas dito!" maigting na pagtutuwid ni Direk Joel.

"Ang mapangahas dito ay ang topic nito tungkol sa edukasyon ng mga kabataan. Iyon!

"Hindi naman mapangahas na kailangang magpakita ng puwet. Magpakita ng poklay. Hindi naman iyon ang kapangahasan lang.

"Maraming uri ng kapangahasan na dapat nating ipakita. Kapangahasan ng istorya."

Sa mga tablet, laptop o personal computer ang online classes ng mga kabataan. Sabi-sabi, hindi masyadong natututo ang mga kabataan sa ganoong estilo ng pag-aaral.

Continue reading below ↓

"Kaya ibinalik ko ang estilo ng classroom. Kasi, matagal na silang hindi nakapag-aral. Tatlong taon silang hindi nakapag-aral," pag-ayon ni Direk Joel.

"Dahil sa pandemya, at dahil sa giyera sa lugar nila. Hirap na silang pumasok, hindi na sila sanay. Tapos, meron pang trabaho.

"Kaya nahihirapan ang teacher na ipaliwanag sa kanila kung gaano kaimportante ang pag-aaral.

"Iyon ang sinasabing kapangahasan ng pelikula."

Adhikain ni Direk Joel para sa edukasyon ang pelikula. Pahiwatig din ba ito ng kalagayan ng bansa?

"Hindi ko tinalakay nang mas malawak, kasi, baka hulihin na ako," sabi ni Direk Joel.

"Hindi naman. Pahapyaw lang. Pahapyaw lang ang pagtalakay, dahil naka-focus sa pag-iibigan, hindi sa problema ng dalawang kampo ng militar at ng rebelde.

"Nagkataon lang na ang isang karakter ay rebelde, at pinaghahanap ng batas. Yung isa naman ay tinyente na tumatayo sa batas, OK?

"Pero hindi ko tinalakay in depth ang away nila."

Isa pang aabangan sa pelikula ay ang fresh love triangle nina Rita, Albie Casiño, at Jak Roberto.

Continue reading below ↓

Ang puso ng maestrang si Aracelli (Rita Daniela) ay naiipit sa pagitan ng isang rebelde (Albie Casiño) at isang militar (Jak Roberto).

Magta-topless ba dito sina Jak at Albie, as in pagandahan ng abs?

"Hindi. Walang skin exposure dito. Drama ito, hindi hubaran!" pagdidiin ng multi-awarded director.

GORGY RULA

Importante ba talaga para kay Direk Joel ang face-to-face studying sa classroom, hindi iyong online?

"Ipinapakita ko lang ang kahalagahan ng pagkikita-kita muli ng mga estudyante, ang pagsasama-sama, ang paglalaro nila," lahad ni Direk Joel.

"Kasi, yung online, wala naman sila—napakahirap ng bayan nila! Ang concept, wala silang internet, walang wifi. Halos wala ngang kuryente.

"Wala silang konsepto ng online schooling, kundi doon sa mayamang kapitana ng barangay.

"Si kapitana, may wifi. Pero hindi naman yun ginagamit sa pag-aaral, kundi sa paglalaro ng mga bata, na binabayaran sila."

Hulyo 2022 A. P. (After Pandemic) ang setting ng istorya.

Sure ba ang produksyon na wala nang pandemya pagsapit ng nasabing petsa?

Continue reading below ↓

"We’re hoping… na wala na sana rather than saying na meron pa," tugon ng Covid-survivor na direktor.

"I would rather like to hope na wala na sana. Kasi, lahat naman tayo, gusto nating mawala na ang COVID, okey?

"So, wala na akong nakamaskara. Wala na."

Maliban kina Rita, Jak at Albie, nasa cast ng pelikula sina Paulo Angeles, Jim Pebanco, Sue Prado, Lou Veloso, Tabs Sumulong, Felixia Dizon, at CX Navarro.

Paolo Angeles, Jak Roberto, Rita Daniel, Joel Lamangan, and Albie Casino

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Good luck kay Direk Joel sa bago na naman niyang pelikula. Natapos na rin niya ang Deception at Ang Huling Baklang Birhen Sa Balat-Lupa.

Talagang walang kapaguran si Direk Joel at di mapipigil sa paggawa ng pelikula sa kabila ng pandemya!

At good luck din sa iyo, Rita Daniela! Heto na, sa iyo nakasentro ang istorya… ito na kaya ang make or break mo?

Ngayon, wala na si Ken Chan, ha? Ikaw na ikaw na talaga ito! It’s really on you, Rita!!!

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa pelikulang Madawag Ang Landas Patungong Pag-asa, bibigyang buhay ni Rita Daniela ang isang titser na tutugon sa hamon na ibalik ang importansya ng edukasyon sa isang war-ravaged town kunsaan hindi na nag-aaral ang mga bata. Nasa larawan sina Jak Roberto, Rita, Direk Joel Lamangan, at Albie Casiño.
PHOTO/S: Gorgy Rula
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results