Jolo Estrada, aminadong napi-pressure dahil sa dala-dalang apelyido

by PEP Troika
Dec 8, 2021
jolo estrada showbiz
Jolo Estrada, son of former Senator Jinggoy Estrada, says although his family is also into politics, he wants to focus on his showbiz career.

GORGY RULA

Parehong active ngayon sa showbiz ang magtiyuhin na sina Jake Ejercito at Jolo Estrada.

Si Jake ay anak ni dating Pangulong Joseph "Erap" Estrada at ng dating aktres na si Laarni Enriquez.

Si Jolo naman ay anak ni dating Senator Jinggoy Estrada, panganay na anak ni Erap sa asawa nitong si Dr. Loi Ejercito.

Kahit pareho silang graduate at may nasimulan nang negosyo, mas gusto pa rin nila ang showbiz, at seryoso sila sa kanilang acting career.

Ayon kay Jolo, bilang isang Ejercito o Estrada, nasa dugo nila ang pulitika pero may panahon daw para rito. Sa ngayon ay nae-enjoy raw nila ang showbiz.

Kuwento pa sa amin ni Jolo sa virtual mediacon niya nitong Martes, December 7, pinag-uusapan nila ni Jake ang tungkol dito minsan.

Puring-puri rin ni Jolo si Jake dahil sa teleserye nitong Marry Me, Marry You.

Saad ni Jolo, “Nag-uusap naman po kami, kasi siyempre, pareho kaming baguhan dito sa industriya. Kasi siyempre, yun nga ang tatay namin, di ba, artista?

Continue reading below ↓

“Actually, magaling siya [Jake] sa Marry Me, Marry You kaya nakakatuwa.”

Aminado si Jolo na nakaka-pressure din sa kanila ni Jake dahil sa dinadala nilang apelyido.

“Oo, napi-pressure kami, of course, hindi naman nawala yun. Pero okay naman po so far,” pakli ng binata.

Nai-enjoy ni Jake ang ginagawa niya sa Marry Me, Marry You, at kinakarir na rin ni Jolo ang pagsisimula niya bilang artista.

Lumabas siya noon sa pelikula ng kanyang amang si Jinggoy, Ang Tatay Kong Sexy (2016). Pero sa pagbabalik-artista niya ay gusto nitong dito muna mag-focus.

Kinuha siya ng Regal Entertainment, Inc. sa pelikulang Seasons nina Lovi Poe at Carlo Aquino.

Sabi sa amin ng manager niyang si Leo Dominguez, tinawagan siya ni Roselle Monteverde para sabihing magaling si Jolo sa pelikula.

Ngayon nga ay kinuha siya uli ng Regal para sa isang episode ng Regal Studio Presents na napapanood sa GMA-7 tuwing Linggo ng hapon, pagkatapos ng Dear Uge.

Continue reading below ↓

Sa darating na Linggo, December 12, kasama si Jolo sa episode na "Ethan’s Return."

Ginagampanan niya rito ang role bilang si Clark na best friend ni Ethan, na ginagampanan naman ni Joaquin Domagoso. Kasama rin nila rito si Thea Tolentino.

Na-enjoy raw nang husto ni Jolo dahil mababait ang mga kasama niya, at second time na niyang naidirek ni Easy Ferrer.

Nagulat naman daw si Joaquin nang nalaman nitong lolo ni Jolo ang dating Pangulo at mayor ng Maynila na si Joseph Estrada. Napakabait daw ni Joaquin at magkakasundo silang lahat sa set.

“He’s a nice guy. Wala naman kaming naging problem. Ako naman, kahit sino ang makaka-work ko, okay lang,” sabi ni Jolo tungkol sa anak ni Manila Mayor Isko Moreno.

JERRY OLEA

Medyo chubby pa si Jolo nang lumabas noon sa pelikulang Ang Tatay Kong Sexy (2016). Sa pagbabalik-showbiz ni Jolo ay bortalicious na ang kanyang katawang lupa.

Continue reading below ↓

Nakachikahan pa natin noon si Jolo sa storycon ng pelikulang Moonlight Butterfly.

Nakakatuwa na maganda ang working relationship nila ni Joaquin Domagoso, na gaya niya ay actor-politician ang ama.

NOEL FERRER

Magiging politician din ba sila katulad ng kanilang ama na naging stepping stone ang pag-arte? O mas magtatatak ba sila sa industriya at malalampasan pa ang tinamo ng mga ama sa ating industriya?

Parang napakaaga pa para sabihin iyan! Pero ramdam ko, sa politika rin ang bagsak ni Jolo, pati na si Joaquin.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jolo Estrada, son of former Senator Jinggoy Estrada, says although his family is also into politics, he wants to focus on his showbiz career.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results