Joaquin Domagoso, nag-react sa closeness nina Cassy Legaspi at Darren Espanto

by PEP Troika
Dec 9, 2021
Joaquin Domagoso and Cassy Legaspi
Joaquin Domagoso on Cassy Legaspi: "My true feelings po for Cassy? Well, right now po, I can feel that there could be something blooming. But I feel like we’re both in the stage of our life na lalo na kay Cassy na hindi pa siya ready."
PHOTO/S: Instagram

GORGY RULA

Apat na araw pa lang palang nagti-taping ang First Lady—ang second season ng Kapuso prime-time series na First Yaya nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.

Nakatsikahan namin ang isa sa supporting cast member na si Joaquin Domagoso sa radio program namin sa DZRH nung Miyerkules ng gabi, December 8, 2021.

Excited daw siya dahil nagkita-kita silang muli ng original cast ng First Yaya.

Siyempre, na-miss daw niya ang ka-love team na si Cassy Legaspi kaya ang saya niya nang nagkasama sila uli sa taping.

Hiningan ko rin siya ng reaksiyon sa closeness ngayon nina Cassy at Darren Espanto.

Sagot ni Joaquin, "Mabait si Darren. Mabuti siyang tao.

"All-out performer siya at wala akong masasabing masama sa kanya, and kung may ganun man or what, e, di enjoy.

"Focus sa work and yung totoong feelings ng tao. Hindi yung sinasabi ng iba. Dun ako sa totoo.

"Kasi, puro sabi-sabi lang po yata yung mga nakikita ko po sa online about dun nga po."

Continue reading below ↓

Sa First Yaya pa lang ay ginu-groom na ang love team nina Joaquin at Cassy.

Pero sinasabi ng young actor na totoo ang nararamdaman niya sa young actress at hindi lang dahil sila ay magkatambal.

"My true feelings po for Cassy? Well, right now po, I can feel that there could be something blooming.

"But I feel like we’re both in the stage of our lives, lalo na kay Cassy na hindi pa siya ready," pahayag ni Joaquin.

Kahit siya ay ganun din daw dahil sa dami ng ginagawa niya, mas mabuting sa trabaho lang sila mag-focus.

Tampok si Joaquin sa "Ethan’s Return" episode ng Regal Studio Presents na mapapanood na sa Linggo, December 12.

Kasama ni Joaquin dito sina Thea Tolentino at Jolo Estrada.

Kahit nasa lock-in taping si Joaquin ng First Lady, aligaga pa rin siya sa pagpu-promote ng pelikula niyang Caught in the Act na magsu-showing na sa Disyembre 15.

Continue reading below ↓

Aminado ang Kapuso young actor na kabado siya dahil malalaking pelikula ang makakatapat nila.

"Kabado po ako? Yes. Pero I know na marami po akong makukuhang support lalo na sa mga fans ko,” saad ni Joaquin Domagoso.

JERRY OLEA

Hindi lang malaki kundi napakalaking pelikula ang babanggain ng Caught in the Act sa Disyembre 15—ang James Bond movie na No Time To Die.

Ayon sa Box Office Mojo, umabot na sa $765M ang worldwide gross ng No Time To Die. Sa hanay ng Hollywood blockbusters this year, ito ang pinakamalakas.

Ikunsidera mo pang palabas na sa local cinemas mula noong Disyembre 8, Miyerkules, ang Venom: Let There Be Carnage, na $483M na ang worldwide gross.

Tapos, karamihan sa target market ng pelikula ni Joaquin ay mga kabataan na hindi pa nakaka-second dose ng bakuna, kaya bawal pang manood ng sine. Kaya kailangan ng himala upang tangkilikin ng moviegoers itong Caught in the Act.

Continue reading below ↓

Mas makabubuting suportahan na lang ng fans ni Joaquin ang TV shows niya.

Mukhang mas matimbang sa puso ni Cassy si Darren na sakdal husay umawit, at ang galing-galing din sa Inglesan. Mukhang kilig-kiligan talaga si Cassy kay Darren, base sa ningning ng kanyang mga mata kapag sila’y magkapiling.

NOEL FERRER

Let young love flourish, si Joaquin man iyan o si Cassy o si Darren.

I’m sure, may mga magagandang payo ang kanilang mga magulang sa kanila para hindi nila maulit ang mga pagkakamali nila, lalo na sa pag-ibig.

Para naman hindi sabihing Like Father Like Son, o Like Mother Like Daughter.

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Joaquin Domagoso on Cassy Legaspi: "My true feelings po for Cassy? Well, right now po, I can feel that there could be something blooming. But I feel like we’re both in the stage of our life na lalo na kay Cassy na hindi pa siya ready."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results