Watch Now

James Blanco, binalot ng takot dahil siyam sa pamilya niya ang nagka-COVID

by PEP Troika
Dec 13, 2021
james blanco instagram
James Blanco on his wish for 2022: "Siyempre, unang-una, sana next year, maging normal na lahat. Bumalik na talaga tayo sa normal. At magkasama-sama na tayong pamilya. Saka sa movie, sa TV… And then sana, bumalik na rin ang isang network natin para mas maraming trabaho ang mga artista at taga-industriya."
PHOTO/S: @jamesblancocastillo on Instagram

JERRY OLEA

Sinakmal si James Blanco ng takot noong nakaraang Agosto.

“Marami kasi sa family namin ang nagka-COVID, e,” kuwento ni James sa mediacon ng horror trilogy na Huwag Kang Lalabas nitong Disyembre 12, Linggo ng hapon , a Fisher Mall, Quezon Avenue, Quezon City.

“Father ko, anak ko, ako, kapatid ko… siguro, siyam kami na nagka-COVID. So, doon ako nakaramdam ng takot, kasi mag-isa ka lang sa room.

“Tapos, lalo na, yung mga bata, wala pang vaccine. So, medyo dun ako kinabahan.

“Kasi yung father ko, muntik na siya, e, noong August… Sa awa ng Diyos, nalampasan naman namin lahat.”

Ano ang plano ng kanilang pamilya for Christmas? Magbabakasyon ba sila? At ano ang inaasam niya for next year sa kanyang buhay at career?

Napabuntong-hininga si James, “Siyempre, unang-una, sana next year, maging normal na lahat. Bumalik na talaga tayo sa normal.

“At magkasama-sama na tayong pamilya. Saka sa movie, sa TV… And then sana, bumalik na rin ang isang network natin para mas maraming trabaho ang mga artista at taga-industriya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ngayong Pasko, siyempre may hinaharap pa rin tayong pandemic. Medyo nag-iingat pa rin kami.

“So, sa pamilya namin, medyo ingat. Nakakalungkot na hindi pa rin kumpleto na magsasama-sama, although meron naman tayong zoom, dun na lang muna.”

Tampok si James sa “Bahay” episode ng horror trilogy na Huwag Kang Lalabas, na isa sa walong official entries ng Metro Manila Film Festival 2021.

Co-stars niya sa episode na ito sina Aiko Melendez, Joaquin Domagoso, Dave Bornea, Bembol Roco, Ayeesha Cervantes, Soliman Cruz, Jess Evardone, at Carlos Dala.

NOEL FERRER

Ow, masaya naman kung magsasama-sama ang pamilya ni James sa kabila ng balitang dumaan sa challenges ang relasyon niya sa kapartner. Sana ay maayos na sila.

At sana, okay na rin siya pagkatapos mapabalitang nag-break siya ng quarantine rules sa GMA taping. He must have learned his lesson from there.

GORGY RULA

Mabuti at sunud-sunod naman ang trabaho ni James kaya kahit paano ay nakakagaan naman ito sa bigat na pinagdaanan ng pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dito nga sa Huwag Kang Lalabas ay natuluy-tuloy ang bonding nila ni Aiko Melendez, na kasama rin niya sa Prima Donnas na umabot pa sa book two.

Kontrabida si Aiko sa Prima Donnas, pero sa Huwag Kang Lalabas ay dati silang magkasintahan sa kuwento ng episode nilang “Bahay.”

“Parang reunion namin yun, e. Bumalik kami isang taon bago ulit kami nag-taping ng Prima Donnas.

“Sana nga sa susunod mas mahaba pa ang taping namin,” pakli ni James.

Bilang katatakutan ang ginagawa nila sa Huwag Kang Lalabas, lagi raw pinaglalaruan ni James si Aiko na ginugulat niya ito. Magugulatin daw kasi si Aiko, kaya pinaglalaruan niya ito sa set.

Use these foodpanda vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
James Blanco on his wish for 2022: "Siyempre, unang-una, sana next year, maging normal na lahat. Bumalik na talaga tayo sa normal. At magkasama-sama na tayong pamilya. Saka sa movie, sa TV… And then sana, bumalik na rin ang isang network natin para mas maraming trabaho ang mga artista at taga-industriya."
PHOTO/S: @jamesblancocastillo on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results