Watch Now

MMFF 2021 Fluvial Parade of Stars, tuloy na tuloy na

by PEP Troika
Dec 14, 2021
mmff 2021 official entries
MMFF 2021 Official Entries: (top, L-R)) Aiko Melendez in Huwag Kang Lalabas, Charo Santos and Daniel Padilla in Kun Maupay Man It Panahon, Ken Chan and Rita Daniela in Huling Ulan Sa Tag-araw, Alex Gonzaga in The Exorsis; (bottom, L-R) Jeremiah Lisbo and Kaori Oinuma in Love At First Stream, Christian Bables in Big Night, Dingdong Dantes in A Hard Day, and Winwyn Marquez in Nelia.

NOEL FERRER

Tuloy na tuloy na!

The Metro Manila Film Festival (MMFF) will hold its first-ever Fluvial Parade of Stars that will highlight the beauty of Pasig River as it resumes this year, following the opening of cinemas and easing of quarantine restrictions in the metropolis.

At tuloy na tuloy na rin ang pinag-usapang fluvial parade, set on December 19, Sunday, will feature ferry boats which will serve as floats carrying celebrities of official movie entries in this year's film festival.

Metropolitan Manila Development Authority (MMFF) and MMFF concurrent Chairman Benhur Abalos said the fluvial parade, replacing the traditional motorcade parade, is one of the highlights of the MMFF making a comeback at cinemas for the holidays.

“The fluvial parade will showcase the ferry service and at the same time encourage the public to ride the agency-operated Pasig River Ferry Service, an alternative transportation across Metro Manila,” said Abalos.

“Through this fluvial parade, we hope to encourage the public to ride the ferry service which sails from Pinagbuhatan in Pasig to Intramuros in Manila. This alternative transportation is traffic-free and you’ll get to appreciate the beauty of the river and the arts along the riverbanks,” he added.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magsisimula ang parada sa Guadalupe Ferry Station and will go straight eastbound to before C-5 Bagong Ilog Bridge. It will take a U-turn, stop at the Pasig City side, and then straight to Makati Circuit which will be the endpoint.

One lane closure will be implemented along J.P Rizal from Guadalupe Ferry Station up to University of Makati as drop-off point for MMFF guests and participants. No parking is allowed along the road.

JERRY OLEA

Bagong paandar, bagong pasiklab ang Fluvial Parade of Stars ng MMFF 2021.

Sa walong official entries ay dalawa na ang napanood natin sa press preview, ang horror trilogy na Huwag Kang Lalabas at ang RitKen romcom na Huling Ulan sa Tag-araw.

Magkakaiba ng setting ang tatlong episodes ng Huwag Kang Lalabas, na intertwined ang bawa’t istorya.

Ang unang episode na “Kumbento,” bida si Beauty Gonzalez, ay nangyari noong late 1940s, matapos ang World War II. Ang mga madre, bawal lumabas sa kumbento.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang second episode na “Bahay,” bida si Aiko Melendez, ay naganap noong 1974 na kasagsagan ng martial law. Dahil sa curfew, ang mga tao ay bawal lumabas ng bahay.

Ang third episode na “Hotel,” bida si Kim Chiu, ay pandemic story. Ang mga naka-quarantine na OFW, bawal lumabas sa hotel.

Sa Huling Ulan sa Tag-araw, bigay na bigay sa harutan si Rita Daniela bilang pokpok na for the first time ay umibig sa isang lalaki, na wala siyang kamalay-malay ay malapit nang magpari. Siyempre, first time din ng yayamaning seminarista na umibig. Saksi ang Pagsanjan Falls sa tamis at pait ng kanilang romansa!

Looking forward tayo na ma-preview ang iba pang MMFF entries, upang mas matimbang natin kung alin ang malamang na rumatsada sa takilya, at alin ang aariba sa gabi ng parangal.

Kapana-panabik ang tunggalian nina Dingdong Dantes at John Arcilla sa A Hard Day. Matindi ang aksyon, pero may kurot sa puso ang remake na ito ng isang South Korean blockbuster film.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bongga ang adventures ni Dharna, ang karakter ni Christian Bables sa Big Night. Si Dharna ay beautician na napagbintangang nagtutulak ng bato kaya napasama sa watchlist. Afraidy aguilar matokhang ang hitad.

Nakakawindang ang ilang eksena ng pinagpipitaganang si Charo Santos sa Kun Maupay Man It Panahon (Whether the Weather is Fine). P65M daw ang production budget ng pelikula. Passion project ito para kay Daniel Padilla na gumanap bilang anak ni Charo.

Suspense-thriller ang Nelia, na bida ang misteryosang si Winwyn Marquez. Gaano kaya kapangahas ang pakikipaglampungan ni Ali Forbes kina Raymond Bagatsing at Shido Roxas?

Ang dalawa pang entries sa MFF 2021 ay ang The Exorsis na pinagbibidahan ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga, at ang romantic-comedy movie na Love At First Stream tampok ang Gen-Z Kapamilya stars na sina Kaori Oinuma, Jeremiah Lisbo, Daniela Stranner, at Anthony Jennings.

GORGY RULA

Ang kainaman nitong fluvial parade, hindi tayo magkakaproblema sa traffic.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Mapapagastos lang ang producers sa kanilang ferry na aadornohan, pero tipid sila sa mga pahagis na T-shirts, kendi, posters, at kung anu-ano pa para sa mga taong naghihintay sa lahat na kalyeng dadaanan ng parada.

Pero mas masaya pa rin talaga ang nakaugalian nating MMFF parade na nakikita mo ang mga tao, lalo na ang mga kabataang hinahabol ang tumatakbong karosa. Ang saya sana kung sakaling ito pa rin ang gagawin nila ngayong taon.

Medyo ramdam mo nang unti-unti na tayong bumabalik sa dating normal. Di ba, nakita naman natin ito sa mga pulitikong nagmu-motorcade sa iba’t ibang lungsod?

Obviously, gusto lang talaga ng MMDA na i-promote ang nalinis na Pasig River, at ipakita sa mga taong safe at maayos na ang ating pagbiyahe sa Pasig River para makarating sa ating pupuntahan. Sa ganitong paraan ay mababawasan ang traffic sa Kamaynilaan.

Tiyakin lang sana ng MMDA na safe ang mga taong nag-aabang sa gilid ng ilog, dahil malamang na hindi masusunod dito ang social distancing. May magsisiksikan talaga diyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
MMFF 2021 Official Entries: (top, L-R)) Aiko Melendez in Huwag Kang Lalabas, Charo Santos and Daniel Padilla in Kun Maupay Man It Panahon, Ken Chan and Rita Daniela in Huling Ulan Sa Tag-araw, Alex Gonzaga in The Exorsis; (bottom, L-R) Jeremiah Lisbo and Kaori Oinuma in Love At First Stream, Christian Bables in Big Night, Dingdong Dantes in A Hard Day, and Winwyn Marquez in Nelia.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results