Janine at Paulo, nagkakamabutihan? Rayver at Julie Anne, bagay din?

by PEP Troika
Dec 16, 2021
Janine Gutierrez and Paulo Avelino in Marry Me Marry You, Julie Anne San Jose and Rayver Cruz
OPEN FOR NEW LOVE? Janine Gutierrez at Paulo Avelino, hinihinalang totohanan na ang pagsinta sa isa't isa. Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, magka-developan din kaya?
PHOTO/S: Screengrab from Marry Me, Marry You / CTTO via Twitter

GORGY RULA

Handa na kaya ang dating magkasintahang Rayver Cruz at Janine Gutierrez pumasok sa kani-kaniyang panibagong love life?

Nang pumutok ang balitang tinapos na nina Rayver at Janine ang kanilang relasyon, may mga nagsasabing bakit hindi na lang sina Janine at Paulo Avelino, na pak na pak ang chemistry sa Kapamilya teleseryeng Marry Me, Marry You?

Nasisilip ko ang ilang episodes ng Kapamilya teleserye at ewan ko ba, parang namamalisyahan na ako sa mga intimate moments nila, na iisipin mo talaga na may namumuong magandang pagtitinginan.

Lalo na ngayong mag-asawa na sina Andre (Paulo) at Camille (Janine) sa kuwento, iba na ang tinginan nila at pati ang mga kilos nilang dalawa.

Janine Gutierrez and Paulo Avelino in Marry Me Marry You

Continue reading below ↓

Kung single din si Paulo, bakit hindi nila subukan? Puwede kaya?

Hiningan ko ng reaksyon si Lotlot de Leon sa nakaraang press preview ng Huling Ulan sa Tag-araw.

Ang Huling Ulan sa Tag-araw ang entry ng Heaven’s Best Entertainment sa darating na Metro Manila Film Festival.

Napapangiti lang si Lotlot hingil sa usaping Janine at Paulo

Iniiwan niya ang desisyon kay Janine sa paniniwalang alam ng anak niya kung ano ang nararapat para sa ikaliligaya nito.

"That’s really up to her. That’s her decision," matipid na sagot ni Lotlot.

Sa totoo lang, kahit sina Rayver at Julie Anne San Jose ay pinu-push na rin ng ilang JulieVer fans (isa na ako riyan) na sana, sila na lang.

Julie Anne San Jose and Rayver Cruz

Continue reading below ↓

May mga pakilig sila minsan sa hosting nila sa The Clash, dahil may chemistry rin naman silang dalawa.

Isa ako sa nalulungkot na matatapos na ang The Clash sa darating na weekend. Hindi na sila mapapanood na magkasama.

Meron pa namang All-Out Sundays, na sana madagdagan pa ang segments na magkasama silang dalawa.

JERRY OLEA

Simple ang civil wedding nina Andrei at Camille pero kilig overload.

Kung namukadkad kina Edu Manzano at Cherry Pie Picache ang pag-ibig dahil sa lock-in taping, puwede rin kina Paulo at Janine.

Aba! Kasama sina Paulo at Janine sa US concert tour ni Ogie Alcasid next year. Malay mo, malay ko, malay nating lahat…

Tungkol naman sa JulieVer, hindi pa iyan pumapasok sa aking kamalayan.

Mas excited ako sa RitKen movie na Huling Ulan sa Tag-araw, kung saan nalasap nang lubos ni Rita Daniela ang linamnam ni Ken Chan.

Kaabang-abang din ang pelikulang After All nina Beauty Gonzalez at Kelvin Miranda na kinunan sa Bolinao, Pangasinan.

Continue reading below ↓

Pam-Valentine ba ito, Direk Adolf Alix Jr.?

Looking forward din ako sa mga bagong putahe na ihahain ng Kapuso Network para sa 2022.

NOEL FERRER

Proximity, familiarity, at closeness sa taping o shooting ang nagiging daan para mapalapit ang mga tao sa set.

Hindi lang sa mga artista kundi sa mga staff din, ha!

Pero ang maganda lang sa mga programang nabanggit, nakatulong sa mga show at nakaganda sa output ang kanilang mga nabuong relasyon. Hindi sagabal. Hindi mabigat.

Ang challenge ay kung paano masu-sustain ang init ng pagmamahalan nila pagkatapos ng palabas.

HOT STORIES

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
OPEN FOR NEW LOVE? Janine Gutierrez at Paulo Avelino, hinihinalang totohanan na ang pagsinta sa isa't isa. Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, magka-developan din kaya?
PHOTO/S: Screengrab from Marry Me, Marry You / CTTO via Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results