Pancho Magno at First Yaya cast, pamilya na ang turingan; excited na sa First Lady

by PEP Troika
Dec 17, 2021
first lady sanya gabby pancho
Pancho Magno (third from left) on First Yaya/First Lady cast: "Ang sarap ng feeling na may ganun kayong nakatrabaho. Parang family... Nakakatuwa lang na alam mo na parang hindi lang workmates… parang friends muna tayo then magkakatrabaho na tayo."
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Tuluy-tuloy pa rin ang lock-in taping ng First Lady, ang book two ng First Yaya na pinagbibidahan nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.

Nakatsikahan namin via Zoom nung Miyerkules, December 15, ang isa sa original cast member na si Pancho Magno, na kapipirma lang ng renewal ng kontrata niya sa GMA Artist Center.

Ayon sa kanya, ang saya na nagkasama-sama sila muli sa taping na akala mo ay ang tagal na hindi nagkikita.

Kuwento ni Pancho, “Nung unang stretch namin sa La Union, hindi pa lahat nandun.

“Pero nung pangalawang stretch na dito sa Manila, dun na lahat nagkita-kita, nagsayawan sila, e.

“Akala mo, hindi pa nagkikita sa labas… Nagsayawan sila, lahat nag-ingay.”

Hindi naman daw naputol ang komunikasyon ng buong cast ng First Yaya pagkatapos ng taping nila.

May Viber group sila para ma-update ang isa’t isa at nag-bonding pa raw sila minsan sa resort ni Gabby sa Batangas.

Continue reading below ↓

“Parang two days yata kami dun na halos lahat kami, nandun,” patuloy na kuwento ni Pancho.

Pero iba raw talaga ang samahan nila, kaya sobrang tuwa nilang lahat nang magka-book two at magkikita-kita sila uli sa taping.

“But you know, ang sarap ng feeling na may ganun kayong nakatrabaho. Parang family. Alam mo naman dito sa First Yaya, talagang we support each other, e.

“Pag nandito si Kuya Gab sa Manila, nagkikita-kita kami o minsan, kami ang pumupunta sa Batangas.

“Nakakatuwa lang na alam mo na parang hindi lang workmates… parang friends muna tayo then magkakatrabaho na tayo,” dagdag na pahayag ni Pancho.

first lady gabby pancho thou

Continue reading below ↓

Thou Reyes, Gabby Concepcion, and Pancho Magno

Ayon kay Pancho, ibang-iba na ang tatalakayin ng First Lady dahil siyempre, ang laki ng switch sa karakter ni Sanya mula sa yaya at ngayon ay asawa na siya ng Presidente ng bansa.

“Eto naman, mas deeper… now Melody is a First Lady, so ano ba ang struggle niya bilang First Lady?

“Malalaman natin yung mga bagong characters na magiging counterpart niya and kung makakatulong ba ‘to o makakasira sa kanya,” ani Pancho.

NOEL FERRER

Inaasahan daw nilang maiere ang First Lady bago mag-eleksyon next year, dahil may issues daw ng bansa na tatalakayin din sa seryeng ito, lalo na ang nalalapit na eleksyon.

Lahad ni Pancho, “Educational din for me kasi meron siyang learnings this coming elections.

"Yun talaga ang pinakaano namin kasi na makikita dito. Kasi, mag-eeleksyon na. Kung ano maitutulong natin sa ating mga kababayan sa pagboto.

“Siyempre, nandun pa rin yung heart ng First Yaya, yung love ng family.

Continue reading below ↓

“Pero kung paano… yun nga, nagugulat ako na ang leader of our country, he’s the president, pero and dami rin pala niyang pinagdadaanan sa personal na buhay niya na hindi natin nalalaman yun. Maipapakita dito.”

Sana nga, makatulong ang seryeng ito sa mga botante sa pagboto nang maayos at may critical thinking.

JERRY OLEA

Abang-abang tayo sa bagong yugto ng pagmamahalan nina Glenn & Melody Acosta (GMA) sa panahon ng halalan!

Bonggang-bongga ang itinalang TV ratings ng First Lady, hindi man lang napalapit dun ang The World Between Us, Legal Wives, at I Left My Heart In Sorsogon.

Antabayanan natin kung ganun pa rin kalakas ang First Lady sa televiewers. If so… malamang sa alamang na magkaroon ito ng third season!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pancho Magno (third from left) on First Yaya/First Lady cast: "Ang sarap ng feeling na may ganun kayong nakatrabaho. Parang family... Nakakatuwa lang na alam mo na parang hindi lang workmates… parang friends muna tayo then magkakatrabaho na tayo."
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results