Celeb anchor, nakakatikwas ng kilay ang hinihinging TF bilang kapalit ni Raffy Tulfo sa Frontline Pilipinas

by PEP Troika
Dec 18, 2021
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA

Oktubre 8, Biyernes, nag-file ng candidacy si Noli de Castro sa pagka-senador. Hudyat iyon ng pag-iwan niya bilang anchor ng TV Patrol.

Oktubre 11, Lunes, bumalik si Karen Davila sa TV Patrol bilang kapalit ni Kabayan Noli.

Nang gabi ring iyon, nag-umpisa na si Pia Gutierrez bilang ka-tandem ni Tony Velasquez sa The World Tonight — kapalit ni Karen.

Naunang nagpaalam si Kim Atienza sa TV Patrol dahil lilipat na siya sa GMA-7. Oktubre 1, Biyernes, ang huling gabi ni Kuya Kim bilang weatherman sa Kapamilya primetime newscast.

Nitong Disyembre 13, Lunes, ipinakilala si Ariel Rojas bilang bagong resident meteorologist ng ABS-CBN News.

Oktubre 1 din nagpaalam si Raffy Tulfo sa public service program niyang Idol In Action sa TV5 dahil sa kandidatura niya sa pagka-senador. Iniwan din ni Raffy Tulfo ang newscast program ng TV5 na Frontline Pilipinas.

Umugong ang bulung-bulungan na ang papalit kay Raffy Tulfo sa Frontline Filipinas ay isang TV host at newscaster na artistahin, na naugnay dati sa isang maalindog na aktres. Napag-alaman ng PEP Troika na malabo iyon.

Continue reading below ↓

Ang latest na nasagap ng PEP Troika, nag-apply sa TV5 ang isa ring kilalang celeb anchor para kahalili ni Raffy Tulfo sa primetime newscast ng Singko.

OK na sana ito dahil pleasant ang personality at multi-awarded, kaya lang, medyo mataas ang gustong talent fee nito.

Tumikwas ang mga kilay ng ilang Kapatid at ang kanilang wika, “Beggars cannot be choosers.”

NOEL FERRER

Frontline Pilipinas really needs to shape up dahil ang balita ay nauungusan na raw ito ng Dapat Alam Mo ng GTV. So, paano na?

Bakit kaya hindi si Manong Ted Failon ang ipalit kay Raffy Tulfo?

As for this celeb anchor na nag-apply diumano sa Kapatid network, okay naman. Pero kung si Luchi Cruz Valdes ang boss, kailangan niyang ipakitang may lalim ang kanyang kakayahan sa broadcast journalism.

GORGY RULA

Sa panahon ngayon, huwag na siguro masyadong mag-demand kung gusto mong mapanood ka na sa free TV.

Kaya dapat makipag-ayos na si celeb anchor, at baka sunggaban pa ng iba ang bakanteng puwesto.

Continue reading below ↓

Sa totoo lang, may ilang TV celebrities na akong nakausap at hinahanap na raw talaga nilang mapanood sila sa free TV. Kahit may kalakasan ang online platform ng Kapamilya Channel, iba pa rin daw talaga ang napapanood sila ng masa sa TV.

May isang kilalang TV personality ang alam kong merong negotiation sa GMA-7 pero wala pang napagkakasunduan. Wala muna siyang pahayag kaugnay rito dahil wala pang napapa-finalize.

Isa ako sa umaasang maging maayos ang usapan para masaya uli kami pag magsasama-sama sa posibleng gagawin niya sa Kapuso network. Sana talaga.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results