Watch Now

Beauty Gonzalez, na-stranded sa Dumaguete kaya di nakasama sa fluvial parade ng MMFF 2021

by PEP Troika
Dec 24, 2021
beauty gonzalez huwag kang lalabas
Beauty Gonzalez stars in the "Kumbento" episode of the horror trilogy Huwag Kang Lalabas, ang official entry to the Metro manila Film Festival 2021.

GORGY RULA

Inabot ng bagyong Odette si Beauty Gonzalez sa Dumaguete kaya hindi siya kaagad nakabalik ng Maynila.

Gustung-gusto pa naman daw niyang sumali sa fluvial parade ng 47th Metro Manila Film Festival nung nakaraang Linggo, December 19, pero hindi nagawan ng paraan ang pagbalik niya sa Maynila.

“Siyempre, dream ng lahat ng artista makasakay at kumaway-kaway sa float ng MMFF parade. But typhoon Odette had different plans for me while nasa Negros ako,” mensaheng ipinadala ni Beauty para sa PEP Troika.

Si Beauty ang bida sa "Kumbento" episode ng MMFF 2021 entry ng Obra Cinema na Huwag Kang Lalabas.

Ayon sa Kapuso actress, gusto talaga niyang tumulong sa promo nito dahil sa pelikulang ito, bida na siya. Hindi na niya binanggit ang unang MMFF movie na kasali siya, pero saglit lang daw ang eksena niya sa pelikulang yun.

“Second time ko na ito sa MMFF… yung una, isang kurap lang tapos na ang eksena ko!” natatawa niyang pakli.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Thankful si Beauty sa Obra Cinema na siya ang kinuha dahil naidirek na siya ni Adolf Alix Jr. sa movie.

“Direk Adolf is a meticulous and instinctive na director. His aesthetics is very artsy and on the dark side, very similar to my own. So I am confident that the visuals will be beautiful and scary,” saad ni Beauty.

Nanghinayang na naman siya dahil may prior commitment din siya sa December 27 kaya hindi rin siya makakasama sa Gabi ng Parangal sa SM Aura.

Willing daw siyang makatulong sa promo ng pelikula, kahit online lang

JERRY OLEA

Sa press preview/presscon ng Huwag Kang Lalabas nung December 12 sa Fisher Mall-QC, si Kim Chiu na bida sa episode na "Hotel" lang ang present.

Si Aiko Melendez na bida sa "Bahay" episode ay hindi rin pumuwede nung araw na yun dahil nag-ikot sa Christmas parties ng sampung barangay sa District 5 ng Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Beauty Gonzalez ay nasa Bolinao, Pangasinan para sa shooting ng movie nila ni Kelvin Miranda na After All, also directed by Adolf Alix Jr.

Pagdating ng fluvial parade ay si Kim Chiu lang din uli ang humabol sa culminating show nila sa Circuit Makati.

Parang si Kim naman talaga ang nagmamay-ari ng pelikula, bilang siya naman ang nagpasikat ng linyang "Bawal Lumabas."

Pero kailangan pa rin ng todo-todong promo, dahil hindi naman panonood ng sine ang priority ng karamihan. Sana, kahit paano, makabawi-bawi ang MMFF ngayong taon.

NOEL FERRER

Napanood ko na ang pelikula sa preview nito at kailangang i-adjust ang ilaw sa mga projection dahil after a year na hindi nagamit ang mga sinehan, kailangang linisin, at yung iba nga, pinapalitan talaga ang machines at part ng cinema.

Kaya nga kung dati, 900 cinemas nationwide ang pinaglalabasan ng MMFF, ngayon ay mga 1/3 or 300 lang ang pagpapalabasan nito na sana ay maayos talaga. This does not include pa yung mga sinehan sa Visayas at Mindanao na apektado ng bagyong Odette.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaya kasabay ng panalangin natin ng suporta sa MMFF at partners natin sa sinehan, kasama sa panawagan natin ang pasensiya at tiyaga na sana’y meron tayo kapag nasa sinehan na.

Sana, huwag mainit ang ulo kapag may technical glitches — na sana talaga, minimal na lang o wala na talaga.

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Beauty Gonzalez stars in the "Kumbento" episode of the horror trilogy Huwag Kang Lalabas, ang official entry to the Metro manila Film Festival 2021.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results