Rabiya Mateo at Jeric Gonzales, may namumuong magandang relasyon?

by PEP Troika
Dec 25, 2021
Rabiya Mateo, Jeric Gonzales, TikTok
Nakakaintriga ang lumabas na TikTok video (dulong kanan) na kuha kina Rabiya Mateo (dulong kaliwa) at Jeric Gonzales (gitna) sa Enchanted Kingdom.

GORGY RULA

Nakakaintriga nga ang lumabas sa TikTok na ilang kuha nina Jeric Gonzales at Rabiya Mateo na magkasama sa Enchanted Kingdom.

Parang may seryoso silang pinag-uusapan at nakunang yumakap si Jeric kay Rabiya, at hinalikan niya ito.

@jerabthings_

as long as we keep it lowkey ? #jericgonzales #rabiyamateo #fyp #foryoupage #enchantedkingdom

? original sound - JERAB.OFFICIAL

Ilang taong malapit sa dalawa ang kinulit ng PEP Troika at totoong may namumuong magandang relasyon daw sa JeRab.

Sa pagkakaalala ko, nagkasama sina Jeric at Rabiya sa taping ng isang episode ng Wish Ko Lang, at maaring doon sila nagkakilala.

Sabi lang ng isang napagtanungan namin, at least hindi raw malamig ang kanilang Pasko.

Sinubukan kong hingan ng pahayag si Jeric, pero ayaw raw nitong magsalita. As usual, ayaw muna nilang mag-comment.

Pero sa tamang panahon ay magkakaaminan din daw ang JeRab.

Katatapos lang ni Jeric ng pelikula niyang Broken Blooms, at si Rabiya naman ay tuluy-tuloy ang taping sa Agimat ng Agila ni Sen. Bong Revilla.

Ang cute ng isang IG post na magkasama sina Rabiya at Sanya Lopez na parehong ang sexy nilang dalawa.

Continue reading below ↓
View this post on Instagram

A post shared by Sanya Lopez (@sanyalopez)

JERRY OLEA

Hindi rin daw malamig ang Pasko nina Ruru Madrid at Bianca Umali.

Ilan din sa mga katrabaho nila ang nagkumpirmang nagkabalikan na raw ang dalawa.

May nagkuwento rin sa PEP Troika na ang sweet daw ng RUmali sa Christmas party ng Bubble Gang na ginanap sa isang bar-resto sa Quezon City.

May nagpadala rin ng magandang pictorial para sa isang brand ng sapatos na magkakasama si Bianca at ang magkapatid na Ruru at Rere.

May isa pang guwaping ding kasama sa pictorial, na ang sabi boyfriend naman daw iyon ni Rere.

Parang bahagi na raw ng pamilya nina Ruru si Bianca, dahil tanggap talaga siya.

Ang saya lang!

NOEL FERRER

Naku, nandoon ako sa Robinson’s Magnolia noong nasa Toy Kingdom si Rabiya the other day.

Ibang kingdom man yun, si Jeric na nga ba ang ka-match ng Miss Universe Philippines royalty?

At kung usaping Ruru at Bianca, biased ako dahil alam kong OK sila at hindi lang sila, pati mga pamilya nila at mga kaibigan na well integrated at laging nakasuporta sa kanila.

Continue reading below ↓

Kasama na ako dun. Happy Pasko sa lahat, lalo na sa mga nagmamahal at minamahal!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nakakaintriga ang lumabas na TikTok video (dulong kanan) na kuha kina Rabiya Mateo (dulong kaliwa) at Jeric Gonzales (gitna) sa Enchanted Kingdom.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results