Kumusta ang unang araw ng MMFF 2021?

by PEP Troika
Dec 26, 2021
mmff 2021 official entries
Bukod sa pag-aalala sa banta ng covid, nakadagdag din kaya sa hindi pagdagsa ng mga tao sa sinehan ngayong MMFF 2021 ang kawalan ng pelikulang pambata?

GORGY RULA

Nakakalungkot ang nasaksihan namin sa ilang sinehan sa dalawang malls na pinuntahan namin nung Sabado, December 25.

Walang katau-tao.

Mahina talaga ang walong pelikulang kalahok sa ngayong taong Metro Manila Film Festival (MMFF).

Wala pa namang inilabas ang MMDA (Metropolitan Manila Development Authority) at MMFF ng opisyal na boxoffice results, pero base sa pagtatanung-tanong namin, medyo okey raw at nangunguna sa takilya ang dalawang horror movies.

Okey raw ang unang araw ng pelikulang The ExorSis ng magkapatid na Toni at Alex Gonzaga at ang horror trilogy na Huwag Kang Lalabas nina Beauty Gonzalez, Aiko Melendez, at Kim Chiu.

Naglalaro raw sa 3rd, 4th, 5th, at 6th place ang Kun Maupay Man It Panahon, Love at First Stream, Big Night, at A Hard Day. Saka sumunod naman ang Nelia at Huling Ulan sa Tag-araw.

Ayon sa ilan pang napagtanungan namin, may ilang pelikulang nabawasan pa raw ng screening, at na-last day na agad, at ibinigay na sa mas malakas na pelikula.

Continue reading below ↓

Medyo tumaas daw ang audience sa gabi, pero sa ilang sinehang na-check ko, isang screening lang naman sa gabi.

Nakakalungkot naman.

Pero samu’t sari ang opinyon ng ibang nababasa ko sa Twitter.

Meron pa rin daw dapat pambatang pelikula, kagaya ng kina Vic Sotto at Vice Ganda.

Pero hindi naman puwede ang mga bata ngayon sa mga sinehan, dahil karamihan ay hindi pa bakunado. Pero base sa dalawang horror movies na nangunguna sa takilya, ganung formula pa rin ang gusto nilang panoorin.

Inaasahang pi-pick-up pa ito ngayong araw, at sana makabawi ang pelikulang hahakot ng awards sa Gabi ng Parangal bukas, December 27.

JERRY OLEA

Whether The Weather Is Fine, it was A Hard Day but a Big Night for The ExorSis. Huwag Kang Lalabas sa Love at First Stream sa Huling Ulan sa Tag-araw ni Nelia.

Facebook page ng beteranong showbiz columnist na si Ed de Leon, “Lagapak ang MMFF ngayong araw ng Pasko. Hinahanap ng mga tao ang mga pelikulang pambata, at yung sikat na mga artista.

Continue reading below ↓

“Naulit na naman ang karanasan noong 2016 na ang kasali ay puro mga pelikulang indie, at wala halos promo. May mga cancelled screening pa dahil walang taong pumasok.

“In short, walang pelikulang kumita. Kaya pala walang say ang mga pra la la.”

Suggestion ng vlogger na si Michael Louie “Byx” Almacen, “Sana, mag-cinema tour ang mga artista para kahit papaano, magpuntahan ang mga tao sa sinehan.”

Baka mas kumita pa ang 47th MMFF entries kapag nag-streaming sa iba’t ibang platform gaya ng KTX, Vivamax, Upstream, RAD, among others.

NOEL FERRER

Patuloy pa rin nating hinihikayat ang mga tao na suportahan ang mga pelikulang lahok sa MMFF ngayong taon by watching them sa theaters na.

With all the safety protocols, sana tingnan na lang nila ito bilang ayuda sa ating sektor.

Kung sa mga nasalanta ng bagyo ay nandyan at nakaagapay lahat tayo pati na ang mga ahensya na dapat tumutulong dito, tayo sa entertainment industry, tayo-tayo na lang talaga ang magtutulungan.

Continue reading below ↓

Itong pagpanood ng pelikula at pagbabalik sa mga sinehan ang ayuda na puwedeng gawin para maibalik ang sigla ng ating industriya.

Sana, pumick-up pa sana ang mga entries ngayon at sa mga susunod pang mga araw.

HOT STORIES

Use these Lalamove promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bukod sa pag-aalala sa banta ng covid, nakadagdag din kaya sa hindi pagdagsa ng mga tao sa sinehan ngayong MMFF 2021 ang kawalan ng pelikulang pambata?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results