NOEL FERRER
Pawang unanimous ang choices ng Metro Manila Film Fest 2021 Jury sa mga nagsipagwagi sa Gabi ng Parangal, na ginanap sa Samsung Theater ng SM Aura ngayong Lunes ng gabi, December 27.
Best Picture ang Big Night, Second Best Picture ang Kun Maupay Man It Panahon, at Third Best Picture ang A Hard Day.
Best Actress si Charo Santos-Concio ng Kun Maupay Man It Panahon.
Best Actor si Christian Bables ng Big Night.
Best Supporting Actress si Rans Rifol ng Kun Maupay Man It Panahon at Best Supporting Actor si John Arcilla ng Big Night.
Special Jury Award ang iginawad kay Daniel Padilla ng Kun Maupay Man It Panahon.
Ang Best Director at Best Screenplay naman ay napagwagihan ni Jun Lana para sa Big Night.
Ang iba pang awards:
- Best Cinematography: Carlo Canlas Mendoza (Big Night)
- Best Editing: Lawrence Fajardo (A Hard Day)
- Best Production Design: Juan Manuel Alcazaren (Kun Maupay Man It Panahon)
- Best Musical Score: Teresa Barrozo (Big Night)
- Best Sound: Albert Michael Idioma (A Hard Day)
- Best Visual Effects: Mofac Creative Works, Hue Media Quantum Post, Ogie Tiglao (Kun Maupay Man It Panahon)
- Best Theme Song: Umulan Man o Umaraw (Huling Ulan Ng Tag-Araw), composed by Louie Ignacio
- Gender Sensitivity Award: Big Night
- FPJ Award: A Hard Day
- Gatpuno Antonio J. Villegas Cultural Award: Kun Maupay Man It Panahon
- Best Short Film Content Creator: Pio Balbuena’s Kandado
- Best Float: Huwag Kang Lalabas
- Natatanging Gawad MMFF: Chairman Danilo Lim
- National Artist Bienvenido Lumbera Manay Ichu Memorial Award: Rosa Rosal
GORGY RULA
Tatlong pelikula lang ang nakakuha ng karamihan ng awards at hindi sila nawawala sa nominees: Big Night, Kun Maupay Man It Panahon, at A Hard Day.
Si Direk Jun Lana ang pinakapagod sa pabalik-balik sa stage para tanggapin ang awards ng Big Night.
Mabilis ang programa at pamamahagi ng parangal.
Pero nakaw-eksena si Gary Lim at ang rapper na si Pio Balbuena nang sila ang umakyat sa stage para tanggapin ang best supporting actor award para kay John Arcilla.
Akala nila, napanalunan ito ni John sa A Hard Day. Nominado ang aktor sa dalawang pelikula—para sa A Hard Day at Big Night. Nanalo si John para sa pagganap niya sa Big Night.
Ang isa sa mga producers ng Big Night, si Atty. Joji Alonso, ang tumanggap ng tropeyo, hawak ang video ni John na nagpasalamat sa award.
Masaya ako para kay Christian Bables na magaling naman talaga sa Big Night. Ilang beses siyang nag-sorry sa kanyang acceptance speech sa sobrang kaba.
Touching ang huling bahagi ng kanyang speech nang inalay niya ang award sa mga nabiktima ng EJK na walang lakas at boses para ipaglaban ang kanilang karapatan.
Hindi man daw niya ma-express sa salita, sabi ni Christian, "Let me fight with you through my art."
Nagpasalamat din siya kina Jun Lana at Perci Intalan na "nagluwal sa akin sa industriya."
Nais din daw niyang ibahagi ang award sa kanyang co-nominees na sina Daniel Padilla at Dingdong Dantes na magaling ang performances.
JERRY OLEA
Big winner ang Big Night sa 47th MMFF Gabi ng Parangal. Wala si Ma’am Charo Santos-Concio para tanggapin ang best actress trophy.
Nasa ospital si Ma’am Charo, nakabantay sa asawa na nag-undergo ng procedure nitong Lunes.
Ang tumanggap ng trophy ni Ma’am Charo ay si Atty. Joji Alonso, na co-producer ng best picture na Big Night at second best picture na Kun Maupay Man It Panahon.
Kinabog ni Charo sa pagiging best actress sina Daniella Stranner (Love at First Stream), Alex Gonzaga (The ExorSis), at Elizabeth Oropesa (Huwag Kang Lalabas). Inisnab si Rita Daniela (Huling Ulan Sa Tag-araw).
Para sa mga hurado, mas mahusay si Daniella kesa kay Rita!
Tinalo ni Christian Bables sa karera ng best actor sina Daniel Padilla (Kun Maupay Man It Panahon) at Dingdong Dantes (A Hard Day).
Sa kategoryang best supporting actor, nominado si John Arcilla para sa dalawang pelikula—Big Night at A Hard Day. Winner siya for Big Night. Ang isa pang nominado rito ay si Nico Antonio also for Big Night.
Ang mga pinataob ng baguhang si Rans Rifol (Kun Maupay Man It Panahon) sa kategoryang best supporting actress ay sina Eugene Domingo at Janice de Belen ng Big Night.
Kay tatapang ng mga hurado na ipinagkaloob ang best picture sa Big Night, na tumalakay sa tokhang!
Panawagan ni Atty. Joji Alonso nang tanggapin ang tropeyo para sa second best picture, "Para po sa nagsasabi na sana, hindi natuloy na ang MMFF at mauna na po si Spider-Man, pakiantay na lang po sa January 8, please…
"In the meantime, tangkilikin naman po natin ang pelikulang Pilipino! Sobra-sobra po naming pinaghirapan lahat ang paggawa ng mga pelikulang ito.
"Sana naman po, huwag niyo naman po kaming pabayaan. Kasi, this is for everybody. Paano na lang po tayo pag wala na pong gagawa ng pelikula?
"So, please support Filipino films! Salamat po!”
Watch Big Night stars Christian Bables and Nico Antonio on PEP Spotlight:
Use these Udemy coupons when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.