Rita Daniela, Toni Gonzaga, Winwyn Marquez, Huwag Kang Lalabas lead stars inisnab ng MMFF 2021 jury

by PEP Troika
Dec 28, 2021
mmff 2021 best actress snub
(Top, L-R) Rita Daniela of Huling Ulan Sa Tag-araw, Toni Gonzaga of The Exorsis, Winwyn Marquez of Nelia, (bottom, L-R) and Huwag Kang Lalabas stars Aiko Melendez, Beauty Gonzalez, and Kim Chiu failed to make the list of best actress nominees in MMFF 2021 Gabi ng Parangal.
PHOTO/S: YouTube

JERRY OLEA

Tatlo ang nominado sa karamihan ng kategorya sa 47th Metro Manila Film Festival (MMFF) Gabi ng Parangal.

Pero sa kategoryang best actress, apat ang nominado — sina Charo Santos-Concio (Kun Maupay Man It Panahon), Daniella Stranner (Love at First Stream), Alex Gonzaga (The ExorSis), at Elizabeth Oropesa (Huwag Kang Lalabas).

Of course, masaya tayong itinanghal na best actress ng MMFF si Ma’am Charo matapos siyang isnabin ng mga hurado apat na dekada na ang nakalipas.

Humakot ng awards ang Kisapmata (MMFF 1981) kabilang ang best actor (Vic Silayan), best supporting actress (Charito Solis), at best supporting actor (Jay Ilagan) pero si Ma’am Charo, ngangey.

Ang nagwagi ay isa ring Santos, si Vilma Santos para sa Karma.

Ngayong MMFF 2021, kapansin-pansing ligwak sa panlasa ng mga hurado si Rita Daniela (Huling Ulan Sa Tag-araw).

Nominado ang baguhang si Daniella Stanner (Love at First Stream) pero si Rita Daniela, ligwak.

Continue reading below ↓

Ang mga nasa poster ng Huwag Kang Lalabas na sina Beauty Gonzalez, Aiko Melendez, at Kim Chiu ay thank-you girls din sa nominasyon. Ang kinatawan ng horror trilogy sa karera ng best actress ay si Elizabeth Oropesa.

Mas bet ng mga hurado ang acting prowess ni Alex Gonzaga (The ExorSis) kaysa sa kanyang elder sister na si Toni Gonzaga.

Kasama rin sa Lotlot & Friends si Winwyn Marquez (Nelia).

Ang isa pang ipinagsisintir ng masusugid na tagahanga at tagasubaybay ni Rita Daniela, nakukulangan sila sa suporta ng mother studio nito.

Tampok si Rita at leading man na si Ken Chan sa The Clash at All-Out Sundays. Kapuso rin ang iba nilang co-stars, kabilang si Richard Yap, pati ang direktor na si Louie Ignacio. Ang TV rights ng Huling Ulan sa Tag-araw ay inilaan para sa GMA Network.

Kaya palaisipan sa amin na tila kulang sa push ang mga Kapuso sa promo ng unang RitKen movie.

Continue reading below ↓

Marami pang ibang tanong, hiwaga o palaisipan na naglalaro sa sumasagi sa aming diwa…

NOEL FERRER

Sa deliberations, crowd-pleaser talaga si Rita. Her effort showed. It really showed.

But while we know of actors who become the role to the point of doing rigorous training for it, I kinda concur sa observation ng ilang nakapanood na si Rita raw ang pinakamalusog na dying cancer patient na nakita nila onscreen. What a suspension of disbelief talaga yung nakarga siya ni Ken from the wedding scene all the way to Pansanjan River.

But now she is slimmer and can take on the physicality of more edgy roles. Sana, maitawid niya nang mas maayos ang kasunod na role niya in Direk Joel Lamangan’s Madawag Ang Landas Patungong Pag-asa.

At sana, oo, suportahan pa siya ng home network niya dahil ayaw nila sigurong mangulelat sa takilya ang pelikula ng kanilang homegrown talents sa Huling Ulan Sa Tag-araw.

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Ang ganda naman ng ngiti ni Rita paglabas nila ni Ken Chan ng Samsung Hall sa SM Aura noong Monday night, kung saan ginanap ang MMFF 2021 Gabi ng Parangal.

Umakyat pa sila dahil meron silang isu-shoot na spiel. Nakipagtsikahan pa sila pagbaba, at ganun din ang producer ng Huling Ulan sa Tag-araw na si Harlene Bautista, kasama si Direk Louie Ignacio.

Masaya si Harlene na naging bahagi muli ang Heaven’s Best Entertainment sa MMFF.

Ramdam kong na-hurt si Rita na di man lang siya napasama sa mga nominado, pero bulong naman niya sa akin, “Okay lang po yun, Kuya. Ang importante naman po, nagustuhan ng mga nakapanood.”

Samantala, napansin ko ang isang producer na parang tulala pagkatapos ng awarding. Umalis siyang di na pinansin ang mga bumati sa kanya. Parang di niya mawari kung bakit wala silang naiuwi kahit isang award at iilan lang ang nominasyon ng pelikula niya.

Continue reading below ↓

Sana huwag siya mawalan ng ganang mag-produce pa, dahil sinasabi naman niyang gusto pa niyang mag-produce ng maraming pelikula para makatulong sa industriya.

Nakakatuwa si Direk Perci Intalan ng The IdeaFirst Company, producer ng Big Night, na nagsasabing tuloy pa rin ang laban.

Naniniwala siyang makakaahon ang movie industry, kaya huwag mapanghinaan ng loob. Tuloy pa rin tayo sa paggawa ng pelikula.

Ani Direk Perci, “Naniniwala ako na babalik at babalik tayo sa sinehan, at babalik at babalik tayo sa mga pelikula natin.

“So, laban lang. Yun lang talaga. Kailangan lang talaga tiyagain, habaan ang pisi. Maging very creative para bawiin yung pera. Kaya ‘yan, basta maganda yung kuwento.”

Sabi naman ng direktor ng Big Night na si Jun Lana, “Nagsisimula ulit tayo, e. Expected naman na nagkakaroon ng konting struggle.

"Pero ang importante, kagaya ng nabanggit kanina, patuloy tayong gumagawa ng pelikula at hikayatin ang mga manonood na bumalik sa mga sinehan at suportahan ang industriya natin.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
(Top, L-R) Rita Daniela of Huling Ulan Sa Tag-araw, Toni Gonzaga of The Exorsis, Winwyn Marquez of Nelia, (bottom, L-R) and Huwag Kang Lalabas stars Aiko Melendez, Beauty Gonzalez, and Kim Chiu failed to make the list of best actress nominees in MMFF 2021 Gabi ng Parangal.
PHOTO/S: YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results