Big Night, big winner sa MMFF 2021 Gabi ng Parangal; Christian Bables, first choice bilang Dharna

by PEP Troika
Dec 28, 2021
jun lana christian bables mmff 2021
Big Night director Jun Lana (left) on Christian Bables (right): “Sa totoo lang, wala akong maisip na ibang Dharna. Yung Dharna na nasa isip ko, at yung Dharna na ibinigay ni Christian, na dinagdagan niya pa, ahh, wala akong ibang naisip.”
PHOTO/S: Facebook

JERRY OLEA

Beautiful Dharna wins!

Nakamit ng Big Night ang parangal bilang best picture, best director (Jun Robles Lana), best screenplay (Jun Robles Lana), best actor (Christian Bables), best supporting actor (John Arcilla), best cinematography (Carlo Canlas Mendoza), best musical score (Teresa Barrozo), at Gender Sensitivity Award sa Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival 2021.

Istorya ito ng gay beautician na si Dharna (Christian Bables).

Noong araw na magbi-big night muli ang gay bar na pinapasukan ng boyfriend niyang si Zeus (Nico Antonio), sinabihan si Dharna ng isang kaibigan na kasama ang pangalan niya sa watch list ng mga gumagamit o nagtutulak ng droga.

Afraidy aguilar ang judingle belle na matokhang, kaya kahit aligaga si Dharna sa paghahanda ng pakpak na costume ni Zeus sa big night kung saan isa sa judges si Ogie Diaz… kailangang matanggal ang pangalan niya sa watch list bago iyon maisumite sa kinauukulan.

Continue reading below ↓

Mistulang mariposa na lumipad-lipad si Dharna sa maghapon at magdamag. Dumapo siya sa iba’t ibang pugad at nakiusap — kay Madam Cynthia (Eugene Domingo) na patok ang negosyong punerarya, kay Mr. Roja (Soliman Cruz) na principal ng Mababang Paaralan ng Makopa, kay Melba (Janice Jurado) na isang komadrona, at kay Donato Rapido aka Koboy Kilabot (John Arcilla), dating action star na idolo ni Zeus.

May pakpak na mababali, ngunit sa huli, may pakpak na kikislap!

Napakaimportante ng kuwento ng tokhang o EJK (extra-judicial killing) para kay Direk Jun.

Aniya sa presscon noong Disyembre 17 matapos ang screening ng Big Night sa Gateway Mall, QC, “Kaya ko siya naisip, may ginagawa akong pelikula noon way before Big Night.

“Naghihintay kami ng set-up, matagal. May narinig akong isang grupo ng talents, tapos nagtatawanan sila.

“Narinig ko, ang kuwento ay pinag-uusapan nila yung EJK sa isang barangay, may na-discover na isang katawan na binalot ng cardboard.

Continue reading below ↓

“Pero kaya sila natawa, nung araw na yun, piyesta dun sa barangay. Hindi ko alam kung totoo yun pero pinagkamalan daw na litson.

“Hindi ko sure kung gaano ang veracity ng kuwento na yun, pero just to hear them laughing about it, naisip ko na dumating na ba tayo sa puntong ganito? Na naging numb na tayo sa mga nangyayari sa atin.

And I thought, you know, comedy would be the perfect lens para tingnan natin kung paano na tayo naging manhid sa mga pangyayaring ito.

“Nakakatawa siya, pero sana nga, sa dulo, maramdaman natin na ang pinagtatawanan natin — sarili natin.”

Bahagi ng talumpati ni Direk Jun sa awards night nang kilalanin siyang best director, “Maraming salamat sa MMFF hindi lang para sa karangalang ito kundi para sa pagbibigay-espasyo sa kuwento ni Dharna na gaya ng nasabi ni Christian kanina ay walang boses.

“Salamat sa pakikinig at sana, mamulat tayo sa katotohanan ng sitwasyon ni Dharna…”

Continue reading below ↓

big night mmff 2021

GORGY RULA

Ganun din nga ang naramdaman ni Dharna o Christian Bables na inialay ang kanyang Best Actor trophy sa mga inosenteng nabiktima ng EJK.

Kaya nga nung sandali namin siyang nakapanayam pagkatapos ng awarding, binanggit uli namin sa kanya itong inialay niya para sa EJK victims.

Sabi ni Christian, ngayong nalalapit na ang eleksyon, dapat pag-aralan nating mabuti ang taong iluluklok natin.

Continue reading below ↓

“It’s time for us the Filipino people to choose wisely. Just choose wisely,” pakli niya.

Para kay Christian, bilang aktor ay responsibilidad din daw niyang may maibahagi sa ating mga mamamayan lalo na ang mga naaapi at walang boses na makipaglaban.

“As for me, I will continue to do films that will speak for the oppressed and the voiceless.

“Yun ang purpose ko bilang isang aktor,” dagdag niyang pahayag.

JERRY OLEA

First choice ni Direk Jun si Christian sa papel na Dharna.

Kuwento ni Direk Jun, “Noong nabuo ko na ang kuwento, hindi ko pa nasusulat ang script, pinag-uusapan na namin ni Perci [Intalan], at nasabi ko na kay Perci, ‘Si Christian ang nakikita ko dito. Sana, pumayag siya. Sana, magustuhan niya.’

“Sa totoo lang, wala akong maisip na ibang Dharna. Yung Dharna na nasa isip ko, at yung Dharna na ibinigay ni Christian, na dinagdagan niya pa, ahh, wala akong ibang naisip.

Continue reading below ↓

“Kung hindi siya pumayag, maghihintay ako. Maghihintay ako, either na pumayag siya, o hanggang may maisip ako na puwedeng Dharna, pero wala talaga akong ibang maisip na gaganap kay Dharna kundi si Chrstian.”

Pakiramdam daw ni Christian, para siyang lalamunin ng lupa sa pahayag ni Direk Jun.

Riot ang eksena ni Donato Rapido (John Arcilla) with Zeus and Dharna sa bandang hulihan ng pelikula.

May local actor ba na pinagbasehan ng karakter ni Donato Rapido, na ninanamnam pa rin ang glorious days bilang action star?

“Wala naman. Wala naman akong kilalang ganun,” matamang saad ni Direk Jun.

“Ano lang kasi, parang nag-i-intensify yung pagiging surreal nung pinagdadaanan ni Dharna.

“Dumating tayo sa point na parang may out-of-body experience, ‘Nangyayari ba talaga ito?’ sa culmination ng adventure na yun.

“Hindi mo na maipaliwanag. Nasaan na yung reality, yung boundary ng reality, ng fantasy. Ano na ang nangyayari? Parang yun ang tanong, e.

Continue reading below ↓

“Ano’ng nangyayari? Ano’ng nangyayari? Bakit nangyayari ‘to? Yun ang point niya, kahit sobra siyang nakakatawa.

“Na hindi mo na naiintindihan, bakit nangyayari ito? Nadadala ka na lang, nagpapadala ka na lang.

“Di ba? Biglang hinugot si Dharna. Tapos, si Dharna, napilitang gumulong.

“Ano’ng nangyayari? Parang yun 'yon. Yun lang yun.”

Gusto siyempre ni Direk Jun na magwaging best actor si Christian.

Ani Direk Jun, “Nakita ko talaga kasi, nawala si Christian dun sa role. Nag-disappear talaga siya. Then, yung pagiging Dharna niya, so consistent.

“Para sa akin, wala ngang false note, e. Then, gumaling ‘to… gumaling talaga siya! Mula Die Beautiful hanggang dito.

“May mga ad lib na kanya lang, e, na idinagdag niya. At the same time, hindi siya excessive. Hindi siya humihingi ng atensiyon kundi natural extension pa rin yun ng karakter niya.

“So, sa akin, yun ang taas ng respeto ko sa kanya, na ganung klaseng artist siya.”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Deserving of all its awards, ang galing lang ng Big Night na, sana, matulungan ng awards na napanalunan nila.

Masaya tayo para sa Team Big Night dahil kahit naging maingay ang hiwalayan nina Perci Intalan at Jun Lana ay napanatili nila ang magandang samahan at magbigay hindi lang ng trabaho kundi inspirasyon para sa lahat.

Deserve ng Big Night ang big night nila sa MMFF Gabi Ng Parangal kagabi.

HOT STORIES

Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Big Night director Jun Lana (left) on Christian Bables (right): “Sa totoo lang, wala akong maisip na ibang Dharna. Yung Dharna na nasa isip ko, at yung Dharna na ibinigay ni Christian, na dinagdagan niya pa, ahh, wala akong ibang naisip.”
PHOTO/S: Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results