Edgar Allan Guzman, three years pinag-ipunan ang bahay para sa ina

by PEP Troika
Dec 29, 2021
Edgar Allan Guzman house
"Brand new house po yun, Kuya. Ito na po yung binili ko sa Parañaque para po sa mama ko," kuwento ni Edgar Allan Guzman sa PEP Troika. Napaiyak ang ina ni EA sa tuwa nang makita ang sorpresang ito sa kanya.
PHOTO/S: @ea_guzman Instagram

GORGY RULA

Mahigit tatlong taon ding nag-ipon si Edgar Allan Guzman, 32, para mabili niya ang bagong bahay para sa kanyang pamilya.

Naka-text ko ang Kapuso actor pagkatapos nitong i-post ang video kung saan sinorpresa niya ang ina sa pamamagitan ng bagong biling bahay.

Akala ko kasi, ito na yung bahay na ipinatayo ni EA sa binili niyang lupa sa Tagaytay.

Sa mga nakaraang tsikahan namin, laging sinasabi ni EA na gusto niyang matupad ang matagal na niyang pangakong ipagpapatayo niya ng bahay ang kanyang pamilya.

Nandun pa rin daw ang lupang binili niya sa Tagaytay, pero may nakita siyang bagong tayong bahay sa Parañaque at ito ang binili niya para sa kanyang ina.

"Brand new house po yun, Kuya. Ito na po yung binili ko sa Parañaque para po sa mama ko.

"Parang three years ko rin pong pinag-ipunan. Hehehe," text sa akin ni EA nang tinanong ko sa kanya ang tungkol sa bagong bahay na binili niya.

Continue reading below ↓

Edgar Allan Guzman house

Masipag naman ang Kapuso actor at tuluy-tuloy ang trabaho niya, kaya nakakapag-ipon siya at natupad din ang matagal na niyang pangarap para sa kanyang pamilya.

Nagpapasalamat si EA sa Diyos na hindi siya nawawalan ng trabaho.

Bukod sa mga pelikula, sunud-sunod ang mga programa ni EA sa GMA-7. Bahagi siya ngayon ng bagong drama series ng GMA-7 na Widow’s Web.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Matagal nang pangako ni EA ang bahay na iyan para sa kanilang mag-anak.

Pangako niyang i-relocate ang kanyang pamilya mula sa nirerentahang bahay sa Pasig papuntang Parañaque. Major change of environment iyan lalo na sa kanilang mga pinagtatrabahuan.

Pero at least, it’s something that they can call their own already.

Magandang timing din iyan kasi birthday ngayon ng nanay ni EA, kaya happy birthday to Mommy Sari!

JERRY OLEA

Hangad nating lalo pang pagpalain ang katulad ni EA na mapagmahal sa ina, at pamilya.

At siyempre pa... kasunod na nito ay para sa kanyang sarili—para sa kanila ng kasintahan niyang si Shaira Diaz.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Brand new house po yun, Kuya. Ito na po yung binili ko sa Parañaque para po sa mama ko," kuwento ni Edgar Allan Guzman sa PEP Troika. Napaiyak ang ina ni EA sa tuwa nang makita ang sorpresang ito sa kanya.
PHOTO/S: @ea_guzman Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results