Lito Lapid, namangha sa estilo ni Direk Brillante Mendoza na "ikaw ang bahala sa dialogue, walang script"

by PEP Troika
Dec 30, 2021
Lito Lapid Brillante Mendoza
Bilib si Senator Lito Lapid (left) kay Brillante Mendoza (right) hindi lang dahil sa galing nito bilang direktor kundi sa pagbibigay nito ng tsansa sa mga dating artista na naligaw ng landas pero nagbabalik-trabaho.
PHOTO/S: Gorgy Rula / Julie Bonifacio

GORGY RULA

Puring-puri ni Senator Lito Lapid si Direk Brillante Mendoza na nagdirek ng pelikulang Apag (Hapag) kung saan kasali siya.

Nakatsikahan namin ang senador sa isang lunch para sa entertainment press nung Miyerkules, December 29, kasama ang anak niyang Tourism officer na si Mark Lapid at ang taga-Pinuno Partylist na si Howard Quinto.

Ayon kay Lito, nanibago siya sa istilo ng pagdidirek ni Direk Brillante, pero nagustuhan niya at napabilib siya dahil maganda raw ang kinalabasan.

"Napakagaling! Ibibigay niya ang eksena, ikaw ang bahala sa dialogue, walang script. Wala kayong mini-memorize.

"First time ko nadirek sa ganun," pakli niya nang kinumusta namin ang shooting niya sa pelikulang ito ni Direk Brillante.

Noon pa man ay gusto na raw niyang kunin si Direk Brillante para sa pelikulang gagawin niya, pero hindi lang sila nagkakatugma sa schedule.

"Gustung-gusto ko siya, kasi nung araw, kinukuha ko na siya. Ako pa ang producer para makasama ko siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nung in-offer sa akin ‘to, tapos rekomendado pa ako ni Coco Martin, sabi ko, 'Sige, okay.' Kaya tinanggap ko agad," dagdag niyang pahayag.

Isa raw sa balak niya ay magpaka-active na sa pag-aartista sa taong 2022, at balak niyang kunin si Direk Brillante.

"Gusto ko pa rin magpadirek kay Brillante Mendoza. Nakita ko kasi, napaka-relax niya magdirek. Hindi nahihirapan ang artista, pero napakagandang gumawa. Mabusisi, matiyaga, maselan, pero maganda. Hindi puwede sa kanya yung puwede na ‘yan," sabi pa ni Senator Lapid.

Excited siya sa Apag dahil ipinapakita ang kagandahan ng Pampanga, lalo na ang mga lutuing Kapampangan.

Sobrang kampante pa siya sa mga nakakatrabaho niya na pawang Kapampangan, kagaya nina Coco Martin, Jaclyn Jose, at Gladys Reyes.

Kasama rin sa pelikulang ito ang anak niyang si Mark Lapid, na tuwang-tuwa rin dahil pawang Kapampangan ang dialogue nila rito. May dalawang araw pa raw silang isu-shoot sa pelikulang ito.

NOEL FERRER

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natuwa rin si Senator Lapid dahil kasama rin sa pelikula si Julio Diaz, na nakalaya na matapos makulong dahil sa droga.

Isa rin ito sa nagustuhan niya kay Direk Brillante na binibigyan ng chance ang gustong bumalik sa trabaho kagaya ni Julio.

Nagulat daw siya nang makita sa set si Julio, na binigyan ng isa pang pagkakataon ni Direk Brillante at sa tulong na rin ni Coco.

"'Ano, dito ka na? Parang tumaba ka, ah! Hiyang ka dun. Balik ka na.' Niloloko ko," biro raw ni Senator Lapid kay Julio.

Mabuti at pinagkatiwalaan daw uli ni Direk Brillante si Julio para makabalik sa trabaho sa kabila ng kinasangkutang isyu noon.

Ani Lito sa pagbabalik-acting ni Julio, "Lahat naman na naligaw nang konti sa ano… pag walang trabaho…. si Coco naman, pinapasok niya sa Probinsyano. Binibigyan niya ng trabaho."

JERRY OLEA

Kakaibang Lito Lapid ang matutunghayan sa Apag.

Hindi niya kailangang mag-aksyon, mag-stunts, o makipagbarilan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Madrama ang papel niya, at kaabang-abang ang dynamics niya with Coco, Gladys and Jaclyn.

HOT STORIES

Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bilib si Senator Lito Lapid (left) kay Brillante Mendoza (right) hindi lang dahil sa galing nito bilang direktor kundi sa pagbibigay nito ng tsansa sa mga dating artista na naligaw ng landas pero nagbabalik-trabaho.
PHOTO/S: Gorgy Rula / Julie Bonifacio
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results