Ian de Leon, binisita ang inang si Nora Aunor matapos ang isang taong tampuhan

by PEP Troika
Dec 31, 2021
Nora Aunor and son Ian de Leon
Isang taon matapos isnabin ni Ian de Leon ang birthday party na inorganisa ng inang si Nora Aunor para sa kanya, ang aktor na mismo ang nag-initiate ng pagkakaayos nila.
PHOTO/S: Noel Orsal / @ian_de_leon_official Instagram

GORGY RULA

Nagkaayos na ang mag-inang Nora Aunor at Ian de Leon pagkatapos magkaproblema nung Disyembre 11, 2020 sa 45th birthday celebration ni Ian.

Kung naalala pa, hindi natuloy ang pinaplano sanang reunion nilang mag-iina sa birthday ni Ian noong nakaraang taon.

Naghanda si Ate Guy ng dinner sa Alfredo’s, Morato Avenue, Quezon City, pero si Kenneth lang ang nakadalo.

Hindi tumuloy si Ian at ang iba pang kapatid nang nalaman nilang ipalalabas ito sa YouTube channel ni Ate Guy, at merong isang taong ayaw nilang makasama roon.

Ayaw magamit ni Ian sa publicity stunt ng MMFF 2020 movie ni Nora na Isa Pang Bahaghari ang pagkikita nila noon.

Nagkatampuhan, pero mabuti na lang naayos ito nung Huwebes, December 30 ng gabi, pagkatapos dumalaw ni Ian sa kanyang ina.

Kuwento sa PEP Troika ng publicist ni Ate Guy na si Rodel Fernando, tuwang-tuwa ang original Superstar nang dumalaw si Ian kasama ang kanyang asawa at ang dalawa niyang anak.

Continue reading below ↓

"Sinorpresa talaga ni Ian si Ate Guy, kaya ang saya-saya nila. Pati si John, tuwang-tuwa," text ni Rodel sa akin.

Ang tinukoy ni Rodel na John ay si John Rendez na long-time companion ni Nora.

Kaya okay na raw silang mag-iina, at wish naman daw nilang lahat na magkaayos na si Nora at ang kanyang mga anak.

Sa pagkakaalam ko, walang problema kay Matet de Leon na madalas naman daw kinukumusta ang mommy niya, at ganun din si Kiko.

Si Lotlot na lang ang wala pang comment sa akin si Rodel, dahil iniiwasan na rin ng aktres na pag-usapan ang isyu nilang mag-ina. Sana, maging okay na ang lahat, para maganda ang pasok ng 2022.

JERRY OLEA

“The Bitter Truth” ang vlog ni Ian de Leon noong Disyembre 13, 2020 kaugnay sa nangyari noon.

Sa pagkakaayos nila ng inang si Nora Aunor, masaya tayo para sa kanila. Mas magaan at mas maligaya ang Bagong Taon na kakaharapin nila!

Continue reading below ↓

Mas okey na kay Ate Guy na pag-usapan ang ganitong kuwento na nakaka-good vibes, kaya ayaw na niyang dalirutin ang pagbasura ng Commission on Elections sa NORA A party-list.

Looking forward tayo sa pelikulang Kontrabida ni Ate Guy, na ayon sa direktor na si Adolf Alix Jr. ay ikinakasa na ang pagpapalabas this 2022.

Sana rin ay magbalik-telebisyon na si Ate Guy!

NOEL FERRER

Isa ako sa masaya sa item na ito tungkol sa ating Superstar. Sana nga ay maayos na nang lubusan ang anumang issue na namamagitan sa kanilang pamilya.

Sana rin maitanghal na siya finally bilang National Artist na ang balita ko ay sa end of January na ang final deliberations.

At sana, makagawa pa ng maraming magagandang pelikula si Ate Guy na maiiwan sa ating larangan ng kultura at sining-Pinoy.

Deadma na muna sa politika. Puwede namang mag-public service nang walang posisyon o title, di ba? Happy New Year, Ate Guy!!!

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang taon matapos isnabin ni Ian de Leon ang birthday party na inorganisa ng inang si Nora Aunor para sa kanya, ang aktor na mismo ang nag-initiate ng pagkakaayos nila.
PHOTO/S: Noel Orsal / @ian_de_leon_official Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results