JERRY OLEA
Disyembre 13, 2021 napabalitang magli-leave of absence si Mike Enriquez sa 24 Oras dahil sasailalim ito sa medical procedure at magpapa-confine sa ospital.
Inaasahang magbabalik-trabaho si Mike sa Eleksyon 2022 coverage ng GMA Network.
Makalipas ang ilang araw ay nabalitaan natin na naghahanap ng malilipatan ang TV Patrol anchor na si Julius Babao.
Hindi na tayo nagulat nang ibalita ni Karen Davila noong Disyembre 29, Miyerkules, sa Instagram na iiwan na ni Julius ang Kapamilya Network.
Nitong Disyembre 31, Biyernes, ay inihayag ni Julius sa TV Patrol na magsa-sign off na siya bilang Kapamilya news anchor.
Sabi ng ABS-CBN sa official statement nito, "We respect his decision to pursue his professional career outside of ABS-CBN and wish him well in his future pursuits."
Magpa-final broadcast si Julius sa TeleRadyo Balita bukas, Enero 2, 2022, Linggo. Mapapanood na ba si Julius sa Frontline Pilipinas ng TV5 simula Enero 3, Lunes?
NOEL FERRER
Change is always good lalo na kung lalo mo itong ikakaunlad.
Karapatan iyan ni Julius na lumiit ang espasyo niya sa ABS-CBN at naging pinch hitter na lang ni Henry Omaga Diaz sa daily prime-time news at minsan kay Alvin Elchico sa weekend TV Patrol.
Baka naisip niyang mas magiging viable siya kung magiging kapalit ni Raffy Tulfo bilang co-anchor sa Frontline Pilipinas with Cheryl Cosim.
Ang tanong: Ibibigay rin ba kay Julius ang timeslot sa teleradyo ng Isumbong Mo Kay Tulfo? Ang sabi ay hindi raw.
Baka raw isang show sa asawa niyang si Tintin ang ibigay sa kanya. The task now is for Julius to go back to his groove not only as a news reader but as a real journo.
Mahuhusay ang mga journo na nasa TV5 under Luchi Cruz Valdes and Cignal under Patrick Paez.
You have Roby Alampay, Ed Lingao, Jove Francisco, Lourd de Veyra, at marami pang iba.
Time for Julius to flex his being a truejourno again and not be confined as an armchair journalist only. Kaya niya iyan!
Sipagan lang talaga, kahit pandemic rates ang salaries unlike during the heydays of ABS-CBN. Good luck!
GORGY RULA
Sana nga, lalo pang lumakas ang TV5. Naririnig ko pa noon na magdadagdag pa raw ito ng transmitter para mas lumakas pa lalo na sa mga probinsiya.
Pero bakit hirap pa ring pumalo sa ratings? Malaking bagay rin sana ang pagsali ni Julius sa liga ng mga kilalang broadcasters ng TV5.
Kaya isa ito sa aabangan natin sa 2022. Pero hindi lang si Julius. Malamang na meron pang susunod. May isa akong inaasahang iwe-welcome back sa GMA 7. Abangan na lang natin!