Watch Now

Ricky Davao, Jackie Lou Blanco open secret ang estado ng relasyon

by PEP Troika
Jan 7, 2022
Ricky Dabao and Jackielou Blanco
Game na game sina Ricky Davao at Jackie Lou Blanco na magkatrabaho sa GMA-7 mini-series na I Can See You: AlterNate. Cool pa rin ang dalawa kahit matagal nang hiwalay.
PHOTO/S: AlterNate pictorial via @jackielou.blanco Instagram

GORGY RULA

Isa sa maganda sa showbiz, kapag nakapagpundar ka ng magandang pakikisama sa lahat ng nakakatrabaho o nakakasalamuha mo, maaasahan mong poproteksyunan ka at hindi ka ilalaglag ng mga kaibigan mo sa showbiz.

Kagaya ng sitwasyon nina Ricky Davao, 60, at Jackie Lou Blanco, 57, kung saan hindi na inuurirat at pinag-uusapan ang kanilang relasyon.

Noon pa man ay alam na sa showbiz kung ano ang kanilang status, pero hindi ito inuurirat o pinagpipiyestahan sa publiko. Mismong mga kaibigang press na rin ang nagbibigay ng proteksiyon sa kanila.

Meron yung sinasabing "open secret," na alam na natin kung ano ang namamagitan sa kanila o kung ano ang totoong kuwento, pero hindi na kinakalkal pa para pag-usapan.

Ang daming natuwa nang muling magkasama sina Ricky at Jackie Lou sa isang project, itong bagong installment ng I Can See You sa GMA-7 na "AlterNate" na pinagbibidahan nina Dingdong Dantes at Beauty Gonzalez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa virtual presscon ng programa, game na game na sinagot nina Direk Ricky at Jackie Lou kung paano nila i-handle ang mga eksena nilang dalawa.

Pero sabi nga ni Direk Ricky, ang pinaka-excited at "Marites" kapag nagkakasama sila sa isang proyekto ay ang kanilang mga anak. Inuurirat daw ng mga ito kung kumusta ang taping nila sa "AlterNate."

Tinatanong pa raw kung may eksenang sinasaktan ba ng papa nila ang kanilang mama. Tototohanin daw ba nito ang pananakit?

Kailangang i-update daw nila ito sa kanilang mga anak na concern nang husto sa kanilang dalawa. Nakasanayan na rin ng kanilang mga anak ang ganitong set-up.

Tinanong ko rin silang dalawa kung paano nila sini-celebrate ang Pasko at ilan pang mahahalagang okasyon sa ganitong set-up.

Ayon kay Jackie Lou, "Usually, we spend it at my mom’s. Like this year, we had lunch there. Tapos yung dinner naman, the kids naman are with Ricky. So, it’s usually hati.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"But siyempre, since the pandemic, usually we go to my sister-in-law for Christmas.

"But dahil pandemic, may ibang selebrasyon na hindi natuloy for this year. Parang ganun lang muna."

Dugtong naman ni Direk Ricky, "Kasi siyempre, we are all very careful lang talaga.

"Usapan namin ng mga bata, we won’t go out muna. As much as possible, mag-avoid muna.

"Meron pa namang celebration for next year, di ba, and the coming years. So, we are very, very careful talaga.

"Pero siyempre, like, it’s very important to be with their grandmother. So, yun mga ganun, tapos sa bahay lang talaga kami.

"I just stayed home the whole time nung Christmas and New Year, nasa bahay lang kami. Bihirang-bihira lumabas talaga."

Nag-follow up question ako kung hanggang ngayon ba ay nagbibigayan pa sila ng regalo sa isa’t isa.

Halos magkasabay naman silang sumagot ng "oo."

"Pagkain ang ipinapadala ko sa kanya," napapangiting sagot ni Jackie Lou, na napansin ko sa kanyang Zoom account ay dala pa rin ang apelyidong Davao ni Direk Ricky.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang saya lang!

NOEL FERRER

Hayyyyyy, kasama rin ako ng mga anak nilang excited kapag magkatrabaho sina Ricky at Jackie.

Kasi, bukod sa magagaling silang artista talaga, napakabubuti nilang tao.

Una akong naapektuhan sa big screen sa kanila sa Misis Mo, Misis Ko (1988) ni Carlitos Siguion-Reyna. Napaka-palpable ng chemistry ng dalawang ito.

Nagtambal din sila that year sa Isusumbong Kita Sa Diyos (1988) ni Emmanuel H. Borlaza.

Mahal ko sina Ricky at Jackie Lou, at nasa kanila ang suporta, paggalang, at pagmamahal ko anuman ang kanilang gawin.

Sana dumami pa ang mga pagkakataong makita at maranasan natin ang kanilang husay at brilyo bilang mga artista at tao!

JERRY OLEA

Kapwa laking-showbiz sina Ricky at Jackie Lou, at marunong makisama sa kapwa kaya hanggang ngayon, aktibo pa rin sila sa industriya.

Of course, hindi rin matatawaran ang kanilang talento at pagiging professional.

On a personal note, thankful ako sa pagiging compassionate ni Ricky. Isa siya sa maraming kaibigan na pinagkakautangan ko ng loob sa health struggle na pinagdaraanan ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Baon na baon ako sa utang na loob sa mga kaibigan, mostly from showbiz, na kusang nagbahagi ng tulong.

Ramdam ko ang kanilang malasakit, at dalangin kong makabayad ng utang sa tamang panahon at pagkakataon!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Game na game sina Ricky Davao at Jackie Lou Blanco na magkatrabaho sa GMA-7 mini-series na I Can See You: AlterNate. Cool pa rin ang dalawa kahit matagal nang hiwalay.
PHOTO/S: AlterNate pictorial via @jackielou.blanco Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results