Piolo Pascual, balik-ASAP Natin 'To; PBB housemates, may reunion

by PEP Troika
Jan 8, 2022
piolo pascual asap natin 'to
Magbabalik ang The Ultimate Heartthrob na si Piolo Pascual sa ASAP Natin 'To bukas, January 8.
PHOTO/S: Kapamilya Channel

JERRY OLEA

Balik-ASAP Natin ‘To si Piolo Pascual ngayong Enero 9, 2022, Linggo ng tanghali, sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Co-host at performer si Piolo mula 1998 hanggang 2020 sa ASAP with Johnny Manahan or Mr. M as director.

Nang umalis si Mr. M sa ABS-CBN ay nagpahinga rin si Piolo sa ASAP.

Isa si Piolo sa main hosts ng Sunday Noontime Live (SNL) ng TV5, na idinirek ni Mr. M.

Naka-14 episodes ang SNL, mula Oktubre 18, 2020 hanggang Enero 17, 2021. Ang pumalit sa SNL ay ASAP Natin ‘To.

Nagbalik-Kapamilya kapagkuwan si Piolo. At isang linggo bago mag-isang taon ang anibersaryo ng pagkatigok ng SNL, balik-ASAP ang ultimate heartthrob.

Sa Enero 12, Miyerkules, ang ika-45 kaarawan mismo ni Papa P.

Bukas ay may engrandeng birthday blowout siya sa ASAP Natin ‘To kasama sina Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, Erik Santos, at Regine Velasquez sa "The Greatest Showdown."

Continue reading below ↓

Abangan din sa ASAP ang reunion ng Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 celebrity housemates, tampok ang musical performance ng Final 5 na sina Alyssa Valdez, Anji Salvacion, Madam Inutz, Samantha Bernardo, at Brenda Mage.

Kasama rin nila ang ex-housemates na sina Alexa Ilacad, KD Estrada, Shanaia Gomez, Eian Rances, Karen Bordador, Jordan Andrews, Benedix Ramos, John Adajar, Albie Casiño, at Chie Filomeno.

Pampakilig ang finale treat ng Marry Me, Marry You stars na sina Janine Gutierrez, Paulo Avelino, at Jake Ejercito, kasama sina Adrian Lindayag, Keann Johnson, Analain Salvador, at Iana Bernandez.

GORGY RULA

Mabuti at nakapag-tape na siguro ng production numbers ang ASAP Natin 'To kaya mairaraos nila itong episode bukas.

Nag-positive sa COVID-19 ang isa sa Top 2 ng PBB na si Alyssa Valdez, kaya baka nai-tape na nila ang production number ng kanilang reunion.

Maglalabas muna ng "The Best Of" ang All-Out Sundays na dapat ay live bukas, January 9. May ilang artists at staff ang nag-positive, at ang ilan naman ay hinihintay pa ang resulta ng kanilang RT-PCR test.

Continue reading below ↓

Sabi ng ilang taga-AOS na nakatsikahan ko, wala silang nararamdamang symptoms. Pero dahil sa tagal ng paghihintay sa resulta ng kanilang RT-PCR test, parang nagkakalagnat sila at sumasakit na raw ang ulo nila sa kapraningan.

Iba na talaga ang dala nitong COVID surge at Omicron scare. Pero saan pa ba tayo kakapit, kundi sa matinding pananalig sa Diyos. Todo dasal pa talaga tayo.

NOEL FERRER

Ibayong pag-iingat talaga ang kailangan. Ang mga artists at staff ay mga ordinaryong tao at Pilipino rin na kailangan ng tulong at suporta lalo na sa panahong ito.

Salamat sa pagsusumikap nilang makagawa ng mga bagay na magpapaligaya sa atin sa gitna ng pandemyang dinaranas ng bawat isa.

Kailangan nating mapanatili ang pag-asa, inspirasyon, at pagmamahal para sa isa’t isa. Ingat talaga tayong lahat, habang tuloy lang ang buhay!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magbabalik ang The Ultimate Heartthrob na si Piolo Pascual sa ASAP Natin 'To bukas, January 8.
PHOTO/S: Kapamilya Channel
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results