Spider-Man: No Way Home sold-out ang screenings sa kabila ng paglobo ng COVID cases

by PEP Troika
Jan 8, 2022
spider-man no way home
Sa kabila ng nakababahalang pagtaas muli ng COVID-19 cases, hindi napigilan ang ilang mga Pinoy na magpunta ng sinehan para manood ng Hollywood film na Spider-Man: No Way Home.

JERRY OLEA

“They say, surround yourself with positive people. Right now, I don't feel like it! ”

That's just a joke-joke-joke, but that joke is bitter, especially if some of our friends or loved ones are infected with the coronavirus.

Di mapigil! Di maawat! Tuluy-tuloy ang pagdami ng mga naitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nobyembre 10 nag-reopen ang mga sinehan. Mahigpit na ipinatupad ang safety protocols.

Matamlay ang takilya mula noon hanggang sa duration ng 47th Metro Manila Film Festival (Disyembre 25, 2021 hanggang Enero 7, 2022).

Sa pagpapalabas ng Spider-Man: No Way Home umpisa Enero 8, Sabado, nabalitaan nating sold-out ang maraming screenings nito.

Hindi natin maisisi kay Spider-Man ang pagdami ng mga bagong kaso dahil ngayong Sabado pa lang dumagsa ang moviegoers sa mga sinehan.

Post ng Department of Health sa Facebook page nito: “Ngayong 4 PM, Enero 8, 2022, ang Department of Health ay nakapagtala ng 26,458 na karagdagang kaso ng COVID-19. Samantala ay mayroon namang naitalang 1,656 na gumaling at 265 na pumanaw.

Continue reading below ↓

“Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 3.5% (102,017) ang aktibong kaso, 94.8% (2,782,723) na ang gumaling, at 1.78% (52,135) ang namatay.

“Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong January 6, 2022 habang mayroong 6 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

“Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 6 labs na ito ay humigit kumulang 3.6% sa lahat ng samples na naitest at 5.4% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

“Pinapaalalahanan ang lahat na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at laging magsuot ng facemask, mag physical distancing, at maghugas ng kamay.

“Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE at magpatest. Tandaan ang right test at the right time. Agad rin na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.”

Continue reading below ↓

Post ni Direk Jose Javier Reyes sa Facebook, “It is not the toxicity of the virus that is staggering but its transmissibility and how great numbers are being infected ... not to mention that this is dancing with the flu epidemic that further maims the work force.”

Post ng Star City sa Facebook page nito this Sabado night, “MUKHANG MAY MA-POPOSTPONE NA REOPENING. . .

“Sorry na, na-excite lang talaga kaming mag announce, namiss kasi talaga namin kayo. Kaso dumadami yung mga Covid-19 cases so doble ingat muna.

“Siyempre mahal namin kayong mga guests at employees namin & yung health and safety nyong lahat ang priority ni Star City. “Okay lang ba iusod natin ng konti ang opening date?

“Pramis, pag okay na ang lahat magkikita-kita tayo muli. Sure na!

“Maraming Salamat at Mag-ingat kayong lahat please.”

Naudlot din ang airing ng fourth season ng I Can See Your Voice this weekend sa Kapamilya Channel, A2Z, Kapamilya Online Live on ABS-CBN Entertainment's YouTube channel and Facebook page, Jeepney TV, iWantTFC, at TFC IPTV.

Continue reading below ↓

Sa susunod na Sabado at Linggo (Enero 15 at 16) ng 9:30 p.m. na ang pagbabalik ng mystery game show, kung saan host si Luis Manzano.

Nakakatakot ang mga bali-balitang nakakarating sa atin.

Magdedeklara na ba ng Alert Level 4 sa Enero 11, Martes? Aabot ba sa 40K+ ang mga bagong kaso pagsapit ng akinse? Paano kung 50K+ na ang nadaragdag na kaso sa bawat araw? Malamang na umabot sa Alert Level 5? Aasam pa ba tayo ng face-to-face Valentine concerts sa Pebrero?

At any rate, ngayong Sabado rin ng hapon ay pinost ni Regine Velasquez sa Instagram at Twitter ang BY REQUEST: A Benefit Concert na mag-i-streaming gabi-gabi mula Enero 9, Linggo hanggang Enero 18, Martes ng 8:00-10:00 p.m. sa fyechannel sa Kumu, Facebook page, at YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment, maging sa iWantTFC.

Proyekto ito ng ABS-CBN at ABS-CBN Foundation, kaugnay sa Operation Odette, Tulong-Tulong Sa Pag-ahon at Andito Tayo Para Sa Isa’t Isa.

Continue reading below ↓

Si Regine ang featured performer sa unang gabi, Enero 9, Linggo, with Darla Saurer as host.

by request poster

NOEL FERRER

Sa isang mall, sinasabing hindi tinao ang early morning screening ng Spider-Man. Pero sa ibang theaters sa ibang mall, ang sabi ay simula 12:00 noon, sold-out ang screenings kahit 30% lang ang puwede kada palabas.

Continue reading below ↓

Paano kaya next week, ganito pa rin?

Kailangan nating bunuin ito nang sama-sama at may maayos na disposition.

Nakaka-overwhelm ang paglobo ng mga kaso ng COVID. Pero ang nag-stick sa akin ngayon ay, “We’ll all ride this out and come out stronger!!!”

Kapit lang, mga kababayan!!!

GORGY RULA

Isang linggo pa lang pagkatapos ang bagong taon, ang dami-dami nang tinamaan ng COVID-19. Ang paniwala ng karamihan, Omicron virus na itong kumakalat.

Sabi ng isang infectious disease expert, may community transmission na raw ng Omicron variant. Kaya hindi na nakakagulat na ang dami na ring mga kilalang personalidad ang nahawa nitong COVID-19.

Ang latest tweet ngang nakarating sa amin ay nagmula kay QC Fifth District Representative Alfred Vargas na nagpositibo siya sa COVID-19. Humihingi siya ng dagdag pang dasal para na rin sa kanyang pamilya.

Kasabay nito ay nasagap din naming eksaktong 7:03 ng gabi ngayong Sabado ay under control na ang malaking sunog sa Starmall Alabang na nagsimula pa ng 3:43 ng madaling-araw.

Continue reading below ↓

Pero sa kabila nito, hindi pa rin nagpapaapekto ang karamihan. Gusto pa ring bumili ng ticket para sa Spider-Man. Ang ibang kakilala ko ay pang-next week na raw ang available tickets.

But what if we go up to alert Level 4 or 5? Cinemas will be forced to close, and most of us will have to work from home.

Most people are used to this kind of life. But can we survive without reliable help?

For me, it’s really praying and clinging more tightly to our faith in God. That’s all that makes me strong, for my loved ones.

ALSO READ
, "widget": "Hot Stories"}]

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa kabila ng nakababahalang pagtaas muli ng COVID-19 cases, hindi napigilan ang ilang mga Pinoy na magpunta ng sinehan para manood ng Hollywood film na Spider-Man: No Way Home.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results