Watch Now

First-time dads Juancho Trivino at Rodjun Cruz, iniwan ang kani-kanilang babies para sa lock-in taping ng Little Princess

by PEP Troika
Jan 9, 2022
juancho trivino rodjun cruz little princess
Juancho Trivino and Rodjun Cruz are the leading men of Jo Berry in the upcoming Kapuso afternoon drama series Little Princess.
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Lalong tumitindi ang pangamba ng karamihan dahil sa patuloy pa ring pagtaas ng COVID cases.

Marami nang taping ng iba’t ibang shows ang hindi na muna itinuloy. Hindi pa talaga safe magtrabaho sa labas kahit naka-lock in.

Sa kaso ng GMA-7, marami nang natapos na bagong programa kaya tuluy-tuloy na ang paglulunsad ng mga bagong programa nila simula ngayong linggo.

Enero 10, Lunes ng hapon, ang umpisa ng seryeng Little Princess ni Jo Berry pagkatapos ng Las Hermanas.

Sa GMA Telebabad ay may installment ng I Can See You na AlterNate na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes.

Thankful ang dalawang leading men ng Little Princess na sina Rodjun Cruz at Juancho Trivino dahil natapos na nila ang taping nito bago mag-surge ulit ang COVID cases.

Hindi rin daw kasi ganun kadali ang adjustment sa lock-in taping lalo na’t may baby na sila.

First baby ni Juancho at Joyce Pring si Baby Liam, at first baby rin nina Rodjun at Dianne Medina si Baby Joaquin. Kaya iba siyempre ang feeling ng dalawang first-time tatay na iiwan nila nang mahigit dalawang buwan ang kanilang anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Medyo struggle daw kay Juancho nung isinalang siya sa lock-in taping ng Little Princess dahil three months pa lang daw nun si Baby Liam. Kahit adjusted na rin naman daw si Joyce, medyo nahihirapan pa rin daw ang asawa niya.

Kuwento ni Juancho, “Yung pinagdaanan namin kasi, siyempre nung time na umalis ako, pa-three months pa lang si Liam nun. Kaya dumagdag sa hirap na pinagdaanan namin.

“Siyempre, three months pa lang hindi pa adjusted yung tulog niya. Hindi pa siya [Joyce] adjusted as a person din. Siyempre, may mga post-partum pa.

“That’s why it was really hard for me. It was really hard itong lock-in taping na ito.

“Siyempre, yun ang sobrang hands down na pinagpasalamat ko kay Jo [Berry], kina Ms. Arlene [EP ng show], kasi tinulungan talaga nila ako. Pinakinggan nila ako at tinulungan throughout this journey.

"Kaya yun, very thankful din ako na nangyari ‘tong project na to."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naunang nagka-baby si Rodjun kay Juancho kaya medyo malaki na ang kanilang baby, at kayang-kaya nang alagaan ni Dianne, sa tulong din ng kanilang pamilya.

Saad ni Rodjun, “Mas inspired na ako magtrabaho ngayon kasi binless na ako ni Lord, kay Dianne, ang wife ko. Tapos, ibinigay Niya sa amin si Baby Joaquin.

"So, lahat na ginagawa ko ngayon 100 percent, dahil siyempre pag lumaki si Baby Joaquin gusto ko maging proud siya palagi sa akin, at maipagmamalaki niya ako.

“And siyempre, prioritiy ko talaga para sa family ko, maalagaan ko si Baby Joaquin, mapalaki ko siya na may takot sa Diyos at mabuting bata.”

JERRY OLEA

Sabi ni Juancho, ang laki ng nabago sa kanya ngayong isa na siyang ama kay Baby Liam.

“Dati, gumigising ako para mag-Unang HIrit, o magti-taping lang o magwu-workout lang. Ngayon, marami ng bagay na kailangang isipin muna bago ang sarili ko, katulad ng anak ko, ang asawa ko,” lahad ni Papa Juancho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kaya, it’s not just me anymore, e. Yung focus ko, nasa buong pamilya na namin kung papano aatakehin yung buong taon, ang 2022.

“So, it’s a challenge and exciting din, at yun, parang sinabi ni Rodjun, they’re inspiration to me and mas careful na ako ngayon sa ginagawa ko sa buhay, dahil alam ko na meron na akong baby na si Liam na nakatingin sa bawat galaw ko at ako na yung role model niya.

“So, I have to be careful about that and by God’s grace na lang din, maging okay na okay na tatay ako sa kanya.”

NOEL FERRER

Sana lang, natapos na ang taping nila ng buong series para kahit anumang mangyari, tumaas man o bumaba ang COVID cases, kampante na tayong natapos na nila nang isahang lock-in ang buong series, at wala na ang dagdag na pangamba sa pagbabalik sa taping bubble.

Also as the cases go up, tumitindi pang lalo ang restrictions. So, paano na

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumukonti ang bilang ng mga tao sa set. So, multi-tasking na lahat talaga.

Since marami na naman ang di lumalabas, you think may dent ito sa rating ng maglu-launch ng series ni Jo Berry o you think dedeadma ang mga tao sa TV in general?

(Sana naman, suportahan nila ang mga pinaghirapan ng ating mga kasama sa industriya.) Abangan natin iyan!!!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Juancho Trivino and Rodjun Cruz are the leading men of Jo Berry in the upcoming Kapuso afternoon drama series Little Princess.
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results