Watch Now

Dingdong Dantes at Joyce Ching, suportado ng kani-kanilang asawa habang nasa lock-in taping

by PEP Troika
Jan 10, 2022
dingdong dantes joyce ching alternate
Dingdong Dantes and Joyce Ching play siblings in I Can See You: AlterNate. In real life, Dingdong is Joyce's ninong in her wedding to husband Kevin Alimon.
PHOTO/S: @dongdantes on Instagram

GORGY RULA

Proud si Dingdong Dantes sa bagong programa niya sa GMA-7, I Can See You: AlterNate anthology.

Ngayon lang daw niya na-experience ang matagalang lock-in taping, kaya naka-bonding niya ang kanyang co-stars sa mini-series na ito na magsisimula na ngayong Enero 10, Lunes ng 8:50 p.m., pagkatapos ng I Left My Heart in Sorsogon, sa GMA Telebabad.

Obvious na kasundo ni Dingdong lahat ng kasama niya sa AlterNate, base sa mga ipinu-post niya sa Instagram.

Lahat ng may mahalagang role sa seryeng ito ay binigyan niya ng magandang post—mula kay Beauty Gonzalez, Ricky Davao, Jackie Lou Blanco, Joyce Ching, Yan Yuzon, Bryan Benedict, at Jude Lou.

Sa post ni Dingdong ko nga nalamang ninong pala ni Joyce ang Kapuso Primetime King sa kasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang laki ng pasasalamat ni Joyce dahil gustung-gusto niya ang kanyang role sa AlterNate bilang kapatid ni Dingdong. Kampante pa siyang nakatrabaho ang GMA Primetime King.

Mabuti at nakapag-adjust daw sila nang mabuti ng kanyang asawa na si Kevin Alimon bago siya bumalik sa trabaho at nasalang sa matagalang lock-in taping.

“Masaya ang buhay may asawa na, I think, dahil sa pandemic na na-force to stay at home. Para makapag-adjust naman kami na sobra-sobra na nga ang pag-adjust sa loob ng bahay,” sabi ng Kapuso actress.

Nanibago raw si Joyce sa lock-in taping, pero mabuti at nandiyan ang suporta ng kanyang asawa.

“My husband naman was very supportive. HInahayaan naman niya ako kung ano ang gusto kong gawin.

"And with regards sa lock-in, parang I think, kinakailangan lang din naming mag-mentally prepare sa mga sarili namin. Actually, hindi lang siya kundi pati ang sarili ko.

“Kasi nga, 30 days is parang no joke. Very blessed lang po talaga ako na ang mga kasama ko dito sa show, mga staff, producers namin, mga artista, lahat mababait, lahat ang gaan katrabaho, lahat ay masaya katrabaho.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, yung feeling na naiwan ang husband ko, naiwan ang pamilya ko at home, parang nagkaroon naman ng bagong pamilya sa set. So, ang pakiramdam mo, parang hindi ka naman nahiwalay sa family mo.

“Yung husband ko naman, very supportive even nung nasa lock-in ako, kahit mahirap yung signal namin dun sa location, he makes it a point na tatawag siya, o magti-text siya, magmi-message siya just to encourage me.

"Kasi may mga times dun sa lock-in na parang nababaliw na ako, na parang ang lungkot-lungkot na, gusto mo na umuwi, ganyan.

“So, siya talaga yung number one na nag-encourage sa akin na, 'Okay lang ‘yan, na malapit nang matapos, kaya mo ‘yan.

“Very happy ako na meron akong person na nagsu-support sa akin,” dagdag na pahayag ni Joyce.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Ganun din daw si Dingdong. Ang laki raw ng suporta ni Marian Rivera sa lock-in taping niya rito sa AlterNate.

“Ako, I can say na naging madali din yung lock-in experience dahil sa suporta rin ni Marian,” lahad ni Dingdong.

“Kasi siyempre, kahit na nandun kami, e, nakapagpadala pa rin siya ng pagkain na sini-share namin sa isa’t isa. Kasi siyempre, yun lang ang kaligayahan namin tuwing rest days… she shows her support in those ways.

“Kaya kahit papano, na-survive ko rin yung 30 days na yun kahit miss na miss ko na sila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dual role si Dingdong sa AlterNate bilang kambal na sina Nate at Michael. Katambal dito ni Dingdong si Beauty Gonzalez bilang Sheila, ang asawa ni Nate na walang kamalay-malay na nakasiping niya si Michael.

Pahayag ng AlterNate director na si Dominic Zapata, “This is the first time Dingdong and Beauty met and worked with each other. But since ganoon yung acumen nila sa kanilang craft, kaya nilang magbatuhan ng linya on Zoom, tapos kapag in-person na, they allow it to organically form habang nangyayari yung eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“It gets even better as the day progresses. Iyon yung masarap panoorin. In fact, by the end of the lock-in, kahit ang hirap ng taping, nabitin ako. Kasi na-enjoy ko talaga.

“Hindi siya dumali in terms of the amount of work, but it's just so enjoyable you forget na napapagod ka. If there's a lot of joy and love, it shows in the work. Definitely, this is one of those projects where it's evident."

NOEL FERRER

Una nang challenge ay ang mag-lock-in shoot ngayong pandemic.

Ikalawang hamon ay ang magdalawang roles — physically at emotionally taxing iyan.

Ikatlo, bubunuin mo pa ang suporta ng audience sa programa gayong pataas nang pataas ang mga kaso ng COVID-19 positives.

Ngayong Enero 10, Lunes, ay nasa line of 3 na ang nadagdag na bagong kaso ng coronavirus sa bansa — the highest one-day tally ever, at mukhang tataas pa sa mga susunod na araw.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukas, January 11, ay lalagpas na sa 3M ang kabuuang bilang ng naitalang kaso.

Ang daming considerations! Kaya isang malaking achievement kapag nag-click ang AlterNate ni Dingdong Dantes.

Aabangan natin if it measures up to its promise tonight!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dingdong Dantes and Joyce Ching play siblings in I Can See You: AlterNate. In real life, Dingdong is Joyce's ninong in her wedding to husband Kevin Alimon.
PHOTO/S: @dongdantes on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results