Watch Now

Regine Velasquez, buena mano sa benefit concert series; nakalikom ng P1M para sa Odette victims

by PEP Troika
Jan 10, 2022
Regine Velazquez, KD Estrada, Alexa Ilacad, Kyle Echarri, Darren Espanto
Regine Velazquez (left), kinanta ang "Goodbye" song na dati niyang pinerform kasama ang ex-boyfriend na si Ariel Rivera. KD Estrada at Alexa Ilacad (right), kasali rin sa benefit concert. Darren Espanto (upper center inset) mapapanood sa third night ng concert series. Ngayong gabi naman nakasalang si Kyle Echarri (lower center inset).
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA

Buena mano si Regine Velasquez-Alcasid sa concert series na By Request: A Benefit Concert nitong Enero 9, Linggo, 8:00-10:00 p.m., sa FYE Channel sa Kumu, ABS-CBN Entertainment Facebook page at YouTube channel, at iWantTFC.

Umabot sa PHP1M ang natanggap na donasyon bandang 10:15 p.m. habang hinihintay pa ang mga donasyon mula sa ibang donation platforms. Ang malilikom na pondo ay para sa mga pamilyang Pilipino na apektado ng bagyong Odette, na patuloy na nangangailangan ng tulong habang humaharap sa banta ng COVID-19.

"Makakarating po sa lahat ng mga kababayan nating nangangailangan po talaga nang sobra sa ngayon," tukoy ng Asia’s Songbird sa mga nagbigay ng donasyon.

"Lalo na ngayon na ang dami-dami po talagang nahihirapan at nangangailangan ng tulong natin. Sinasabi nga nila, di ba, let’s pay it forward.

"Generosity should not only happen during the holidays. Ang pagbabahagi natin ng blessing sana po all year round."

Regine Velazquez, By Request

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hanggang Enero 18, Martes, ang By Request: A Benefit Concert.

Sasalang sa ikalawang gabi nito ngayong Enero 10, Lunes, 8:00-10:00 p.m. si Kyle Echarri.

Kyle Echarri, By Request

Tampok sa ikatlong gabi, Enero 11, Miyerkules, si Ogie Alcasid. Kumpirmado na rin sina KD Estrada, Alexa Ilacad, Jed Madela, Yeng Constantino, Darren Espanto, at Erik Santos.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

Napanood ko ang episode kagabi at ang saya lang, kasi ang game ni Ate Regine Velasquez-Alcasid sa pagga-grant ng requests!!!

At ang highlight sa akin ng episode kagabi ay ang request ng Songbird mismo, yung kinanta niyang composition nina Louie Ocampo at Martin Nievera na "GOODBYE."

Bakit memorable sa akin ang kanyang iyon? Ako yung in-charge ng continuing segment nila ni Ariel Rivera noong panahon na yun.

Naiyak ako nang doon sa Martin After Dark ni-launch ang kantang yun na hindi single ng album na MY LOVE EMOTION, pero sobrang ganda at tagos sa puso.

Ang saya ko lang last night nang kantahin ito ni Regine, kasi pareho ko silang gusto ni Ariel Rivera.

Oh well, things happen for the better at biniyayaan sila ng Diyos ng mas maganda pang mga partners, at masayang-masaya sila ngayon.

Sana, magpatuloy pa ang ganitong telethon-fundraising type na mga palabas na intimate at talagang nagga-grant ng requests ang mga artist.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nakakaengganyo ring mag-donate, kasi friendly rin ang presence ni Darla Sauler sa episode. Mabuhay ang mga nasa likod ng proyektong ito—at mas mabuhay pa ang mga kababayan nating kahit nahihirapan na sa kanilang buhay ay bukas palad pa ring nagbibigay!!!

This is Filipino bayanihan spirit and artistry at its best!!!

GORGY RULA

Ang lawak na rin kasi ng reach ng KUMU kaya maganda ang kinalabasan nitong benefit concert.

Curious lang ako kung ganun pa rin kaya ang pagtanggap ng mga tao sa mga susunod na virtual concert.

Dumating na si Alden Richards noong Linggo, January 9, mula sa ilang linggong bakasyon sa Amerika. Magpu-focus na siya sa promo ng documentary concert niyang ForwARd: Meet Richard Faulkerson, Jr.

Nakatakda ang streaming nito sa January 30, Linggo 8:00 p.m. May special participation ito ng Manila String Machine at ng UST Singers.

Nagkakahalaga ang tickets ng PHP1,999 sa VIP at PHP999 sa General Admission. Ang malilikom sa naturang concert ay para sa mga scholars ng AR Foundation, Inc. ni Alden.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Regine Velazquez (left), kinanta ang "Goodbye" song na dati niyang pinerform kasama ang ex-boyfriend na si Ariel Rivera. KD Estrada at Alexa Ilacad (right), kasali rin sa benefit concert. Darren Espanto (upper center inset) mapapanood sa third night ng concert series. Ngayong gabi naman nakasalang si Kyle Echarri (lower center inset).
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results