Eat Bulaga, "may forever" sa GMA-7; Alden Richards, balik Eat Bulaga na?

by PEP Troika
Jan 11, 2022
Eat Bulaga, GMA-7
Full force ang Dabarkads at GMA-7 bosses sa contract renewal ng Eat Bulaga sa Kapuso Network. Pati si Alden Richards (rightmost, bottom row), na fresh from his U.S. vacation, ay sumali rin sa Zoom meeting ngayong Martes, January 11.

NOEL FERRER

Ang saya lang makitang kasama si Alden Richards sa contract signing, via Zoom, para sa renewal ng Eat Bulaga! sa Kapuso network ngayong Enero 11, 2022, Martes ng umaga.

Kasama ang GMA bosses—Sir Felipe Gozon, Philip Yalong, Annette Gozon-Valdes, Joey Abacan, at Concie Agnes.

Ang sayang makita ang TVJ (Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon) kasama sina Allan K, Wally Bayola, at Jose Manalo.

Present din sina Ryan Agoncillo, Pauleen Luna, maging sina Ryzza Mae Dizon at Jimmy Santos sa isang Zoom photo with Eat Bulaga! bosses Tatay Tony Tuviera at Jenny Ferre.

Sa Instagram post ni Atty. Annette, ginamit niya ang hashtags na "#mayforever #eatbulaga #gma7."

Eat Bulaga, GMA-7

Continue reading below ↓

Dagdag ni Joey: "isang libo't isang tuwa! dabarkadahan pa din sa GMA!"

Eat Bulaga, GMA-7

Expect nating sa kabila ng pandemya, patuloy pa ring magbibigay aliw ang longest-running daily show ng bansa—na patuloy ring tumutulong sa ating mga kababayang nangangailangan.

Iyan ang sikreto ng Eat Bulaga—they have rolled through the times and they have remained strong and loving to each other habang tumatagal.

Continue reading below ↓

Congratulations, Dabarkads! At sa Kapuso network, take care of them really well as you have done in the past years!

GORGY RULA

Babalik na ba si Alden Richards sa Eat Bulaga?

Naka-quarantine pa ngayon si Alden sa isang hotel dahil kararating lang niya mula sa Amerika noong Linggo, January 9.

Sabi naman ng taga-Sparkle (dating GMA Artist Center), tight pa ang schedule ni Alden. Alam ko pinaghahandaan na ni Alden ang documentary concert niyang ForwARd na naka-schedule ang streaming sa January 30, Linggo, 8 p.m.

Ewan ko kung sisimulan na nila ang shooting ng pelikulang pagsasamahan nila ni Bea Alonzo. Sabi ng ilang Dabarkads niya sa Eat Bulaga, depende pa rin sa GMA Programming kung kailan puwedeng bumalik si Alden sa kanila.

Pero kahit paano ay nakapagkuha pa si Alden ng spiel na ginamit nila sa playback ng longest-running noontime show. Kinunan daw ang intro spiel ni Alden nung nasa Amerika pa siya.

Continue reading below ↓

Pawang replay pa kasi ngayon ang napapanood sa Eat Bulaga, dahil sa sitwasyon natin ngayon gawa ng pag-surge ng COVID cases.

JERRY OLEA

Para sa numerologists, masuwerte ang petsang Enero 11 (1/11). Sa contract renewal ng Eat Bulaga! today with GMA 7, pahiwatig ito na mananatiling #1 ang Eat Bulaga! at Kapuso Network ngayong 2022.

Matagal nang nami-miss si Alden ng Dabarkads mula Batanes hanggang Tawi-tawi maging sa sa iba’t ibang panig ng daigdig. Naging abala kasi si Alden sa taping ng teleseryeng The World Between Us at iba pang commitments.

Sa unang Christmas anthem ng Eat Bulaga, kung napakurap ka ay baka hindi mo mapansin na kabahagi roon si Alden.

Ni-repost ng Eat Bulaga! kagabi sa Facebook page nito ang video clip ni Alden sa "Bawal Judgmental" segment kung saan binalikan ng Asia’s Multimedia Star ang early journey niya sa showbiz.

Sa tingin ninyo, meron ba iyong ipinapahiwatig?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Full force ang Dabarkads at GMA-7 bosses sa contract renewal ng Eat Bulaga sa Kapuso Network. Pati si Alden Richards (rightmost, bottom row), na fresh from his U.S. vacation, ay sumali rin sa Zoom meeting ngayong Martes, January 11.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results