John Lloyd Cruz, makakatambal si Marian Rivera sa isang GMA-7 series?

by PEP Troika
Jan 11, 2022
John Lloyd Cruz Marian Rivera
John Lloyd Cruz at Faith da Silva (right photos), may chemistry sa Happy ToGetHer? John Lloyd, ayaw pang kumpirmahin kung sino ang makakatambal niya sa susunod na GMA-7 series.
PHOTO/S: Instagram / Happy ToGetHer

GORGY RULA

Lubos ang kagalakan ng cast at production staff ng Kapuso sitcom na Happy ToGetHer ni John Lloyd Cruz.

Pataas nang pataas ang rating nito. Naka-13.9% ito nung nakaraang Linggo, January 9, 2022.

Si Faith da Silva pa rin ang special guest nila noong Linggo, at alam kong kasama pa rin siya sa January 16 episode.

Kuwela naman kasi si Faith at mukhang bagay kay Lloydie ang isa sa mga bida ng Las Hermanas.

Noong Lunes, January 10, naka-text ni Kuya Joe Barrameda si John Lloyd at hiningan niya ng pahayag ang aktor sa magandang resulta ng Happy ToGetHer.

Text ni Lloydie: "Inspiring. Para siyang bonus sa patuloy na pagsisikap ng grupo. Isang paalala ring lalo pang pag-igihan ang trabaho."

Pinag-uusapan na ring baka si Marian Rivera ang makasama ni John Lloyd sa gagawin niyang drama series sa GMA-7.

Sagot ni John Lloyd kay Kuya Joebarr, "As of the moment, hinahanapan na ng sked ang pitching/meeting with the creatives. May isang concept in particular na kong nais pag-usapan."

Continue reading below ↓

Wala pang katiyakan kung ready na bang magtrabaho ang Kapuso Primetime Queen dahil sa sitwasyon natin ngayon.

NOEL FERRER

Natutuwa ako at mainit ang pagtanggap kay Lloydie sa kanyang pagbabalik-TV.

Sana, magtuluy-tuloy ito kahit sa gitna ng pandemya na napakahirap mag-taping dahil sa protocols and restrictions, kaya ang daming produksiyon ngayon ang nagre-replay at “best of” episodes.

Sikat din si Lloydie ngayon dahil sa parody sa isang paracetamol brand. Ang galing lang na kahit tapos na ang engagement niya rito sa brand ay nakatatak pa rin siya bilang representative nito.

At habang alam kong may nakabangko siyang pelikula, tulad ng Servando Magdamag ni Ricky Lee sa direksiyon ni Lav Diaz, excited akong makita si Lloydie sa drama sa TV.

Sana nga, matuloy ang planong makagawa sila ng teleserye o mini-series ni Marian, o kung hindi man, ang pagbabalik-tambalan nila sa TV ng classmate Bea Alonzo ko.

All the best kay JLC!

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Mahigit 6M views na yung One True Pair The Movie nina Bea at John Lloyd na in-upload noong Nobyembre 30, 2021 sa YouTube channel ng Jollibee Studios.

Si Alden Richards muna ang makakatambal ni Bea sa pelikula at teleserye, kaya matatagalan pa ang pagta-tandem muli nina Bea at John Lloyd.

Tungkol sa possible na John Lloyd-Marian project, napag-usapan muna ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian na sa bahay muna ang aktres.

Si Dingdong muna ang magtatrabaho, at katatapos lang niya ng AlterNate.

Pahayag ng Kapuso Primetime King kaugnay sa usapan nila ng kanyang maybahay, "Sa ngayon, ganun muna. Pero wait and see muna tayo.

"Kasi sa totoo lang, kagaya ng mga alert levels, wait and see din muna tayo, tapos biglang malalaman natin, Alert Level 3 na ngayon.

"So, we just really have to adapt kung ano yung magiging sitwasyon ngayon.

"Kasi, kahit anong pagplanong gawin mo, meron at merong pagbabagong darating, e."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
John Lloyd Cruz at Faith da Silva (right photos), may chemistry sa Happy ToGetHer? John Lloyd, ayaw pang kumpirmahin kung sino ang makakatambal niya sa susunod na GMA-7 series.
PHOTO/S: Instagram / Happy ToGetHer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results