Sheryl Cruz, apektado ba sa pag-uugnay sa kanila ni Jeric Gonzales?

by PEP Troika
Jan 11, 2022
Sheryl Cruz Jeric Gonzales
"Actually, matagal na akong maingat kahit tanungin mo sa mga kasamahan ko. I don’t think na kailangan kong mag-ingat or… kasi hindi naman talaga ako mahilig sa eskandalo. Ang focus ko naman talaga is trabaho po," saad ni Sheryl Cruz.
PHOTO/S: @officialsherylcruz / @jericgonzales07 Instagram

GORGY RULA

Bagong-dagdag si Sheryl Cruz sa book two ng Prima Donnas, na babalik na sa afternoon prime ng GMA-7 simula sa Lunes, Enero 17, 2022.

Sa ginanap na virtual mediacon ng afternoon drama, tinanong ng PEP Troika si Sheryl kung nag-iingat na ba siya ngayon sa lock-in taping para hindi siya maintriga uli.

Hindi lang siya puwedeng tanungin tungkol sa isyu nila ni Jeric Gonzales, pero na-gets siguro ni Sheryl ang ibig kong sabihing ang tagal ding pinag-usapan ang sa kanila ni Jeric nang magkasama sila sa huling soap na ginawa niyang Magkaagaw.

Sabi ni Sheryl, "Actually, matagal na akong maingat kahit tanungin mo sa mga kasamahan ko.

"I don’t think na kailangan kong mag-ingat or… kasi hindi naman talaga ako mahilig sa eskandalo.

"Ang focus ko naman talaga is trabaho po. At since, iba na ngayon, di ba? New normal na tayo ngayon, ang concentration dapat nung isang nagtatrabaho ay dun sa kanyang… ang focus niya ay sa kanyang job at hand.

Continue reading below ↓

"And I cannot be selfish because everyone is actually pulling their weight. And pag nakikita mo yun na they’re actually trying to help the best way they can para lang matapos ang isang taping day, you have also to put your best foot forward."

Siniguro rin ni Sheryl na siya ang tipong hindi gagawa ng bagay na ikasisira ng magandang pangalan ng kanyang pamilya.

"And I always tell myself again, like my teammates or my teamwork go out of hand, hindi ko siya puwedeng pabayaan na lang.

"Most especially na pag galing ka sa isang pamilya na alam mong kilala naman sa industriya, you don’t want to give them a bad… kumbaga, a bad mark because just of what you’ve done.

"I’m already at that age na I know better now, di ba?

"So, kung ano man yung sinasabi o ginagawang tsika diyan, pass na ako dun because I know myself better than anyone else."

Continue reading below ↓

Sinundan ko pa rin ng tanong si Sheryl kung in love ba siya ngayon.

Masaya ba ang puso niya?

"Sobrang happy! Walang pinaka-happy kundi ako," nakangiti niyang sagot.

JERRY OLEA

Sa DZRH guesting ni Jeric Gonzales noong Nobyembre 7, Linggo, ay sinabi ng Kapuso hunk actor na willing siyang makatrabaho muli si Sheryl.

Pahayag ni Jeric, "Yung mapasama ang lang ako sa kanya sa isang project, malaking honor po talaga. I’m willing to work again with Ms. Sheryl Cruz.

"Ang dami ko pong natutunan sa kanya and sinupport niya ako all the way, at nagawa kong maganda yung role."

Sayang at hindi nakasama si Sheryl sa cast ng launching movie ni Jeric na Broken Blooms! Kasabayan ni Sheryl sina Manilyn Reynes, Lotlot de Leon, at Tina Paner sa That’s Entertainment noong 1980s.

Sa kanilang apat, pinakamaalindog si Sheryl up to now. Pinakamaasim. Pinakamahaba ang hair.

Hindi ko ma-imagine na mali-link pa sina Manilyn, Lotlot, at Tina sa mga kasabayan ni Jeric like Ruru Madrid, Mikoy Morales, or Derrick Monasterio.

Continue reading below ↓

At any rate, thankful si Sheryl sa buong team ng Prima Donnas dahil mainit daw ang pag-welcome sa kanya.

"Sobrang nadama ko naman nang husto na welcome ako to be part of their family.

"Because of that, I was able to do my job well. Kasi nga, it’s hard to switch, e, from character to character.

"And with the guidance of our directors, Direk Gina who we call Inay and of course si Direk Philip Lazaro and my cast mates, it just made easier for me to execute my job, and I’m very sure na maraming mag-aabang.

"Actually, ayoko lang ma-preempt, pero abangan ninyo, kasi kaabang-abang, malapit na ‘to.

"Bagong salta nga ako, but thank you so much. First of all sa mga executives namin na mapang-unawa sila. Maraming-maraming salamat sa lahat ng pagtitiwala.”

NOEL FERRER

Sabi ko na nga ba, Sheryl Cruz IS Sheryl Cruz. Hindi nagbabago, noon pa magpahanggang ngayon.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Actually, matagal na akong maingat kahit tanungin mo sa mga kasamahan ko. I don’t think na kailangan kong mag-ingat or… kasi hindi naman talaga ako mahilig sa eskandalo. Ang focus ko naman talaga is trabaho po," saad ni Sheryl Cruz.
PHOTO/S: @officialsherylcruz / @jericgonzales07 Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results