The World Between Us, nakuha ang pinakamataas na ratings sa finale; Ang Probinsyano, tinututukan pa rin

by PEP Troika
Jan 11, 2022
Alden Richards, Jasmine Curtis-Smith, Julia Montes, Sharon Cuneta
Sa finale ng The World Between Us, natupad ang dasal ni Louie na magising si Lia (Jasmine Curtis-Smith) matapos ang dinanas na coma. Sa January 7 episode ng FPJ's Ang Probinsyano, hindi pa rin matahimik si Aurora (Sharon Cuneta) tungkol sa katauhan ni Mara (Julia Montes) at kung bakit nais niya itong tulungan.
PHOTO/S: The World Between Us / Ang Probinsyano

GORGY RULA

Masaya ang grupo ng mga taga-The World Between Us (TWBU) dahil "epic" ang feedback sa ending ng drama series na ito ni Alden Richards.

Epic din ang rating nitong 14.2% ito noong Biyernes, January 7, 2022. Ito ang pinakamataas na rating sa mga primetime series noong araw na iyon, ayon sa AGB Nielsen NUTAM ratings.

Ang sinusundan nitong I Left My Heart In Sorsogon ay naka-13.5%, at 9.0% naman ang combined ratings ng FPJ’s Ang Probinsyano, at 4% ang Marry Me, Marry You.

Ang katapat ng TWBU na Viral Scandal ay 2.8%.

Noong Biyernes din ay medyo tumaas ang Mano Po Legacy, na naka-8.3%, at 2.4% naman ang katapt nitong La Vida Lena. Maganda rin ang rating ng Bubble Gang na naka-4.8% noong Friday night.

Narito naman ang ratings ng primetime shows noong nakaraang Sabado, January 8:

Naka-8.7% ang 24 Oras Weekend, at 1.4% ang TV Patrol.

Ang Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento ay naka-10.9%, at 13.8% ang Magpakailanman. Naka-1.6% ang PBB Kumunity.

Continue reading below ↓

Noong Linggo, January 9, 3.4% ang replay episode ng All-Out Sundays, at 2.3% ang ASAP Natin ‘To kung saan nagbalik na si Piolo Pascual.

Sumunod ang GMA Blockbusters na 3.6%, at 1.7% ang FPJ Da King. Ang Dear Uge ay 3.4%, at 3.4% din ang Regal Studio Presents na sinundan ng Amazing Earth na 5.6%.

Pagdating sa gabi, bukod sa Happy ToGetHer, naka-13.7% ang 24 Oras Weekend. Ang Daig Kayo ng Lola Ko ay 12.4%.

Ang Kapuso Mo Jessica Soho ay 16.4%, na sinundan ng The Boobay and Tekla Show na naka-4.8%.

JERRY OLEA

Hindi man lang tumuntong sa line of 2 ang ratings ng The World Between Us, unlike sa ratings ng First Yaya nina Sanya Lopez at Gabby Concepcion.

Maging ang I Left My Heart In Sorsogon ay hindi iyon na-achieve. Kaya looking forward tayo sa First Lady, ang pagpapatuloy ng kuwento nina Melody at President Glenn Acosta. Hopefully ay umere na ito bago ang eleksyon sa Mayo.

Continue reading below ↓

Sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga bagong COVID-19 cases sa bansa, may epekto kaya ito sa Chinoy seryeng Mano Po Legacy: The Family Fortune?

Nasa 6.9% ang rating ng pilot episode ng Mano Po Legacy noong Enero 3, Lunes. Ang mga sumunod na rating nito ay 7.7% (Enero 4, Martes), 7.7% (Enero 5, Miyerkules), 7.5% (Enero 6, Huwebes), at 8.3% (Enero 7, Biyernes).

Iyong reopening ng Star City ay postponed indefinitely dahil patuloy na dumarami ang mga nadadagdag na kaso ng COVID-19 sa bansa.

Kumbaga, wrong timing na magbukas ang nasabing theme park sa Enero 14. Kaya sana ay hindi na muna nag-pilot ang Chinoy serye ni Barbie Forteza.

Mas OK siguro kung ang target pilot nito ay sa Enero 31 na bisperas ng Chinese New Year. That way… puwede iyong ipagpaliban, at hintayin na bumaba muna ang bilang ng mga bagong kaso ng coronavirus sa lupang hinirang.

Continue reading below ↓

Umpisa Disyembre 28, araw ng Niños Inocentes, parami na nang parami ang COVID-19 cases, at mainit na pinag-uusapan ang Poblacion Girl na si Gwyneth Chua, di ba?

Iyon ngang fourth season ng I Can See Your Voice ay kara-karakang ipinagpaliban nang isang linggo ang pag-uumpisa!

NOEL FERRER

Congratulations sa mga programang matataas ang ratings, at salamat sa mga palabas na patuloy na nang-aaliw sa ating mga kababayan ngayong pandemya.

But as I always say, after mawala ang franchise ng ABS-CBN, hindi na level ang playing field.

So, expected na mas mataas ang ratings ng Kapuso programs dahil dinu-dominate nito sa kasalukuyan ang free TV, samantalang ang Kapamilya programs ay nakikiamot na lang ng airtime sa iba't ibang VHF stations.

Kaya habang OK pa ring sukatan ang ratings if you are hitting your target audience, maganda ring i-monitor ang data online, at ang qualitative feedback ng mga taong patuloy na nanonood ng TV at yung mga nagdesisyong tumigil na sa panonood ng free TV at mag-stream na lang.

Continue reading below ↓

Still and all, patuloy pa rin tayong magtulungan sa lumalalang sitwasyon natin.

At sana, ang mga pinanonood natin ay magbigay sa atin ng tuluy-tuloy na pag-asa, linaw ng isip at tapang para harapin ang araw-araw.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sa finale ng The World Between Us, natupad ang dasal ni Louie na magising si Lia (Jasmine Curtis-Smith) matapos ang dinanas na coma. Sa January 7 episode ng FPJ's Ang Probinsyano, hindi pa rin matahimik si Aurora (Sharon Cuneta) tungkol sa katauhan ni Mara (Julia Montes) at kung bakit nais niya itong tulungan.
PHOTO/S: The World Between Us / Ang Probinsyano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results