Mary Rivera, sapat nang dahilan para panoorin ng mga Pinoy ang Spider-Man: No Way Home

by PEP Troika
Jan 12, 2022
spider-man no way home
Patuloy pa ring pinipilahan sa mga sinehan ang Spider-Man: No Way Home sa kabila ng patuloy ring pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.

JERRY OLEA

Hindi ako nagtaka kung bakit pinakamalakas na pelikula ng nagdaang taon ang Spider-Man: No Way Home.

(SPOILER ALERT!!! Huwag basahin ang istoryang ito kung hindi mo pa napapanood ang nasabing movie!!!)

Bonggang-bongga ang pagsasanib-puwersa ng tatlong Spider-Man o Peter Parker sa magkakaibang universe. Kumurot sa aking puso ang group hug nina Andrew Garfield, Tom Holland, at Tobey Maguire.

Astig din ang pagsama-sama nina Green Goblin (Willem Dafoe), Electro (Jamie Foxx), Doctor Octopus (Alfred Molina), Lizard (Rhys Ifans), at Sandman (Thomas Haden Church).

Ayon sa Box Office Mojo, umabot na sa $1.54B ang worldwide gross nito, and counting.

Nasa ikawalong puwesto na ito sa talaan ng worldwide lifetime gross kung saan ang top 5 — Avatar, Avengers: Endgame, Titanic, Star Wars: Episode VII The Force Awakens, at Avengers: Infinity War — ay pawang lampas sa $2B ang hinamig.

Malaki ang chance na kakabugin ng Spider-Man: No Way Home ang worldwide lifetime gross ng Jurassic World ($1.67B) at The Lion King ($1.66B).

Continue reading below ↓

Isa pang must-watch na dahilan para panoorin ng mga Pinoy ang latest Spidey movie ay si Mary Rivera.

DA HU si MARY RIVERA?

Siya ang gumanap na lola ni Ned (Jacob Batalon), ang best friend ni Peter. Iyong performance pa lang ni Mary Rivera ay sapat nang dahilan para panoorin ng mga Pilipino ang Spider-Man: No Way Home.

Salamangka!!!

GORGY RULA

Talaga namang magugustuhan ng mga Pinoy itong Spider-Man, at nakaka-proud na ang lahi natin ang piniling lola ng kaibigan ni Spider-Man.

Nakakatuwang pakinggan ang pagtawag ni Peter Parker ng "Lola" sa lola ni Ned.

Kung matutuloy na iakyat sa Level 4 ang alert level dahil nasa critical risk na tayo, mapipilitang magsara ang mga sinehan.

Sa ngayon ay nakakabilib na ang dami pa rin talagang mga taong nagdasaan sa mga sinehan para mapanood ang bagong Spider-Man movie.

Marami pa rin ang hindi takot sa pagtaas ng mga bagong kaso ng COVID 19. Ramdam kasi nilang mas safe sa loob ng sinehan kesa kumain sa restaurant.

Continue reading below ↓

Showing na today, January 12, Wednesday, sa mga sinehan ang pelikula ni Keanu Reeves na Matrix Resurrections.

Next week, Enero 19, Miyerkules, naman ang playdate ng The Kingsman ni Ralph Fiennes, at House of Gucci nina Lady Gaga at Adam Driver.

Ayon sa Facebook page ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines, ngayong Enero rin magsu-showing sa local cinemas ang maaksyong The 355.

NOEL FERRER

I have yet to watch it… pero ang dami ngang good reviews dito.

Ipinapakita ng Spider-Man na through art or other efforts like this, nagiging reachable at accessible ang mga tao kahit hiwa-hiwalay tayo, lalo na ngayong pandemya. At least, kahit sa 30% capacity ng mga sinehan ay naso-sold out ito.

Sana, ganito rin ang magiging pagtangkilik natin lalo na sa gawang atin.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Patuloy pa ring pinipilahan sa mga sinehan ang Spider-Man: No Way Home sa kabila ng patuloy ring pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results