Wendell Ramos, ayaw na raw makatrabaho ni Direk Erik Matti; Kapuso actor, nagpaliwanag

by PEP Troika
Jan 12, 2022
wendell ramos prima donnas
Wendell Ramos on issue with On The Job: The Missing 8 director Erik Matti: “Siguro po, dun sa side po nina Direk Erik Matti na baka hindi lang po sila na-heads up, which is siguro nagkataon lang na… wala naman po sigurong intentions na ano… it’s just that hindi lang po siguro nagkaroon ng communication sa production. Yun lang po yun.”
PHOTO/S: @wendellramosofficial on Instagram

GORGY RULA

Napilitang sagutin ni Wendell Ramos ang isyu nila ni Direk Erik Matti nang nakapanayam namin ang aktor sa nakaraang virtual mediacon ng Prima Donnas.

Kamakailan kasi ay na-interview si Direk Erik sa YouTube channel ni Ogie Diaz, kung saan sinabi ng direktor na mayroong isang aktor na ayaw na niyang makatrabaho uli dahil sa ginawa nitong pag-alis sa shooting ng On The Job: The Missing 8.

Hindi binanggit ni Direk Erik kung sino ang aktor, pero obvious na si Wendell ang tinutukoy niya na basta na lang nawala sa naturang pelikula na ginawang mini-series ng HBO Go.

Ayon kay Direk Erik, basta na lang umalis ang naturang aktor sa isang big scene na kinukunan dahil kailangan na raw nitong pumunta sa lock-in taping ng soap na ginagawa niya.

Nilinaw ko kay Wendell kung ang Prima Donnas ba ang tinutukoy na soap ni Direk Erik kaya hindi na tinapos ng aktor ang shooting ng OTJ.

Continue reading below ↓

Ayon sa Kapuso actor, ipinaalam ng handler niya sa production ng OTJ na kailangan na talaga siya sa Prima Donnas.

Lahad ni Wendell, “Alam naman po ng production, e. May mga scenes po na nangyari pong ganun na I have to go back sa Prima Donnas, and nag-ayos naman po ng schedule ko nun is under PPL.

“Hindi naman po ako gumagawa ng move without the permission of my agency, ang PPL. I think they’re all good naman.

“Ang maganda naman kasi dun, kasama ko po yung from the office, which is my handler, at that time na nandun kami nung madaling-araw.”

Ang PPL Entertainment Inc. ang talent mangement company na nangangalaga sa career ni Wendell.

Ayaw na raw sana itong palakihin pa ni Wendell dahil baka hindi lang naliwanagan si Direk Erik ng usapan ng kanyang handler at ng production ng OTJ.

“Siguro po, nagkaroon lang ng konting… but you know, ayoko nang bigyan ng big fuss out of it, dahil ako lang ang may ano dun.

Continue reading below ↓

"And in the first place, hindi naman ako gagawa ng galaw, especially on my part, nang wala pong ano ng agency namin, and kung wala rin pong reasons.

“Siguro po, dun sa side po nina Direk Erik Matti na baka hindi lang po sila na-heads up, which is siguro nagkataon lang na… wala naman po sigurong intentions na ano… it’s just that hindi lang po siguro nagkaroon ng communication sa production. Yun lang po yun,” saad ni Wendell.

Samantala, magsisimula na ang Book Two ng Prima Donnas sa January 17, sa afternoon prime ng GMA-7.

JERRY OLEA

Nagwagi nang best actor sa 78h Venice International Film Festival si John Arcilla for On The Job: The Missing 8, kaya iwaksi na natin ang negatrons — lalo pa’t patuloy na rumaratsada ang mga bagong kaso ng COVID-19.

Naiintindihan natin na priority ng mga Kapuso ang kanilang network.

NOEL FERRER

Sana magkaayos na ang kampo ng kaibigan nating Wendell Ramos at si Direk Erik Matti, at para na rin hindi na humantong ito sa maaanghang na statements sa media.

Continue reading below ↓

Ngayong bihira nang gumawa ng malalaki at magagandang pelikula, sana ay wala nang puwang ang misunderstanding lalo pa’t nasa level tayo ng suportahan at damayan ngayon.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Wendell Ramos on issue with On The Job: The Missing 8 director Erik Matti: “Siguro po, dun sa side po nina Direk Erik Matti na baka hindi lang po sila na-heads up, which is siguro nagkataon lang na… wala naman po sigurong intentions na ano… it’s just that hindi lang po siguro nagkaroon ng communication sa production. Yun lang po yun.”
PHOTO/S: @wendellramosofficial on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results