Quizon brothers, aminadong di kayang pantayan ang komedya ng yumaong amang si Dolphy

by PEP Troika
Jan 12, 2022
quizon brothers
“Nakakataba ng puso na alam mo na yung iba nga, halos bata pa sila nung buhay pa ang tatay ko, pero tinatawanan pa nila. So, nakakataba ng puso na hanggang ngayon ay buhay pa ang tatay ko in terms of comedy. Buhay sa Pilipino yung in terms of making people laugh,” says Epi Quizon about late dad, Dolphy. Brothers Epi, Eric, and Vandolph star in Net 25's Quizon Comedy Theater.
PHOTO/S: NET 25

GORGY RULA

Masayang ibinalita ni Mr. Caesar Vallejos ng Net 25 na mataas ang viewership ng bagong comedy show nilang Quizon CT (Comedy Theater) na nag-pilot noong Linggo, January 9, 2022.

Isa raw ito sa may pinakamalakas sa mga bagong programang inilunsad ng Net 25.

Tampok sa programang ito ang magkakapatid na Eric, Epi, at Vandolph Quizon kasama ang asawa ni Vandolph na si Jenny.

Kabilang din sa cast ang iba pang komedyanteng sina Bearwin Meily, Gene Padilla, at Garry Lim; at sina Martin Escudero at Miss Universe Philippines 2020 4th runner-up Billie Hakenson.

Sina Eric at Epi ang nagdidirek ng Quizon CT.

quizon comedy theater cast

Continue reading below ↓

Ayon kay Direk Eric, matagal na nilang nai-pitch ito sa iba’t ibang TV networks. Kaagad na nagpahayag ng interes ang Net 25 dahil maganda ang konsepto ng naturang programa.

Tribute din daw nila ito sa Hari ng Komedya, ang kanilang yumaong amang si Dolphy.

Sa aming pakikipagtsikahan sa kanilang virtual mediacon nung Martes, January 11, hiningan ko ng reaksiyon ang Quizon brothers sa mga isini-share sa TikTok na ilang nakakatawang eksena sa mga dating sitcom ng kanilang ama.

Hanggang ngayon ay nakakatawa pa rin ang mga patawa na ginagawa ng kanilang daddy, lalo na sa John en Marsha kasama sina Nida Blanca at Maricel Soriano.

Ani Epi, “Nakakataba ng puso na alam mo na yung iba nga, halos bata pa sila nung buhay pa ang tatay ko, pero tinatawanan pa nila.

“So, nakakataba ng puso na hanggang ngayon ay buhay pa ang tatay ko in terms of comedy. Buhay sa Pilipino yung in terms of making people laugh.”

Continue reading below ↓

Sabi naman ni Vandolph, puwede naman nilang gawin ni Jenny ang John en Marsha.

“Yung mga John en Marsha, puwede naming gawin, pero mahirap pantayan. Nasa pag-uusap na lang namin nina Direk iyan,” pakli ni Vandolph.

Meron daw silang segment sa Quizon CT na niri-reenact nila ang mga dating eksena ni Dolphy. Pero aminado silang hindi nila kayang pantayan ang ginawa ng kanilang ama.

Sabi ni Eric, “We have a portion talaga na 'Dolphy Classics.'

“Dun namin ilagay yung ibang sketches ng Daddy na nag-hit sa mga tao. Kaya meron kami talaga na 'Dolphy Classics.'

"And basically, of course, to reminisce and emulate din, and at the same time, pagbibigay-tribute sa mga ginawa ni Daddy.

“May nagsa-suggest na ipakita yung old clips tapos gagawin namin. Sabi ko, ayokong ipakita yung old clips kasi matatabunan lang kami.

“Pero sana, ma-appreciate ng mga tao ang gagawin namin.”

Dagdag naman ni Epi, “Of course, nakakatakot dun pag kinumpara kami, kasi siyempre pag pinagsama-sama kaming tatlo, wala kaming comparison sa galing nun.

Continue reading below ↓

“Hindi naman kami as funny… pero we will try our best to be.”

Napapanood ang Quizon CT sa Net 25 tuwing Linggo ng 8:00 p.m., pagkatapos ng Tara, Game, Agad Agad na game show ni Aga Muhlach.

JERRY OLEA

Kahit magkakaiba ng ina ang magkakapatid na Quizon, solid ang samahan nila at talagang nagdadamayan.

Sabi ni Eric, “Ang common denominator kasi namin is our dad.

"Kumbaga, kaya siguro kami ganito, maski iba-iba ang mga nanay namin, nagkakaroon ng harmonious na ano.

“Kasi, ang parating nasa isip namin talaga is ang daddy namin. Because, before he died, ang sabi niya sa amin lahat, ‘Ayoko ng away-away. Gusto ko magmahalan kayo at maging…’

"Basta, sinasabi niya sa amin na magmahalan kayo, huwag kayong mag-away-away. Yun ang kabilin-bilinan niya sa amin parati.

“Yun siguro ang nanatili sa amin because those are all his last pabilin sa aming magkakapatid.

“Of course, sa lahat naman nagkakaroon ng alitan at pag-aaway, kaso ang maganda lang din sa amin kasi, is pag nag-aaway kami, hindi kami ang tipo na nagtatanim, hindi kami ganun.

Continue reading below ↓

“Kasi ang daddy naman namin, pinapagalitan kami, dadadadada! 'O ano ang kailangan mo?'

“Pinapagalitan kami niyan, pero natatapos din for awhile. Kumbaga, somehow sa aming magkakapatid, ganun din.”

NOEL FERRER

Lagi kong sinasabi noon pa na si Kaizz, si Eric Quizon, ang punong abala sa kanilang pamilya.

Noon pa man, ang kantiyaw ko sa kanya ay bagay talaga siyang spokesperson hindi lang ng pamilya kundi ng anumang kailangan ng kalma, collected, at mahusay na tagapagsalita!

Si Eric din kasi ang nag-aayos kapag may problema sa kanilang magkakapatid.

Sabi ni Epi, “I give it to Eric also. Kasi, I think he goes out of his way to correct the issue. Kung meron mang issue sa family.

“Palagi siyang nasa gitna. Wala siyang kinakampihan maski na, kunyari, kahit pareho kami ng nanay ni Eric at pag mag-away kami ni Vandolph, pag tama si Vandolph, ako ang sasabihan niya o iku-correct yung mali.

Continue reading below ↓

“So, I think wala siyang ano, walang ganun sa amin, parang nawala na sa amin yun a long time ago.

“Like me and Vandolph, we’re of the closest, alam ni Vandolph ‘yan. Ganun ko kamahal ‘yan.

“I think Eric is always on top of the issue.

“From my dad… nung nagkasakit pa lang yung tatay ko, I think he’s always there.”

Kaya madaling makausap ang pamilya dahil aside from mabuti ang kanilang puno (si Tito Dolphy), maayos talaga ang kanilang kinatawan in the person of Eric Quizon.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Nakakataba ng puso na alam mo na yung iba nga, halos bata pa sila nung buhay pa ang tatay ko, pero tinatawanan pa nila. So, nakakataba ng puso na hanggang ngayon ay buhay pa ang tatay ko in terms of comedy. Buhay sa Pilipino yung in terms of making people laugh,” says Epi Quizon about late dad, Dolphy. Brothers Epi, Eric, and Vandolph star in Net 25's Quizon Comedy Theater.
PHOTO/S: NET 25
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results