Katrina Halili, nagsalita na tungkol sa kanyang "misteryosong sakit"

by PEP Troika
Jan 13, 2022
Katrina Halili
Katrina Halili on medical check-up that she went through: "Nagpa-MRI po ako, and nagpa-EMG po ako. Dito sa neck ko yung nagkaproblem tapos sa nerves ko. Binigyan lang po ako ng gamot."
PHOTO/S: @katrina_halili Instagram

GORGY RULA

Pinik-ap ni Katrina Halili ang blind item ng PEP Troika tungkol sa mahiwagang sakit ng isang aktres.

Pagkatapos lumabas ang blind item na ito ng PEP Troika, may status si Katrina sa kanyang Facebook account na, “Aktres na may misteryosong sakit.”

Hindi naman itinanggi ng Kapuso actress na nagkasakit siya habang nasa taping ng Prima Donnas.

Sa nakaraang virtual mediacon ng Prima Donnas, sinabi ni Katrina na okay na siya ngayon at tapos na siya sa pagti-take ng maintenance.

Hindi lang niya maipaliwanag nang husto kung ano ang karamdaman niya dahil mahina ang signal niya at nawawala-wala siya sa Zoom.

Nagpasalamat ang aktres na pinayagan daw siya ng production staff na lumabas muna sa lock-in taping para makapagpa-check up.

Aniya, "Nagpa-MRI [Magnetic Resonance Imaging] po ako, and nagpa-EMG [electromyography] po ako. Dito sa neck ko yung nagkaproblem tapos sa nerves ko. Binigyan lang po ako ng gamot.

"Sa ngayon, wala na akong maintenance, okay na po ako. Nung December po natapos na yung gamot ko, so okay na po."

Continue reading below ↓

Medyo nabahala lang daw siya nang hindi niya magalaw ang leeg niya, at sobrang giniginaw siya.

"Nung nakaraan lang po talagang alarming kasi naninigas na po siya, e, nang one and a half month.

"Tapos giniginaw na po ako. Doble-doble na po yung suot. As in sa legs, may jacket na, may gloves pa. As in ganun na po ako sa taping.

"Nalaman ko na lang po nung nakalabas ako. Tiniis ko na lang po kasi ayokong maging cause ng problema sa Prima Donnas.

"Ayokong mag-stop ng taping kasi alam ko ang dami pang kukunan. So, hinintay ko po yung uuwi kami ng 28.

"Kaso, nung nalaman kong diretso, sinabi ko kung puwedeng magpa-check up lang po ako, tapos babalik po ako.

"Kasi kung hanggang December po ako iinom ng pain reliever, baka masama na po sa akin," dagdag na pahayag ni Katrina.

JERRY OLEA

Health is wealth. Totoong-totoo iyan lalo pa’t patuloy na sumisipa ang COVID-19 sa ating bansa.

Continue reading below ↓

Dalangin natin ang ganap na paghilom ni Katrina sa mahiwagang sakit!

Ipagdasal na rin natin ang mga kaibigan at mahal sa buhay na maging malusog, masigla, at ligtas sa anumang karamdaman.

NOEL FERRER

Pero ano nga ang naging sakit ni Katrina? Kasi, mahirap gamutin ang di tukoy na sakit, di ba?

Get well soon, Katrina! Sana, luminaw na ang lahat sa nangyayari sa kalusugan mo.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Katrina Halili on medical check-up that she went through: "Nagpa-MRI po ako, and nagpa-EMG po ako. Dito sa neck ko yung nagkaproblem tapos sa nerves ko. Binigyan lang po ako ng gamot."
PHOTO/S: @katrina_halili Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results