Robin Padilla nakiusap sa bashers ni Kris Aquino na maging makatao

by PEP Troika
Jan 14, 2022
robin padilla kris aquino
Robin Padilla on Kris Aquino bashers (published as is): “Nais ko po makiusap sa mga patuloy na bumabanat kay ms Aquino na magpaka makatao muna po kayo. Hindi naman po tayo bulag para makita na May dinaramdam po siya at sa kasalukuyan ay dumaraan sa gamotan. Bigyan po natin ng kapayapaan at tamang pansin lalo ng moral support ang Taong May karamdaman."
PHOTO/S: @robinhoodpadilla / @krisaquino on Instagram

JERRY OLEA

Nakiusap si Robin Padilla sa bashers ni Kris Aquino nitong Enero 14, 2022, Biyernes ng umaga, sa Facebook.

Post ni Robin (published as is): “Bismillah

“Mga mahal kong kababayan

“Ako po ay nag aalala kay ms Kris Aquino bilang isang kaibigan, katrabaho at isang Pilipino.

“Nais ko po makiusap sa mga patuloy na bumabanat kay ms Aquino na magpaka makatao muna po kayo

“Hindi naman po tayo bulag para makita na May dinaramdam po siya at sa kasalukuyan ay dumaraan sa gamotan.

“Bigyan po natin ng kapayapaan at tamang pansin lalo ng moral support ang Taong May karamdaman.

“Ano man po ang ating religion o ang ating political affiliations ay ipagpanalangin po natin ang kanyang kalusugan.

“In shaa Allah.”

NOEL FERRER

Sa panayam kay Phiippine Ambassador to the US Babe Romualdez kahapon, January 13, naibalitang humihingi ng tulong si Kris para ma-facilitate ang kanyang papeles para mangibang-bansa upang magpagamot doon.

Continue reading below ↓

Sana ma-grant ito para ma-treat na si Kris sa lalong madaling panahon.

GORGY RULA

Nagpa-flood sa TikTok ang mga post kay Kris Aquino.

Nakalkal pa ng iba ang dating pahayag ni Kris tungkol sa kanyang karamdaman. Pati ang mga nakaraang birthday message nina Bimby at Josh para sa kanya ay nai-post din sa TikTok.

Kahit si Kris ay may mga post din sa TikTok. May nakakaaliw nga siyang TikTok post na nag-unboxing ng kaka-deliver lang na Chanel bag na pearls ang strap. Nagawa pa niyang i-demonstrate kung paano ito gamitin. Mukhang mamahalin siya, pero regalo raw niya yun sa sarili dahil buhay pa siya.

Ani Kris, “That is the gift to myself because I’m alive. Because wala namang may magbibigay sa akin, e, di ako na lang.

“May hugot yun. Yes meron po.”

Pero nakakabahala pa rin ang sobrang pagbagsak ng kanyang timbang, kaya kailangan talagang maagapan. Sana matuloy ang pagpapagamot niya sa ibang bansa.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Robin Padilla on Kris Aquino bashers (published as is): “Nais ko po makiusap sa mga patuloy na bumabanat kay ms Aquino na magpaka makatao muna po kayo. Hindi naman po tayo bulag para makita na May dinaramdam po siya at sa kasalukuyan ay dumaraan sa gamotan. Bigyan po natin ng kapayapaan at tamang pansin lalo ng moral support ang Taong May karamdaman."
PHOTO/S: @robinhoodpadilla / @krisaquino on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results