Paolo Gumabao at Vince Rillon, walang inhibitions sa tatlong "major-major love scenes" sa Sisid

by PEP Troika
6 days ago
vince rillon paolo gumabao sisid
Sisid director Brillante Mendoza on Vince Rillon and Paolo Gumabao: "Marami silang bed scenes, pero siyempre, hindi ko naman ginamit lahat. Kung hindi naman kailangan, hindi ko isasama just for the sake of ano, parang… Meron silang tatlong major-major love scene na wala talaga silang saplot, wala silang plaster. Kasi, pareho naman silang hindi nagpaplaster."
PHOTO/S: Viva Films

JERRY OLEA

Matitindi ang love scenes nina Paolo Gumabao at Vince Rillon sa BL movie na Sisid, na magpi-premiere sa Enero 18, Martes ng 7:00 p.m. sa Vivamax Plus.

Kuwento ng direktor na si Brillante Mendoza nang mainterbyu namin kamakailan sa kanyang tahanan sa Mandaluyong City, “Walang inhibitions sina Vince at Paolo.

“Kaya ang sarap nilang katrabaho. Sobrang game sila. Wala silang plaster. Sabi nga nila, nagkakaskasan na sila.

“Marami silang bed scenes, pero siyempre, hindi ko naman ginamit lahat. Kung hindi naman kailangan, hindi ko isasama just for the sake of ano, parang…

“Meron silang tatlong major-major love scene na wala talaga silang saplot, wala silang plaster. Kasi, pareho naman silang hindi nagpaplaster.

“Espadahan, sabi nilang ganun. Nagkukuwentuhan sila, ‘Pare, naramdaman ko yung ano mo, ah?!’

“Nung bumaba si Paolo kay Vince, andidito na siya, sabi ni Vince, nakikiliti na siya.”

Iminuwestra ni Direk Brillante ang eksena, “Kasi, nandito na sa ibaba si Paolo. Sabi ni Vince, ‘Pare, nakikiliti na ako sa bigote mo!’

Continue reading below ↓

“Tapos, may eksena na nakahiga si Vince. E, nagmamadali na saka nakaano na… Kumbaga, wala na kasi silang pakialam, e! Ganyan-ganyan.

“Kasi, pag nagsusyuting naman kami, nasa karakter sila. E, nakaano na pala yung nota ni Paolo sa mukha ni Vince.

“Kaya ang sabi ni Vince, ‘Pare, yung t*t* mo, takpan mo!’ Tinakpan ni Paolo dahil nasa harap na ni Vince!” natatawang lahad ng multi-awarded director.

Tampok din sa Sisid sina Kylie Verzosa, Christine Bermas, Irma Adlawan, Ina Alegre, at Marco Novenario.

Ang tiket sa premiere ng Sisid ay P499, at hiwalay sa Vivamax subscription rate.

Take note na bida si Vince Rillon sa opening salvo ng Vivamax na Siklo, na humarurot noong Enero 7.

Tampok din si Paolo Gumabao sa pelikulang Silip sa Apoy, na mag-i-streaming sa Enero 28 sa Vivamax.

Nasa cast din ng Silip sa Apoy sina Angeli Khang, Jela Cuenca, Sid Lucero, at Dexter Doria, sa direksiyon ni Mac Alejandre.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Ito talaga ang pandemic viewing ng mga Pinoy? Ano kaya ang sinasabi nito sa atin at sa ating lipunan?

Sana, may iba pa tayo maihahain.

GORGY RULA

Aware si Direk Brillante kung ano ang audience ng Vivamax, kaya yun ang ibibigay niya.

Pero nilinaw niyang hindi siya basta-basta gumagawa na lang ng isang pelikulang hubaran na wala namang kawawaan. Ang gusto niya, nandoon pa rin ang tatak Brillante na hindi niya ikahihiya sa darating na araw.

“Pag mapanood mo naman, hindi naman small time na film. Hindi raket lang. Hindi lima-singko.

“Nag-a-adjust ako, pero ayokong ma-hinder yung creative ano ko… alam mo yun.

“Kasi, natsa-challenge kasi ako, e. Ganun akong tao, e. The more na merong restrictions, the more na gusto kong maging creative.

“Basta at the end of the day, ang gusto ko, ang film ko, yung gusto ko talaga. Yung hindi ko talaga siya ikahihiya.

“Pag namatay ako, gusto ko part siya ng filmography ko,” pahayag ni Direk Brillante.

Continue reading below ↓

Kaya nga siguro kinuha siya ng Viva dahil alam nilang matitino ang mga pelikulang ginagawa niya, may sense, hindi nakakabastos, at hindi nakakainsulto sa mga manonood.

Itong Sisid ay tungkol sa romansa sa pagitan ng isang marine biologist, at ng island boy na naging assistant niya sa pagre-research sa fish sanctuary.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sisid director Brillante Mendoza on Vince Rillon and Paolo Gumabao: "Marami silang bed scenes, pero siyempre, hindi ko naman ginamit lahat. Kung hindi naman kailangan, hindi ko isasama just for the sake of ano, parang… Meron silang tatlong major-major love scene na wala talaga silang saplot, wala silang plaster. Kasi, pareho naman silang hindi nagpaplaster."
PHOTO/S: Viva Films
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results