Nico Locco at Elijah Filamor, walang daya ang frontal nudity sa BL series na ito

by PEP Troika
6 days ago
Nico Locco, Gold Aceron, Elijah Filamor at Yam Mercado
Ang director ng Love At The End of The World na si Shandii Bacolod ang nagpatotoong hindi gumamit ng prosthetics si Nico Locco (in colorful sando) na katambal si Gold Aceron (with Nico). Napa-tweet naman si Elijah Filamor (in black sando) tungkol sa kanyang frontal nudity. Kasama niya rito sa photo si Yam Mercado.
PHOTO/S: Screengrab from Love At The End Of The World

JERRY OLEA

Ipinaliwanag ni Direk Shandii Bacolod kung bakit bitin ang pasilip ni Markki Stroem sa Episode 2 (“The Loneliest Man On Earth”) ng BL series na Love At The End Of The World.

Nangako kasi si Markki na ang una niyang pagpu-frontal ay sa stage play na ididirek ni Bobby Garcia, yung Filipino production ng Angels In America. Naudlot ang pagtatanghal niyon dahil sa pandemya.

"So, sa akin, ang eksena ay huhubarin ni Khalid Ruiz ang brief ni Markki. Habang hinahalikan ni Khalid ang abs ni Markki, may pasilip si Markki from pubic hair to body of nota," sabi ni Direk Shandii nang maka-chat namin nitong Enero 14, Biyernes ng hapon, via Messenger.

"Two seconds lang iyon. Dapat mabilis ang mga mata mo. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!"

Noong Disyembre 30, Huwebes, nag-premiere ang first two episodes ng Love At The End Of The World sa GagaOOLala streaming service, at agad iyong namayagpag.

Continue reading below ↓

Nabulabog ang mga bading nang ipalabas ang Episode 3 (“We Need To Talk About Tony”) noong Enero 6, Huwebes, kung saan nagbuyangyang ng kanyang kadakilaan si Nico Locco.

May mga nagduda sa payanig ni Nico dahil masyado raw mahaba. At isa pa, may Prosthetics Department sa credits.

Paglilinaw ni Direk Shandii, “Iyong prosthetics ay para sa mermaid tail sa episode na iyon. Walang daya ang pagpo-frontal ni Nico."

May pa-frontal din si Nico sa Episode 7 (“Dear White Boy”) at sa finale na Episode 9 (“Nostalgia”).

Sa Episode 4 (“Happy Together”) na nag-premiere nitong Enero 13, Huwebes, nag-frontal naman si Elijah Filamor.

Naghimutok si Elijah sa Twitter nitong Huwebes ng 7:48 p.m., “Taena pano ko ipapapanuod sa pamilya ko yung episode ko, unang bagsak ng frame, t*t* ko agad kita.”

Tawang-tawa si Direk Shandii at ibinahagi ang screen shot niyon sa kanyang Facebook account, "Hayuupp!Hahahaha!!!"

GORGY RULA

Mabigat ang tema ng BL series na Love At The End Of The World, na ang sabi ni Direk Shandii ay isang “ode to loneliness.”

Continue reading below ↓

Nasa titulo ang paksa ng palabas—ang pagkagunaw ng mundo. Lalong naging relevant ito sa patuloy na pagratsada ng coronavirus.

Ngayong Enero 14, Biyernes, 37,207 ang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa. Highest single-day tally ito since the start of pandemic, at pinangangambahang aabot pa sa 50K-mark ang madadagdag na kaso bawa’t araw.

Maaliw tayo sa mga artistang mapangahas sa paghuhubad, ngunit namnamin din natin ang kabuluhan ng kanilang pagbubuyangyang.

Naibalita ng kaibigang Rodel Ocampo sa isang group chat ng showbiz reporters and vloggers na balak ng isang producer na gumawa ng sampung pelikula sa Marso at Abril.

Kailangan nila ng mga baguhan, lalaki at babae, na handang magpaseksi. Napagbiruan tuloy kung anu-ano ang magandang title para sa bold movies na may konek sa pandemya.

Kabilang sa mga nai-suggest ang Bawal Labasan; Nakakahawang Init; Kirot Ng Unang Turok; at Saan Ka Pupunta, Miss Girlie Poblacion? (pasintabi sa 1975 film ni Boots Anson-Roa na Saan Ka Pupunta, Miss Lutgarda Nicolas?).

Continue reading below ↓

Kahit paano, kahit sandali, naiibsan ang ating agam-agam ang mga ganitong biruan.

NOEL FERRER

Napanood ko ang ibang episodes and it reminds me of the early M2Ms ni Crisaldo Pablo.

Mas full-length naman at explored ang context ng mga kuwentong yun. Itong kay Shandii ay playing to a specific audience which is rightfully distributed by GagaOOLala.

Now again, like what I said sa Sisid at iba pang kauring panoorin ngayong pandemya, ito ba talaga ang output that defines the times? Wala namang masama.

Pero sana, meron pang iba.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ang director ng Love At The End of The World na si Shandii Bacolod ang nagpatotoong hindi gumamit ng prosthetics si Nico Locco (in colorful sando) na katambal si Gold Aceron (with Nico). Napa-tweet naman si Elijah Filamor (in black sando) tungkol sa kanyang frontal nudity. Kasama niya rito sa photo si Yam Mercado.
PHOTO/S: Screengrab from Love At The End Of The World
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results