Yorme: The Isko Domagoso Story, sa online platforms na ipalalabas ngayong Enero

by PEP Troika
6 days ago
Yorme: The Movie
Sina Xian Lim, McCoy de Leon, at Raikko Mateo ang mga bida sa biopic ni Manila Mayor Isko Moreno, ang Yorme: The Isko Domagoso Story, na ipalalabas na sa January 21, 2022.
PHOTO/S: Screengrab from Yorme: The Movie trailer

JERRY OLEA

Enero 21, Biyernes, ang pagpapalabas ng musical film na Yorme: The Isko Domagoso Story na tungkol sa buhay ni Manila Mayor Isko Moreno o Francisco Moreno Domagoso.

Ibinalita ito ng Saranggola Media, ang film company na nagprodyus ng pelikula, ngayong Enero 14, Biyernes ng hapon, sa kanilang Facebook page.

Direk Joven M. Tan shared it at once. Sabi pa ni Direk Joven, "Wala nang atrasan, alamin ang kanyang kasaysayan. Opens January 21, 2022."

Disyembre 1 ang original playdate ng Yorme, at makikipagsalpukan sana ito sa Hollywood blockbuster na Eternals. Ito sana ang first Pinoy film na ipalalabas mula nang mag-reopen ang local cinemas noong Nobyembre 10.

Sa premiere night noong Nobyembre 30, ipinahayag ng Team Yorme na sa Enero 26, 2022 na ipapalabas ang pelikula.

Gusto raw kasi ni Mayor Isko na mapanood ng mas maraming kabataan ang kanyang biopic, upang ma-inspire ang mga ito sa buhay.

At the time kasi ay discouraged lumabas ng bahay ang mga kabataan, lalo’t hindi pa bakunado ang karamihan sa kanila.

Continue reading below ↓

Tuloy, ang unang Pinoy films na ipinalabas sa mga sinehan ay ang Ilocano Defenders: War On Rape (starring Solomon Say, Michael Say, and Engr. Morgan Say) at Caught In The Act (bida ang anak ni Yorme na si Joaquin Domagoso.

Nakipagbakbakan ang mga ito noong Disyembre 15 sa James Bond film na No Time To Die— ng ikaapat sa talaan ng pinakamalalaki ang worldwide box-office gross noong 2021.

Ayon sa isang insider, mag-o-online streaming ang Yorme, at kung pwede ay maitanghal din sana sa mga sinehan.

Pahayag pa ng source ng PEP Troika, “Natakot ang Team Yorme sa surge ng COVID-19 cases. Ayaw na muna nila ng theatrical showing. Better safe than sorry.

"Iba-ibang platforms ang pagpapalabasan. Inaayos pa ang kontrata. Yung dates ng streaming nila, either January 21 or 28."

Yorme: The Movie

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Mabuti at napagdesisyunan nilang sa iba’t ibang streaming platforms na muna isu-showing ang Yorme. So far, okay na raw sa Vivamax at Upstream. Pero hinihintay pa nila kung okay na rin sa ibang streaming app.

Sabi ni Direk Joven Tan, under negotiation pa kung ipalalabas ito sa mga sinehan. Kung sakali, baka mga special screenings na lang dahil marami ang willing mag-sponsor ng special screening.

Sa tingin ko, mas okay yun, less stress sa promo, lalo na’t malapit nang magsimula ang campaign period ng presidentiables at iba pang nasa national position.

NOEL FERRER

I wish this movie of Direk Joven Tan well. Grabe na ang pinagdaanan ng pelikulang ito. Nagpaurung-urong na, at given the situation, streaming is their best option.

Selected special screenings na lang sa theaters sa mga gustong magpa-event. Ito na ba kaya ang magiging kalakaran sa panonood ng pelikulang Pilipino ngayon?

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sina Xian Lim, McCoy de Leon, at Raikko Mateo ang mga bida sa biopic ni Manila Mayor Isko Moreno, ang Yorme: The Isko Domagoso Story, na ipalalabas na sa January 21, 2022.
PHOTO/S: Screengrab from Yorme: The Movie trailer
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results