Hidilyn Diaz, nagpakita ng suporta kay EJ Obiena

by PEP Troika
5 days ago
hidilyn diaz, ej obiena
Nagbigay ng words of encouragement ang 2020 Tokyo Olympics Gold Medalist na si Hidilyn Diaz sa Filipino premier pole vaulter na si EJ Obiena.
PHOTO/S: @hidilyndiaz Instagram / jerome ascano

NOEL FERRER

Kahit may symptoms at hindi maganda ang pakiramdam dahil sa kanyang covid situation, ipinakita pa rin ng ating Olympic Gold Medalist, ang aking talent na si Hidilyn Diaz, ang kanyang suporta sa premier pole vaulter ng bansa na si EJ Obiena sa ating programang Level Up sa Radyo Katipunan kahapon.

Ang sabi ni Haidie, “Hi EJ, kaya mo yan. Alam kong medyo mahirap. Mahirap ang pinagdadaanan mo ngayon. Alam kong mahirap ang mag-liquidate.

“Alam ko rin na mahirap na nandyan ka sa Italy na malayo sa pamilya. Alam kong mahirap na magkaroon ng injury, pinagdaanan ko rin yan, pero lagi mo lang iisipin na kaya mo yan, ginagawa mo ito kasi alam mong kaya mo ito.

“Kaya mong manalo ng gold medal sa Olympics at naniniwala kami sa 'yo. At nandito kami para suportahan ka. Kayang-kaya mo yan, EJ.”

Si EJ Obiena ay nasa Germany ngayon at nagpapagaling pagkatapos ng kanyang operation dala ng kanyang injury.

Continue reading below ↓

Tugon ni EJ kay Haidie, “I just wanna say thank you! Salamat, Ate! I’ve been messaging her, I called her before—back in August, we had talks.

“She had an idea na beforehand. But still, she’s been very inspiring.

"She broke that big ice and showed that Filipinos can be the best in the world. I think the Tokyo Olympics is embedded in history because of her. And this coming from her, Ate Haidie, I’m really thankful.

"In our multiple conversations, I always ask her, 'What do you think, should I trust this person? How was your experience when it comes..?

“Just... thank you! Sometimes, parang, she walks me through it somehow and just having her support, I’m really thankful.

"And before I forget, I heard that she tested positive for covid, so stay healthy, Ate.”

Wounded healers ang itinawag ko sa kanila. Kapwa sila may pinagdadaanan at may iniindang sakit, pero nagkakaintindihan silang kapwa atleta and they are in solidarity with one another.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Nagte-training pa rin si Hidilyn sa loob ng bahay kahit meron siyang sipon, ubo, at medyo masama ang pakiramdam.

Pahayag ng Olympic Gold Medalist, “Sabi ng katawan, rest din, pero looking forward ako sa tatlong competitions at Olympic qualifying na, then nag-positive ako.

“Alam ni EJ yan na kapag walang training, parang nawawala sa direksyon, kaya ako, I’m trusting God and trusting na kaya ko pang bumalik ulit.”

Sagot ni EJ, “I am still training and still doing things that lead up to where I should be and same with Ate.

“But what Ate said may not apply to everyone because it’s not very healthy, this life that we’re living.

“Every day we are knocking at the door asking, 'Is this the fine line of overtraining and training hard?' It’s a tricky thing to manage.

“Sometimes the body says to rest, but sometimes we have to push it. You need to. You are an elite athlete and you are to do things that are not common practice, sort to say.”

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Sino pa ba ang magdadamayan kundi silang mga atleta?

Malaking bagay itong suportang ibinibigay ni Hidilyn kay EJ. Nakakataba ng puso ang mensaheng ipinarating niya sa ipinagmamalaki nating pole vaulter.

Ani Hidilyn, “Kapwa kami atleta, nagkakaintindihan kami. Kasi nga, alam ko ang pinagdaanan niya.

“Naiintindihan kita, EJ, mahirap maging atleta pero isipin natin na ginagawa natin ito para sa Pilipinas.

"May mga times siguro, kinu-question mo kung bakit, at dumarating yung parang ayaw mo na, lalung-lalo na ngayon na may injury ka.

“Alam kong marami ka nang doubts diyan emotionally, physically… pero isipin mo na lang yung team behind you na hindi sila sumusuko sa 'yo. Naniniwala sila sa ‘yo.

“Isipin mo rin na ang haba na ng pinagte-training-an mo, ilang years ka na sa pole vault kaya ‘wag kang sumuko. Kahit ano’ng binabato sa ‘yong sinasabi diyan, huwag kang sumuko, kayang-kaya mo yan.

"And see you sa Paris 2024!!!”

Continue reading below ↓

Basta, umaasa pa rin akong lalaban pa rin si EJ Obiena sa Olympics sa 2024, dahil nandiyan pa rin ang suporta at paniniwala sa kanya ng Philippine Olympic Committee.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagbigay ng words of encouragement ang 2020 Tokyo Olympics Gold Medalist na si Hidilyn Diaz sa Filipino premier pole vaulter na si EJ Obiena.
PHOTO/S: @hidilyndiaz Instagram / jerome ascano
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results