Samahan ng veteran at bagets stars sa Prima Donnas Book 2, nakaka-good vibes!

by PEP Troika
Jan 16, 2022
Althea Ablan, Sofia Pablo, Jillian Ward, Elijah Alejo in Prima Donnas 2
Prima Donnas Book 2 lead stars Althea Ablan, Sofia Pablo, Jillian Ward at Elijah Alejo.
PHOTO/S: Prima Donnas 2 (GMA-7)

GORGY RULA

Halos iisa ang sagot ng veteran stars na bahagi ng Prima Donnas, nang tinanong namin kung anu-ano ang changes na naobserbahan nila kina Jillian Ward, Althea Ablan, Sofia Pablo at Elijah Alejo nang bumalik sila sa taping ng Book Two nito.

Nagugulat na lang daw sila nang magkita-kita sila uli, dahil ang lalaki na raw nila at lalo pa silang gumanda.

Sabi ni Aiko Melendez, “Cinematically, sobrang gumanda silang lahat. Dito sa Book Two talaga, ang ganda-ganda nilang tingnan sa screen.

“Napaka-refreshing, tapos binantayan talaga from the outfit, hanggang sa lahat, pati galaw nila. I can feel and sense na they have matured, more than dun sa Book One.

“Sa Book One kasi, medyo pa-cute pa. Pero dito sa Book Two, may kanya-kanya silang pasabog.”

Kaya iba na rin ang atake ng kanilang mga karakter at tanggap nila kung ipag-loveteam na sila sa kani-kanyang partner na sina Will Ashley, Vince Crisostomo, Allen Ansay at Bruce Roeland.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi naman ng tatlong Donnas na sina Jillian, Althea at Sofia, hanggang loveteam lang daw muna, pero hindi pa raw puwede ang ligawan.

Pero nakikita sa Tiktok posts nina Jillian at Will ang closeness nilang dalawa.

Sa nakaraang virtual mediacon ng Prima Donnas, tinanong ko si Will na sakaling puwede nang magpaligaw si Jillian, popormahan na ba niya ito?

“Why not po?” kaagad na sagot ni Will na napapangiti pa.

“Kasi, di ba? Kita naman natin si Jill na sobrang love niya yung work niya, sobrang professional niya. Kumbaga, sobrang gandang halimbawa sa akin ni Jillian, kasi sobrang dami kong natutunan din sa kanya.

“Sobrang hinahangaan ko po siya sa maraming bagay. Pero hindi pa po natin masabi dahil bawal pa. Sa future po kung ibigay po ni Lord.

“Pero siyempre, hindi pa po ngayon kasi focus pa po kami sa work and focus po kami sa pagiging successful ni Jillian,” dagdag niyang pahayag.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Napapangiti si Jillian na nag-react sa sinabi ni Will.

“Bawal pa po ako magpaligaw, at baka nanonood po ang aking tatay. Baka po siya ay ma-high blood. So, hindi ko po muna sasagutin,” saad ni Jillian.

Magsisimula na ang Prima Donnas sa Lunes, January 17, pagkatapos ng Eat Bulaga. Pero isang linggo munang recap ng Book One ang mapapanood bago pumasok ang bagong kuwento ng Book Two.

JERRY OLEA

Ang naobserbahan naman ni Benjie Paras sa mga bagets ay sila raw ang nag-enjoy nang husto sa matagalang lock-in taping.

Halos three months silang naka-lock in at silang mga veteran ay gustung-gusto na raw umuwi.

Pero itong mga batang artista ay hindi raw nakitaan ng pagkabagot.

Lahad ni Benjie, “Sa akin, parang sila lang nag-enjoy dito sa lock-in. Kami lahat, we wanted to go home to see our family. Sila yung nag-enjoy.

“Uuwi ng madaling araw after ng taping, naririnig mo yung ingay, nagtatawanan. Tapos, early in the morning, sila yung nagigising nang maaga, nagkukulitan na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Masaya sila. Happy, pero pagdating of course sa work, nandun na. Nakikita mo na lang yung binigay na role sa kanila, naiba na. Ngayon, magaganda na sila.

“I’m happy to be part of them mula nung bata sila, ilang years nakaraan na nandito ka talaga.”

Sagot ni Elijah sa sinabi ni Benjie, “Kaya po nasabi ni Tito Benjie yun kasi lagi po siyang nagpapatawa. Sobrang na-enjoy po namin ang pagpapatawa niya.”

Pahayag ni Will, “Alam niya yan, pero hindi namin isi-share. Ang daming baon ni Kuya Benjie, e. Hindi siya nauubusan,” sabi ni Will.

Saad naman ni Jillian, “Saka naging masaya po yung work, kasi lahat po kami, very professional. Lahat po kami, same po ang mga pangarap namin.

“So, ang saya po na nakatrabaho namin yung mga kaedad ko din po na same po yung dreams sa akin and magagaling pong umarte.”

Nawa’y manatiling maganda ang samahan ng young stars ng Prima Donnas. Huwag nilang gayahin yung ibang kakontemporaryo nila na nagkakairingan at nagkakainitan dahil sa…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Basta, good vibes lang sana sa Prima Donnas!

NOEL FERRER

Naku, siguro nga ay may following itong young stars ng Prima Donnas dahil sa mataas na rating ng programa.

But individually, mukhang kailangan ko silang i-observe at padaanin sa isang brand essence exercise para magkaroon sila ng tatak o sariling brand at unique selling proposition.

I trust Mr M’s team to be able to do that for them, para hindi lang sila kikilalanin thru their character names kundi sa kanilang sariling pangalan at brand.

Mind you, magiging barometer ng success kapag hindi na sila tinatawag na Da Hu, at may mga brand endorsements na sila na may premium.

Looking forward ako diyan!!!

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Prima Donnas Book 2 lead stars Althea Ablan, Sofia Pablo, Jillian Ward at Elijah Alejo.
PHOTO/S: Prima Donnas 2 (GMA-7)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results