Pauleen Luna, lubus-lubos ang pag-iingat laban sa COVID-19

by PEP Troika
Jan 16, 2022
Vic Sotto, daughter Tali, and wife Pauleen Luna-Sotto.
Pauleen Luna-Sotto with husband Vic Sotto and daughter Talitha.
PHOTO/S: @pauleenlunasotto Instagram

GORGY RULA

Sandaling naka-text ko si Pauleen Luna nitong Linggo ng umaga, Enero 16, dahil ibinalita kong pumanaw na ang dating asawa ni Jose Manalo na si Anna Lyn Manalo.

Gulat na gulat si Pauleen dahil ngayon lang daw nila ito nalaman. Hindi naman daw sila nagkakausap pa ni Jose.

Sa ngayon ay hindi na raw muna talaga sila lumalabas dahil sa sitwasyon natin ngayon, lalo na’t nahawa pa ng COVID-19 si Pasig Mayor Vico Sotto.

Nagkausap naman daw ang mag-amang Vic at Mayor Vico. Regular na minu-monitor ni Bossing Vic ang kanyang anak.

Ang inaalala ni Pauleen ay ang anak nilang si Talitha dahil hindi pa raw kasi ito nababakunahan.

“Tayong matatanda, may proteksyon, e. Kaya hindi talaga lumalabas. Doble, triple talaga ang pag-iingat,” text sa akin ni Pauleen.

Samantala, sobrang proud si Pauleen kay Tali, dahil ang dali nitong matuto sa mga itinuturo sa kanya. Si Tali na raw ang nagli-lead ng prayer bago sila kumain.

Continue reading below ↓

Minsan ay nagmamadali na raw ito sa pagdadasal dahil nagugutom na.

Kamakailan nga ay ipinost ni Pauleen sa kanyang Facebook account kung gaano na ka-independent si Tali.

Aniya, “In a span of 4 weeks, my daughter who was so dependent on her yaya learned how to brush her teeth on her own, go up and down the stairs on her own, do potty stuff on her own, pack away toys and clothes and eat on her own.

“Of course, I am so grateful for all the help we could get, but I am surprised with how well she adapted after we let go of her yaya.

“I thought we were helping her with our extra hands but I guess all she needed was independence.

“Kids are amazing.”

Noon pa man, kapag nagtsitsikahan kami ni Pauleen sa text ay lagi niyang sinasabing napakasuwerte nila ni Vic sa kanilang anak na si Talitha.

Continue reading below ↓

“Super bait, kuya! Napakasuwerte namin sa batang ito,” text ni Pauleen.

NOEL FERRER

Ibang klase rin ang binabalanse ni Pauleen at bilib ako kung paano niya naaasikaso at napapanatiling masaya ang homefront with a senior at child na vulnerable sectors ngayong pandemya.

Marami tayong kilala na ganito ang hinaharap—nina-navigate ang pag-aalaga sa seniors na may comorbidities at mga batang hindi pa bakunado.

At dahil kakaibang sakit itong Covid, nakakabilib lang na hindi pa nahahawahan sina Pauleen, Tali at Bossing Vic nito. Sana ay manatili na lang ganito.

At sana maging ligtas na rin si Mayor Vico sa kanyang Covid ordeal.

JERRY OLEA

Enero 11, Martes nang lumampas sa 3M ang kabuuang bilang ng Covid-19 cases sa ating bansa.

Mula Enero 12, Miyerkules ay laging nasa line of 3 ang additional cases.

Ngayong Enero 16, Linggo ay nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 37,154 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 9.0% (287,856) ang aktibong kaso, 89.4% (2,864,633) na ang gumaling, at 1.65% (52,907) ang namatay.

Continue reading below ↓

Paalala ng DOH sa Facebook page nito, “Huwag maging kampante sa banta ng COVID-19. Bagkus, dapat natin ipagpatuloy ang tamang pagsunod sa minimum public health standards at laging magsuot ng facemask, mag-physical distancing, at maghugas ng kamay.

“Sa oras na makaramdam ng sintomas, AGAD NA MAG-ISOLATE at magpa-test. Tandaan ang right test at the right time…”

Dalangin natin na malagpasan ni Mayor Vico at iba pang nahawaan ng coronavirus na malagpasan nila ito.

Sa Instagram ay nag-post naman si Pauleen ng litrato niya na nagwu-work out para maiwaksi ang holiday weight niya. Balik-alindog!

Bahagi pa ng IG post ni Mrs. Marie Pauleen Luna Sotto, “… taking my time while enjoying life during this very stressful time.

“We all have different ways to cope, let us not be too hard on ourselves.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pauleen Luna-Sotto with husband Vic Sotto and daughter Talitha.
PHOTO/S: @pauleenlunasotto Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results