Derek Ramsay, Ellen Adarna kinansela muna ang honeymoon sa Africa

by PEP Troika
Jan 17, 2022
derek ramsay ellen adarna honeymoon
Derek Ramsay on postponing honeymoon in Africa with wife Allen Adarna: "Last minute kami nag-cancel kasi nag-spike uli yung numbers. Yung worry namin… hindi nagbago yung rules sa Africa. Puwedeng lumipad sa Africa. Yung worry namin, baka mag-lockdown ang Pilipinas, hindi kami makabalik dito. Kasama pa namin si Elias."
PHOTO/S: @ramsayderek07 on Instagram

GORGY RULA

Hindi na muna itutuloy nina Derek Ramsay at Ellen Adarna ang plano nilang honeymoon sa Africa dahil sa COVID-19 situation.

Sabi ng Kapuso actor nang nakapanayam ni Morly Alinio sa DZRH nung Linggo, January 16, 2022, puwede pa naman silang magbiyahe Africa. Ang inaalala lang nila ay baka mahirapan sila pagbalik ng bansa dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases sa Pilipinas.

Pahayag ni Derek, “Last minute kami nag-cancel kasi nag-spike uli yung numbers. Yung worry namin… hindi nagbago yung rules sa Africa. Puwedeng lumipad sa Africa.

"Yung worry namin, baka mag-lockdown ang Pilipinas, hindi kami makabalik dito. Kasama pa namin si Elias. So, pinostpone muna namin yung trip to Africa,” pakli ni Derek.

Umaasa silang bumaba na ang COVID cases dito sa atin dahil gusto nilang tuparin ang pangako nila kay Elias na bakasyon sa Africa.

“Gusto talaga namin pumunta dun para makita ni Elias, kasi nasabi na namin kay Elias, e. So, we want to keep that promise to Elias,” sabi pa ni Derek.

Continue reading below ↓

Si Elias ay anak ni Ellen sa dati nitong partner na si John Lloyd Cruz.

Nung in-interview ni Morly si Derek ay binanggit din ng aktor na hindi nila kasama si Elias dahil na kay John Lloyd daw ito. Doon daw mag-o-overnight ang bata, at okay sila sa ganung set-up.

Kuwento niya, “Super masaya. Ngayon, tahimik ang bahay, kasi na kay John Lloyd siya ngayon. Umalis siya kaninang umaga. Kaya tahimik ang bahay.

"Kami ni Elias, super close namin. Tinuruan ko sa sports ng konti. Mahilig kumain, e.”

Okay raw sila ni John Lloyd, at madalas ay ito raw mismo ang sumusundo kay Elias sa kanilang bahay.

“Civil kami. We’re working together for the best interest of Elias. Walang problema dun,” dagdag na pahayag ni Derek.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

May netizens na nagbigay ng malisyosong komento sa ilang couple yoga poses nina Derek at Ellen.

Sabi ni Derek, “Kami ni Ellen, makulit kami sa bahay. There’s never a dull moment dito sa house.

“Tapos, alam ng mga fans namin na kami ni Ellen, matagal na kami nag-yoga poses, couple poses kami ni Ellen. Binubuhat ko siya, na mahirap na position. Couple’s yoga.

“So, ang daming nagpadala sa amin ng mga pose na kailangang gawin, and nagwu-workout kami ni Ellen. Ayun, may nakita kaming may nagtsa-challenge sa amin na gawin namin yung pose na ‘to, so ginawa namin.

“Sinubukan namin yung pose, napakahirap, tapos si Ellen sobrang flexible, tapos kung anu-ano na lang yung iniisip ng tao na… well.

“Binigyan nila ng malisya yung binaligtad ko si Ellen, tapos nag-i-split siya tapos buhat ko talaga siya. Binigyan ng malisya dahil yung ano niya, malapit sa mukha ko.

“Ginawa namin yun with no malice na ang plano namin, gawin yung pose na yun na napakahirap. Pinagtatawanan na lang niya yung mga ganung klaseng bagay.

Continue reading below ↓

“Ako rin, e. Marami rin akong natanggap na mga direct message sa akin, tapos yung mga comments nakikita mo… pinagtatawanan na lang namin, kasi wala namang malice ‘yung pagkagawa namin.”

Ngayong Enero 17, Lunes ng hapon, ay 37,070 ang nadagdag na bagong kaso ng COVID-19 sa bansa.

Nakakabahala pa rin ang sitwasyon. Kaya naiintindihan nating ipinagpaliban na muna nila ang pag-a-Africa.

Continue reading below ↓

Better stay at home than be stranded abroad.

NOEL FERRER

Talagang kahit hindi muna sila pumunta sa Africa ay nasa honeymoon stage pa sina Derek at Ellen.

Sana’y manatili lang ganun at napakaganda rin ng arrangement nila with JLC about Elias.

Inaabangan ko rin ang international film project ni Derek, pero with the COVID numbers up again, mangyayari iyan sa tamang panahon lamang.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Derek Ramsay on postponing honeymoon in Africa with wife Allen Adarna: "Last minute kami nag-cancel kasi nag-spike uli yung numbers. Yung worry namin… hindi nagbago yung rules sa Africa. Puwedeng lumipad sa Africa. Yung worry namin, baka mag-lockdown ang Pilipinas, hindi kami makabalik dito. Kasama pa namin si Elias."
PHOTO/S: @ramsayderek07 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results