Watch Now

Prima Donnas, 82 days nag-lock-in taping nang walang uwian

by PEP Troika
Jan 19, 2022
prima donnas book two
Prima Donnas director Gina Alajar: "If you would only know everyting that happened to us in the 82 days locked in, we were the longest na nag-lock-in na hindi kami umuwi. Maraming nangyari sa amin. Marami kaming experiences na nangyari sa amin."
PHOTO/S: GMA Network

GORGY RULA

Lalong lumalakas ang afternoon prime ng GMA-7 nang magsimula ang mga bagong drama series nila ngayong 2022.

Consistent na mataas ang rating ng Little Princess ni Jo Berry na nagsimula noong Enero 10, Lunes.

Sumunod naman ang Prima Donnas na nag-recap umpisa Enero 17, Lunes, at mataas na ang rating nito. Mukhang inabangan ng mga manonood kahit recap ng book one pa lamang ang mapapanood hanggang sa Biyernes.

Nung Lunes ay naka-6.8% ito, at naka-6.3% naman nung Martes, ayon sa AGB Nielsen NUTAM.

Inaasahang mas tataas pa ito pagpasok ng bagong kuwento ng Book Two.

Challenging daw ito sa bumubuo ng Prima Donnas dahil dapat ay mas matindi ang kuwento, mas madrama sa kabila ng limitadong lugar na pinag-tapingan nila dahil sa napakatagal nilang naka-lock-in taping na umabot ng 82 days.

Kaya sabi ni Direk Gina Alajar, “Ngayon naniniwala ako na walang mahirap sa isang bagay kung lahat nagsasama-sama. Kung lahat nagkakaintindihan, kung lahat ay iisa yung goal na gustong tahakin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung sinulid, pag pinagsasama-sama mo na siya, pag kumapal na siya, nagiging matibay siya. So, I guess that’s what happened to Prima Donnas.

“If you would only know everything that happened to us in the 82 days locked in, we were the longest na nag-lock-in na hindi kami umuwi. Maraming nangyari sa amin. Marami kaming experiences na nangyari sa amin.

“Kung hindi kami kapit-kamay, at kung hindi iisa yung paniniwala namin sa Diyos at isa ang pagdarasal namin at pagtitiwala namin sa Diyos, palagay ko, nagwatak-watak na kami nun.

“Thank God for His grace and His mercy, kasi we came out na talagang stronger and mas malaking experiences yung dala-dala namin. And you know, baka we can say na 'Uy, we’ve mastered the lock in taping.'

“Nagpapasalamat ako sa buong team dahil lahat nag-contribute. From Ms. Redgyn Alba, down to our utility, lahat 'yan sama-sama.

“Thank you. That is one great blessing for Prima Donnas.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Malaking bagay raw yung nagdadasal sila bago magsimula ang taping Prima Donnas.

Sabi ni Wendell Ramos, “The good thing about it, sinasabi namin paulit-ulit sa pagli-lead ni Nanay Gina…

“I am very proud to say na meron kaming… before we start our taping, bago kami mag-roll, we used to do our praise and worship.

“At least, pang-spiritual, importante para…may kanya-kanya kaming struggle, may kanya-kanya kaming nararamdaman. Iniisip natin mga mahal natin sa buhay, but we have to face this, ang bagong paninimula o bagong chapter ng industry natin na sana hindi magdire-diretso.

“Pero kung ito ang kinakailangan nating harapin, gagawin natin. And we’re so blessed na we have this director at mga kasamahan kong artista.

“We used to pray talaga para ma-overcome kung ano man yun. Kasi, hindi naman namin ito masasabi na lahat ito, kaya nating gawin on ourselves.

"So, nandun yung pagbibigay ng suporta sa isa’t isa."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

NOEL FERRER

These new episodes of a teleserye mean giving jobs to people na sobra rin ang naranasang paghihigpit ng sinturon ngayong pandemya.

Salamat sa mga palabas tulad ng Little Princess at Prima Donnas sa pagbibigay daan sa mga bagong sinusubaybayang episodes ng ating mga kababayan.

Sana ay paganda nang paganda pa ito katulad ng direktor nilang magaling na aktres na si Gina Alajar na nami-miss ko na. Masaya ako at productive pa rin siya ngayong pandemya!

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Prima Donnas director Gina Alajar: "If you would only know everyting that happened to us in the 82 days locked in, we were the longest na nag-lock-in na hindi kami umuwi. Maraming nangyari sa amin. Marami kaming experiences na nangyari sa amin."
PHOTO/S: GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results