Tom Rodriguez at Carla Abellana, hiwalay na tatlong buwan lamang pagkatapos ikasal?

by PEP Troika
Jan 25, 2022
carla abellana tom rodriguez rumored breakup
How true na pagkalipas lamang ng tatlong buwan pagkatapos nilang ikasal ay on the rocks na ang pagsasama ng mag-asawang Carla Abellana at Tom Rodriguez?
PHOTO/S: @carlaangeline on Instagram

NOEL FERRER

Nagulat ako sa tanong ng isang kaibigang direktor kung hiwalay na ba ang bagong kasal na couple. Ang sabi ko, sana hindi totoo.

Parang nakakapanghinayang kasi na ang tagal nilang magkasintahan, pero kung kailan sila ikinasal kamakailan lamang ay saka naman napabalita ang kanilang hiwalayan.

Hindi na itinago ang mga pinatutungkulan ng tanong: totoo kayang hiwalay na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana?

Ikinasal sina Tom at Carla sa Tagaytay noong October 23, 2021 pagkatapos ng pitong taong relasyon bilang magkasintahan.

Hindi kaya away mag-asawa lang ito na puwede pa nilang maayos?

Ano sa tingin ninyo, Tito Gorgy at Tito Jerry?

Related Story: Tom Rodriguez and Carla Abellana are now married

JERRY OLEA

Totoo ba rito ang kasabihang kapag may usok, may apoy?

Sa kani-kanyang Instagram account ay andiyan pa ang mga litrato nilang magkasama, pero in-unfollow nila ang isa’t isa.

tom rodriguez ig

Continue reading below ↓

carla abellana instagram

Sa IG ni Tom ay maraming supporters nila ang umaasam na kung may pinagdadaanan man silang mag-asawa ay maayos iyon sa madaling panahon.

tom rodriguez post

Continue reading below ↓

Isang Kapuso actress ang sabi-sabi’y pinagselosan ni Carla dahil sweet dito si Tom?

GORGY RULA

Ang bilis kumalat itong kuwentong diumano’y hiwalay na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Nagpadala ako ng text message sa manager nilang si Popoy Caritativo at pati kay Carla, pero wala pa silang sagot.

Sana, hindi talaga totoo!

Bukod sa nung October 2021 lang ang kanilang kasal, nakakapanghinayang ang matagal na nilang pagsasama.

Pero kapansin-pansing hindi na sila nagpa-follow sa kani-kanyang Instagram account. Nandun pa rin naman ang mga pictures nila, pero tila wala na ang wedding photos.

Ewan ko kung totoo ang ilang kuwentong nasagap naming madalas daw ang kanilang pag-aaway at ilang beses na umano silang naghihiwalay sandali, pero nagkakaayos din.

So the others I asked were just thinking, I hope it's just one of their fights and they also get along and get back together.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
How true na pagkalipas lamang ng tatlong buwan pagkatapos nilang ikasal ay on the rocks na ang pagsasama ng mag-asawang Carla Abellana at Tom Rodriguez?
PHOTO/S: @carlaangeline on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results