OPM singers ratsada sa online concerts; Happy ToGetHer, maganda pa rin ang ratings

by PEP Troika
Jan 26, 2022
Happy Together ratings, Belle Mariano, Angeline Quinto, Garrett Bolden, Bini, BGYO
Katambal ni John Lloyd Cruz ang Kapuso sexy comedienne na si Faye Lorenzo (upper right), habang love interest ni Miles Ocampo si Khalil Ramos (lower right) noong January 23 episode ng Happy ToGetHer. Tampok sa online concerts sina Belle Mariano (in corset dress) at Angeline Quinto (in black gown), May replay naman ang One Dream concert, habang si Garrett Bolden (in suit) ay naglunsad ng bagong single.

GORGY RULA

Kahit tatlong linggo nang pawang replay episodes ang All-Out Sundays (AOS), mataas pa rin ang rating nito.

Noong nakaraang Linggo, January 23, 2022, naka-4.3% ito. Ang katapat nitong ASAP Natin ‘To na live ay 2.6% ang combined ratings, ayon sa AGB Nielsen.

Isa sa apektado at nalulungkot dahil sa hindi pa sila makapag-taping para sa AOS ay ang magaling na singer na si Garrett Bolden.

Napag-usapan namin ito sa virtual mediacon ng bagong single niya sa GMA Music na "Puwede Pa Ba" na siya rin ang nagsulat.

Aniya, "Marami kaming artists na talagang… We really don’t know how we can cope up with this situation. Pero sinurround ko lang ang sarili ko ng… Kumbaga, nagbuo ako ng support system.

"Kagaya niyan sa All Out Sundays nga, we understand na hindi kami makapag-taping. Kasi, sobrang pinangangalagaan din ng network yung health namin.

"Ginawa ko rin lahat. Nag-live stream ako just to get in touch with the fans, with the supporters, ang mga tao na we still sing in front of them kahit na virtual lang.

Continue reading below ↓

"Now nag-release pa rin kami ng single, ng songs para sa mga nagsu-support sa amin."

Nasa iTunes na at sa iba pang digital platforms itong bagong single niya simula sa Biyernes, January 28.

Hopefully ay matutuloy na rin ang live airing ng AOS sa darating na Linggo, January 30, at magtuluy-tuloy na ito, para mailunsad na rin ni Garrett ang bago niyang single.

Si Garrett ang nagsulat at kumanta ng ng theme song ng I Left My Heart in Sorsogon na "Our Love."

Sabi ni Garrett, "Natutuwa ako kasi nagkakaroon ng recall yung kantang isinulat ko.

"Para sa akin, wala lang, pero yun pala it may affect a lot of people.

"So, ngayong second song na sinulat ko, nagti-take ulit ako ng risk na sana marami ang makaka-relate at magustuhan ang kanta ko."

Garrett Bolden

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Balik-ASAP stage naman si Jona noong Sunday, January 23, para awitin nang live ang kanyang bagong single na "Someone to Love Me."

Nag-18th birthday celebration pa si Francine Diaz sa ASAP, at nagpasiklab sina KD Estrada, Alexa Ilacad, at Gigi de Lana kasama ang GG Vibes Band.

Meanwile, tuluy-tuloy lang ang pagkanta ng ibang singers online.

May mga nagko-concert, at naglalabas ng bagong album. Sampung gabi ang By Request: A Benefit Concert mula Enero 9 hanggang 18 sa FYE Channel sa Kumu, ABS-CBN Entertainment Facebook page at YouTube channel, at iWant TFC.

Nag-concert dito sina Regine Velasquez-Alcasid, Kyle Echarri, Ogie Alcasid, KD Estrada, Alexa Ilacad, Jed Madela, Gigi De Lana at GG Vibes Band. Nakiisa rin sina Moira Dela Torre kasama sina Jason Marvin at I Belong to the Zoo, Darren Espanto, Erik Santos, at Gary Valenciano.

Bahagi ito ng programang “Isang Daan sa Pagtutulungan” ng ABS-CBN at ABS-CBN Foundation, kung saan tuloy-tuloy ang fundraising activities para sa Typhoon Odette survivors sa loob ng 100 araw.

Continue reading below ↓

BENEFIT SHOW FEATURING KAPAMILYA MALE STARS

Ongoing ang “Truth or Dare: A Benefit Interactive Show” kasama ang Kapamilya leading men mula Enero 19 hanggang 28, na mapapanood pa rin sa FYE Channel sa Kumu, ABS-CBN Entertainment Facebook page at YouTube channel, at iWantTFC.

Kapalit ng donasyon, maaaring makapagtanong o magbigay ng hamon ang fans sa kanilang paboritong male idols.

Kabilang sa mga nagpakilig dito sina Joshua Garcia, Jeremiah Lisbo, Anthony Jennings, Aljon Mendoza, JC Alcantara, JC de Vera, Paulo Avelino, Zanjoe Marudo, Hyubs Azarcon at L.A. Tenorio.

Sumalang din sa “Truth Or Dare” sina Seth Fedelin, Jeremy Glinoga, Joao Constancia, Jameson Blake, Jake Cuenca, Gerald Anderson, BGYO, Carlo Aquino, Nikko Natividad, at Jerome Ponce.

truth or dare benefit concert

Continue reading below ↓

MORISETTE & ANGELINE'S CONCERTS

Pasabog ang mga concert sa KTX. Ipinagdiwang ng Asia's Pheonix na si Morissette Amon ang kanyang ikasampung anibersaryo sa industriya sa digital concert na Phoenix noong Enero 23, Linggo.

Morisette Amon

Tuluy-tuloy ang 10Q: Ten Years of Angeline Quinto at the Metropolitan Theatre ni Angeline Quinto.

Continue reading below ↓

Makakasama ni Angeline sa Enero 28, Biyernes, sina Gary Valenciano at Darren Espanto.

Sa Enero 29, Sabado, ay makaka-duet niya si Ogie Alcasid. Sa Enero 30, Linggo, ay makaka-reunion ni Angge ang kanyang mga kasamahan sa ASAP Divas na sina Kyla, KZ Tandingan, at Yeng Constantino.

Puwede pa ring bumili ng tickets sa halagang PHP499.

Angeline Quinto

Continue reading below ↓

BELLE MARIANO'S CONCERT

Matutunghayan din sa Enero 29, Sabado, 8:00 p.m., ang unang major solo concert ni Belle Mariano na pinamagatang Daylight.

Guests ni Belle sina Donny Pangilinan, Kyle Echarri, Ben & Ben at mga kapwa ABS-CBN artists na sina Trisha Denise, SAB, at Jayda.

Sa unang araw na inilabas ang tickets ay nakabenta kaagad ang concert ni Belle ng PHP300,000 sa loob ng dalawang minuto, at PHP500,000 sa loob ng trenta minutos. Sold-out na ang SVIP at VIP tickets ng kanyang concert ngunit available pa ang general admission sa halagang P195.

Sa mga hindi makakapanood sa Enero 29, maaari pa rin silang bumili at manood sa Enero 30, Linggo sa parehong presyo.

Belle Mariano

Continue reading below ↓

BINI AND BGYO'S CONCERT REPLAY

Syanga pala, ire-replay ang One Dream: The BINI and BGYO concert version 2022 sa Pebrero 12 at 13, Sabado at Linggo.

Sa presyong PHP700, mababalikan ang concert at mayroon ding hinanda ang dalawang grupo na mga sorpresa para sa kanilang fans.

GORGY RULA

Narito ang ratings ng iba pang programa nung nakaraang Linggo, Enero 23.

GMA Blockbusters 3.6% vs. FPJ Da King 2%. Naka-3.5% naman ang Dear Uge at sumunod ang Regal Studio Presents na 3.7%.

Naka-5% naman ang Amazing Earth. Pagdating sa primetime, naka-13.4% ang 24 Oras Weekend, at 1.7% naman ang TV Patrol Weekend.

Sumunod ang Daig Kayo ng Lola Ko na 10.5%, ang Happy ToGetHer naman ay 12. 4%. Ang Jessica Soho Report ay 15.6%, at 4.5% ang The Boobay and Tekla Show.

NOEL FERRER

Aminin natin, kahit sabihing mataas pa rin ang replay episodes, it says one thing too.

Hindi priority ng mga tao ang panonood ng TV ngayon, more so free TV. As it is, the audience can watch the shows online at any convenient time.

Continue reading below ↓

Pagandahan na lang at gawin talagang relevant ang content!

This way, hindi lang siya pang-entertainment, push pa nating pang-inspire at pang-educate. Sana, sana!!!

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Katambal ni John Lloyd Cruz ang Kapuso sexy comedienne na si Faye Lorenzo (upper right), habang love interest ni Miles Ocampo si Khalil Ramos (lower right) noong January 23 episode ng Happy ToGetHer. Tampok sa online concerts sina Belle Mariano (in corset dress) at Angeline Quinto (in black gown), May replay naman ang One Dream concert, habang si Garrett Bolden (in suit) ay naglunsad ng bagong single.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results